Chapter 83: Abswelto

4 2 0
                                    

"Bilisan natin. Kailangan nating makabalik sa presinto. Kailangan nating maabutan si Mystie!" sambit ni Karen.

"Anak, chill ka lang." tugon ni Vicky.

"Papaano ako magchi-chill? Ha? Paano kung ibuking tayo nung walanghiyang Mystie na 'yon? Edi baka makulong tayong lahat!" inis na sambit ni Karen.

"Anak, don't worry. Hindi tayo makukulong o ni isa man sa atin. Remember, we have all the connections. Maimpluwensiya tayo. We can pay them all para hindi nila tayo ikulong. Pera lang ang katapat ng mga pulis." tugon ni Vicky.

"Tingin mo ba, masisilaw sila sa mga pera natin?" tanong ni Karen.

"Yes, anak. Pera lang ang katapat nila. Kayang-kaya nating bilhin ang mga pagkatao nila." tugon ni Vicky.

Nang makarating ang tatlo sa presinto, kaagad nilang hinanap si Mystie. Ngunit si Karen ang nakita nila.

"Oh, Karen, nasaan si Mystie?" tanong ni Karen.

"Oh, Roxanne, you're here. Bakit mo sa akin hinahanap si Mystie? Hanapan ba ako ng nawawala? Ano ako, lost and found?" tugon ni Roxanne.

"Pwede ba, 'wag kang mamilosopo. Ang tinatanong ko, nasaan si Mystie? Nagpunta ba siya rito?" tanong ni Karen.

"Well, kung nagpunta man siya rito, eh ano naman ngayon? Ano bang pake ninyo? Bakit parang problemadong-problemado kayo? Bakit, may dapat ba akong malaman sa kaniya? She's your friend, right? So bakit dito mo siya hinahanap?" tugon ni Roxanne.

"Bwisit, umalis na nga tayo rito. Baka mabuking pa tayo." bulong ni Karen kay Vicky.

"Halika na." tugon ni Vicky at umalis silang tatlo.

—————

"Alam niyo po, natatakot po ako eh. Natatakot po ako dahil baka saktan nila si Karen. Alam ko pong tama ang ginawa ko. Pero bakit ganito po ang nararamdaman ko?" tanong ni Mystie.

"Iha, normal lang 'yan. Normal lang na makaramdam ka ng takot. Makapangyarihan ang mga Villanueva. At sigurado ako na kung sino man ang kumalaban sa kanila, kayang-kaya nilang ipapatay!" tugon ni Rita.

"Kaya nga po natatakot ako, ma'am Rita. Natatakot po ako na baka matunton nila ako." sambit ni Mystie.

"Don't worry. May mga gwardyang nagbabantay sa atin. And they will not let your enemies in. Poprotektahan ka nila." tugon ni Rita.

—————

"Oh, look at this, kuya and mom. Magkakaroon ng hearing ang kaso ni Karen. And I want to go there. I want to see her na mahatulan." sambit ni Karen.

"Oo nga, don't worry. Pupunta tayo. Pupunta tayo sa hearing niya. Pero teka, nasaan kaya si Mystie?" tugon ni Vicky.

"I don't know. Nagtataka ako. Papaano kung itinatago siya nina Karen?" tanong ni Roxanne.

"I don't think so. Maybe, naaksidente siya or whatever." tugon ni Vicky.

"Kung naaksidente siya, malamang mababalitaan natin 'yon. Basta, gusto kong pumunta sa hearing. Gusto kong malaman kung anong mangyayari kay Karen." ani Roxanne.

—————

Araw na ng hearing ni Karen. Medyo kinakabahan siya pero alam niyang malapit na siyang maabswelto. As usual, naroon ang mga Villanueva. Naroon din si Bella.

"Well, goodluck sayo, insan. I'm sure na pagkatapos ng hearing na 'to, mabubulok ka na sa kulungan. I'm sure na magdurusa ka ng sobra." sambit ni Bella.

Hindi tumugon si Karen tinignan lamang niya si Bella at ngumiti.

"Oh, bakit ka nakangiti? Masaya kang mahahatulan ka?" tanong ni Bella.

The SwitchWhere stories live. Discover now