Chapter 38: Saving Karen

7 3 0
                                    

"Ano po, tita? Ano pong sabi ni Karen?" tanong ni Bella.

"Bella, nasa panganib ang pinsan mo. Dinukot siya ng mga Villanueva. Natatakot ako para sa anak ko." tugon ni Magda.

"Ano na pong gagawin natin?" tanong ni Bella.

"Hihingi ako ng tulong kay Rico. Alam niya kung saan ang bahay ng mga Villanueva." tugon ni Magda.

"Sige po." ani Bella.

Kaagad umakyat si Magda sa kwarto ni Rico at tinawag ito.

"Rico, kailangan ko ng tulong mo!" ani Magda.

"Bakit? Anong nangyari?" tanong ni Rico.

"Rico, si Karen, dinukot ng mga Villanueva! At alam ko na alam mo kung nasaan ang bahay nila!" tugon ni Magda.

"Sige, magbihis na kayo. Ililigtas natin si Karen!" ani Rico.

"Sige, sige."

"Nay, saan po kayo pupunta?" tanong naman ni Leslie.

"Anak, dinukot ng mga Villanueva ang ate mo. Nasa panganib siya ngayon. Kailangan natin siyang iligtas!" tugon ni Magda.

"Nay, sasama po ako." ani Leslie.

"Sige, magbihis ka na!" sambit ni Magda.

—————

"Nay, I need to go back to the mansion. Baka hinahanap na ako ng biyenan ko." sambit ni Karen.

"O siya sige, anak. Mag-iingat ka." tugon ni Vicky.

"Nay, kuya, bantayan ninyong maigi 'tong si Karen. Baka makatakas siya at makapag-sumbong pa sa pulis. At kapag nangyari 'yon, pare-pareho tayong malalagot." sambit ni Karen.

"Sige, anak." tugon ni Vicky.

Pinuntahan naman ni Roxanne si Karen na nagpanggap na nakatali pa rin kahit na natanggal na sa kaniya ang tali upang hindi siya mahuli.

"O ikaw, Karen, magpapakabait ka ha? Kasi, baka hindi ka tanggapin sa heaven kapag pinatay ka na namin." sambit ni Karen.

"Hindi ako papayag na mamatay. Hindi pwede." tugon ni Roxanne.

"Aba, at sa tingin mo, may magagawa ka pa kapag pinatay ka na namin? Oh, c'mon, Karen! Gumising ka sa katotohanan!" sambit ni Karen.

"Hayop kayo! Mga hayop kayo! Pagbabayaran niyo 'to lahat!" tugon ni Roxanne.

"Well, sa pagkakaalam ko, never akong umutang ng pera sayo, so anong pagbabayaran namin?" tanong ni Karen.

"Kahit kailan talaga, demonyo ka! Basta magbabayad kayong lahat!" tugon ni Roxanne.

"O siya siya, sige. Gora na 'ko, baka hinahanap pa ako ng biyenan ko. Bye, Karen! Bye, Nay and bye, kuya! Take care of Karen, okay?" sambit ni Karen.

"Oh yes, anak. We'll take care of her." tugon ni Vicky.

Nang makaalis si Roxanne tinitigan ng masama ni Vicky si Karen.

"Mag-behave ka rito at 'wag kang tatakas. Dahil sa oras na tumakas ka, pwede ka naming ipa-hunting sa mga tauhan namin para ipapatay." sambit ni Vicky.

—————

"Ano, Rico, malapit na ba tayo?" tanong ni Magda.

"Maghintay ka lang, Magda. Maililigtas din natin si Karen." tugon ni Rico.

"Naku po, sana walang masamang nangyari kay Karen." sambit ni Bella.

"Ano ka ba, ate Bella. Walang masamang mangyayari kay ate." tugon ni Leslie.

"Naku, Leslie, sana nga. Sana nga." ani Bella.

Makalipas pa ang ilang minuto, narating na rin nila ang bahay ng mga Villanueva. Malakas ang kutob nila na naroon si Karen.

"Ako muna ang bababa. Dito muna kayo. Sisilipin ko muna kung nandoon si Karen, saka ko na kayo tatawagin." sambit ni Rico.

"Rico, mag-iingat ka." tugon ni Magda.

Matahimik na bumaba si Rico ng sasakyan. Pagkatapos, dahan-dahan siyang naglakad patungo sa bahay ng mga Villanueva. Umakyat siya ng gate. At pagkatapos, matagumpay siyang nakapasok sa loob ng gate.

Dahan-dahan siyang sumilip sa loob ng bintana. Nakita niya si Karen na nakaupo roon. Hindi siya nabigo.

"Pssst, Karen!" tawag ni Rico sa anak.

Narinig ni Karen ang ingay na nagmumula sa bintana. Nilingon niya ito.

"T-tay?" mahinang bulong ni Roxanne.

"Anak, nandito na ako. Ililigtas ka namin." mahinang tugon ni Rico.

"Sige po." ani Roxanne.

"Anak, kaya mo bang buksan 'yung pinto?" tanong ni Rico.

"S-sige po." tugon ni Roxanne.

Tumayo si Karen mula sa kaniyang kinauupuan. Mabuti na lamang at hindi nakatingin ang mga Villanueva. Humanap ng magandang tiyempo si Karen upang mabuksan ang pinto.

"Anak, itatakas na kita. Halika na!" sambit ni Rico.

Kaagad silang tumakbo papalayo at binuksan ang gate. Narinig ni Vicky ang ingay na 'yon.

"Anak, anong ingay 'yon?" tanong ni Vicky.

"Si Karen! Baka nakatakas si Karen!" tugon ni Fred.

"Halika, habulin natin sila!" sambit ni Vicky at hinabol nila si Karen.

Naabutan nila sina Rico at Karen na tumatakas.

"Rico? Karen? Ano sa tingin ninyo, hindi namin kayo mahuhuli?" sambit ni Vicky.

"Pwede ba, Vicky, 'wag mo na idamay ang anak ko!" sigaw ni Rico.

"Halika na anak!" dagdag pa ni Rico at nagmadaling tumakbo.

"Hindi kayo pwedeng makatakas!" sigaw ni Vicky.

Kaagad nakasakay ng sasakyan sina Karen at Rico. Hindi na nahabol nina Fred at Vicky sina Karen at Rico.

"Patay tayo kay Roxanne, Mama." sambit ni Fred.

"Eh, ano nang gagawin natin?" tanong ni Vicky.

"H-hindi ko alam. Maybe, you should call Roxanne." tugon ni Fred.

—————

"Oh, Karen, saan ka nanaman galing, aber?" tanong ni Rita.

"Pwede ba, tita, it's none of your business." tugon ni Karen.

"How dare you answer to me like that? Anong karapatan mo, Karen?" tanong ni Rita.

"I'm sorry po, tita. N-namasyal po kasi kami ng mga friends ko." tugon ni Karen.

"Namasyal? Hindi ba, inutusan kitang magluto at mamalengke? Bakit hindi mo ako sinunod?" tanong ni Rita.

"So ngayon kasalanan ko pa? Eh hindi ba, may maid naman? Ano pang silbi ng maid kung hindi niyo siya uutusan?" tanong ni Karen.

Nag-init ang dugo ni Rita sa sagot ni Roxanne. Nasampal niya ito. Napahawak si Roxanne sa kaniyang pisngi.

"Hayop ka! Edi ngayon, lumabas ang mabahong ugali mo? Mayghad, tita." sambit ni Karen.

"Pwede ba, kung hindi mo ako susundin, lumayas ka na rito sa pamamahay ko!" tugon ni Rita.

"No, hindi ako aalis dito. Hihintayin kong umuwi si Edward." ani Karen.

"Hindi! Aalis ka rito sa ayaw at sa gusto mo! Lumayas ka!" sigaw ni Rita at itinulak si Karen palabas ng pinto.

Sakto namang dumating ang sasakyan ni Edward. Nakita niya ang ginawa ng kaniyang ina kay Karen. Dali-dali tuloy siyang napababa sa sasakyan.

"Mama, what's happening here?" tanong ni Edward.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now