Chapter 61: Sampal

4 3 0
                                    

"Joana! Huwag kang bibitaw! Joana!" sigaw ni Leslie.

Nasaksihan nila Karen at Magda ang nangyari. Hindi nila inakalang ganoon ang mangyayari.

Hinawakan ni Leslie ang kamay ni Joana ng mahigpit upang hindi ito mahulog. Ngunit hindi kinaya ni Joana at siya ay nahulog sa unang palapag.

"Joana!" malakas na sigaw ni Leslie.

"Ma'am, kasama niyo po ba 'yun?" tanong ng cashier kay Olivia habang bumibili siya ng pagkain.

"Sino?" tanong ni Olivia.

Itinuro ng tindera ang babaeng nahulog sa unang palapag. Lumingon naman si Olivia. Nagulat siya nang makitang nahulog sa first floor si Joana.

"Anak! Joana! Anak!" sigaw ni Olivia at dali-daling bumaba ng escalator upang puntahan ang anak.

Nang makababa sa unang palapag, kaagad niyang pinuntahan si Joana. Medyo may kaunting dugo na galing sa ulo nito.

"Anak! Gumising ka!" umiiyak na sambit ni Olivia.

Kaagad din namang sinundan nina Leslie si Olivia sa unang palapag. Nagmamadali silang bumaba.

"Joana! Joana, gumising ka!" sigaw ni Leslie.

"Ano pang ginagawa ninyo? Tumawag kayo ng ambulansya! Magpadala kayo sa ospital!" sigaw ni Olivia.

Kaagad na tumawag si Magda ng ambulansya. Makalipas ang limang minuto, nakarating ang ambulansya kung saan nangyari ang aksidente.

Kaagad na isinugod si Joana sa emergency room. May pulso pa ito nang madala sa ospital.

"Please, do everything to save my daughter. Please!" umiiyak na sambit ni Olivia.

"Yes ma'am. We will save her." tugon ng doktor.

Matapos nito ay bumalik na ang doktor sa emergency room at inasikaso si Joana. Naiwan sina Olivia, Magda, Leslie, at Karen sa waiting room.

"Olivia, huwag kang mawawalan ng pag-asa. Mabubuhay ang anak mo." sambit ni Magda.

"Alam mo, Magda, akala ko, akala ko na tunay kitang kaibigan. Pero pagkatapos ng ginawa ng anak mo sa anak ko, parang hindi ko kayang makita 'yang pagmumukha mo. Kasalanan ng anak mo kung bakit naaksidente ang anak ko. Kasalanan 'to lahat ni Leslie!" inis na tugon ni Olivia.

"Olivia, hindi naman yata tamang isisi kay Leslie ang nangyari. Tandaan mo, ang anak mo ang nauna. Ipinagtanggol lang ni Leslie ang sarili niya." sambit ni Magda.

"Ipinagtanggol? Wow! Ang galing, 'no! Oo, ipinagtanggol nga ni Leslie ang sarili niya, pero ano? Si Joana ang nakaratay. Si Joana ang nasa peligro ngayon! Kung sana, hindi pinatulan ng anak ko 'yung anak mo, edi sana, wala ang anak ko ngayon dito!" tugon ni Olivia.

"Olivia, Olivia, kumalma ka. Hindi ang anak ko ang may problema. Ang anak mo ang umaway sa anak ko. Si Joana ang may kasalanan at hindi ang anak ko." sambit ni Magda.

"Bakit, ha? Ang kapal naman ng pagmumukha mo! Anong ibig mong sabihin, na ang anak ko ay hindi ko dinidisiplina? Nahiya naman ako sayo!" tugon ni Olivia.

"Olivia, parehong may mali ang mga anak natin. Pareho silang may kasalanan. Pero sana, huwag mong sisihin ang anak ko sa nangyari." sambit ni Magda.

"Huwag sisihin? Bakit, sinong gusto mong sisihin ko? 'Yang panganay mo? Bakit, siya ba ang kaaway ni Leslie? Hindi naman, a! Kaya dapat, magbayad si Leslie sa lahat ng mga kasalanan niya sa anak ko! Dapat siyang makulong!" tugon ni Olivia.

"Olivia, hindi mo pwedeng gawin 'yan. Menor de edad pa ang anak ko. At ganun din naman siguro ang anak mo. Kaya pwede ba ha, huwag mong ipapakulong ang anak ko!" depensa ni Magda.

"Pero meron siyang kasalanan! Nang dahil sa kaniya, nandito ang anak ko sa ospital! Nasa peligro ang buhay ng anak ko nang dahil d'yan sa anak mo!" tugon ni Olivia.

"Tama na, Olivia! Tama na! Huwag kang mag-alala, kami na ang bahala sa bayarin dito. Kami na ang bahala sa gastos. Tutulungan namin kayong magbayad." sambit ni Magda.

"Kayo, magbabayad? Sigurado ka?" tanong ni Olivia.

"Oo, Olivia. Kami na ang bahala sa mga gastusin dito sa ospital." tugon ni Magda.

"No thanks, Magda! Alam mo, mas marami pa kaming pera kaysa sayo. At hinding-hindi ko kailangan ng pera mo! Kaya kung ako sayo, isaksak mo 'yan sa baga mo!" sigaw ni Olivia.

"Tita, tama na po! Huwag niyo naman pong sigawan si Nanay." sambit ni Leslie.

"Alam mo, ikaw lang naman talaga ang may kasalanan dito, Leslie! Kung hindi dahil sayo, wala rito sa ospital ang anak ko! Kaya sana, ikaw na lang ang nakaratay! Sana, ikaw na lang ang naaksidente! At sana, ikaw na lang ang mamatay!" galit na sigaw ni Olivia.

Nag-init ang dugo ni Leslie sa mga narinig niya at bigla niyang nasampal si Olivia. Napahawak si Olivia sa kaniyang pisngi.

"Hayop ka! Isa kang kriminal!" sambit ni Olivia at sinampal din nito si Leslie.

"Tita, tita, tama na 'yan!" awat ni Roxanne.

"Olivia, pwede ba! Huwag nga kayong mag-away dito ni Leslie! Pwede ba, huwag mo namang pagmukhaing masama ang anak ko!" sigaw ni Magda.

"Bakit, masama naman talaga siya, a! Alam mo, Magda, nagsisisi ako. Nagsisisi ako dahil naging kaibigan kita! Kaya magmula ngayon, pinuputol ko na ang pagkakaibigan natin! At ikaw Leslie, masunog ka sana sa impyerno!" galit na tugon ni Olivia.

"Hoy, Olivia, magdahan-dahan ka nga sa pananalita mo! Alam mo, kung gusto mong makasama ang anak mo ng mahaba pang panahon, pwede, pumreno ka naman!" sambit ni Magda.

"At bakit ko naman hindi makakasama ang anak ko ng matagal? Bakit, papatayin niyo ba ako? Ihuhulog niyo rin ba ako sa first floor?" tanong ni Olivia.

"Hindi. Baka kasi, patayin ka ng sarili mong galit. Kaya pwede ba ha, huwag mong gawin sa anak ko kung anong ayaw mong mangyari sa anak mo." tugon ni Magda.

"Bwisit ka, Magda! Bwisit kayo ni Leslie! Alam ninyo, sana talaga, kayo na lang ang nahulog at hindi ang anak ko!" sigaw ni Olivia.

"Nay, tita Olivia, tama na po. Baka meron tayong mga masasamang bagay na masabi. Baka hindi ninyo ma-kontrol ang temper ninyo." pag-aawat ni Roxanne.

"Kasalanan niyo 'to lahat kung bakit nasa ospital ang anak ko. Kasalanan ninyo 'to!" inis na sambit ni Olivia.

Makalipas ang ilang sandali ay lumabas ang nurse mula sa emergency room. Bakas sa mukha nito ang takot.

"Ma'am, 'yung anak niyo po, nag-flatline!" sambit ng nurse.

"A-ano?"

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now