Chapter 77: Kalaboso

2 2 0
                                    

"Kuya Edward, please pumunta ka rito. Kailangan ka ni ate. Kailangan niya ng tulong mo." pakiusap ni Leslie.

"Sige, sige. I'll go there. Papunta na 'ko." tugon ni Edward.

"Sige." ani Leslie at ibinaba ang telepono.

Takot na takot pa rin si Leslie. Hindi siya makapaniwala sa nangyari. Hindi niya akalain na wala na ang kaniyang tita Amy.

—————

"Anak, where are you going? Gabi na ah? Bakit parang nagmamadali ka?" tanong ni Rita.

"Mama, I'm sorry. May importante lang akong pupuntahan. Sobrang importante." tugon ni Edward.

"Importante? Bakit, kanino ka ba pupunta? Kay Karen?" tanong ni Rita.

"Yes, Ma. I'm sorry. May nangyari sa kaniya." tugon ni Edward.

"Nangyari? Anong nangyari sa kaniya?" tanong ni Rita.

"Basta Ma, I don't know. May gustong sumira sa kaniya. Basta, malalaman natin mamaya." tugon ni Edward.

"Sasama ako sayo. At baka, kung ano na namang kalokohan ang ginawa ng peste mong asawa. Halika na." sambit ni Rita.

"S-sige po, ihahanda ko lang 'yung kotse." tugon ni Edward.

—————

"Ayan na ang mga pulis, sir, hulihin niyo po ang babaeng kriminal na 'yan! Dapat po siyang makulong at mabulok sa kulungan!" sambit ni Bella.

"Bella, huwag mo namang gawin sa akin 'to. Bella, alam mo na hindi ko kayang gawin 'to. Alam mo na hindi ko kayang pumatay ng tao. Bella, please, sabihin mo sa kanila na inosente ako." pagmamakaawa ni Roxanne.

"Tingin mo, gagawin ko 'yon? Pagkatapos mong patayin ang sarili kong ina? Never. Never mangyayari 'yon. Dahil sisiguraduhin ko na maghihirap ka. Sisiguraduhin ko na makukulong ka. At kahit kailan, hinding-hindi kita mapapatawad. At huwag ka na ring umasa na babalik pa ang pinsan mong si Bella sa buhay mo. Sige na, ikulong niyo na 'yang hayop na 'yan!" tugon ni Bella.

Walang magawa si Karen. Dinukot siya ng mga pulis. Nakita nilang lahat ang nangyari.

"Ate," umiiyak na sambit ni Leslie.

"Leslie, huwag kang umiyak. Magpakatatag ka. Magpakatatag ka. Lalaban si ate. Lilinisin ko ang pangalan ko." tugon ni Roxanne.

"Ate, hindi ka naman kriminal 'di ba? Hindi mo naman kayang pumatay ng tao?" tanong ni Leslie.

Tumango si Karen.

"Oo, Leslie. Hindi kakayanin ng konsensiya ko na pumatay ng tao, lalo na ng sarili kong kamag-anak. Pero huwag kang mag-alala, lalaban si ate. Lalaban si ate." naiiyak na sambit ni Roxanne at niyakap niya si Leslie ng mahigpit.

"Anak, huwag kang susuko. Tutulungan ka namin. Sasamahan ka namin. Lilinisin natin ang pangalan mo. Kukuha tayo ng abogado para tulungan ka sa kaso mo." sambit ni Rico.

"Salamat po, Tay. Salamat po." tugon ni Roxanne at niyakap niya ng mahigpit ang kaniyang ama.

"Anak, huwag kang mag-alala, gagawin namin ang lahat para makalaya ka. Tutulungan ka namin." sambit ni Magda.

"Sige po, Nay. Salamat po." tugon ni Roxanne at niyakap din niya ng mahigpit ang kaniyang ina.

"Sige na, tama na ang drama ninyo. Karen, sumama ka na sa mga pulis. Umalis ka na!" sambit ni Bella.

Wala na lamang magawa si Karen kundi ang sumama sa mga pulis. Hindi siya makapaniwala na kahit ang sarili niyang pinsan, pinagbibintangan siya.

—————

The SwitchWhere stories live. Discover now