Chapter 60: Matinding Galit

2 3 0
                                    

"Bakit ba kasi kayo naghiwalay?" tanong ni Olivia.

"Nay, parati kasing nakadikit si Nikko sa Leslie na 'yon. Naiinis na ako everytime na makikita ko silang magkasama. Pakiramdam ko, hindi na ako mahal ni Nikko." tugon ni Joana.

"Eh, tama nga lang 'yan anak na naghiwalay na kayo. At tsaka, I'm sure na meron din namang para sayo." sambit ni Olivia.

"Thank you, mommy." tugon ni Joana.

"Ano, anak? Gusto mo bang mamasyal somewhere? Para naman mawala 'yang lungkot na nararamdaman mo." tanong ni Olivia.

"Sure, mommy. Sige po, magbibihis lang po ako." tugon ni Joana.

"Sige."

—————

"Anak, magbihis ka. Mamimili tayo kasama ng ate mo." sambit ni Magda kay Leslie.

"Ngayon na po ba, nay?" tanong ni Leslie.

"Oo, anak. Halika na." tugon ni Magda.

"Sige po, mag-aayos lang po ako." ani Leslie at umakyat sa kaniyang kwarto.

"Oh, Magda, saan kayo pupunta?" tanong ni Rico.

"Ah, hindi, mamamasyal lang kami. Gusto mo bang sumama?" tanong ni Magda.

"Hindi na. Magpapahinga na lang ako dito. Kayong tatlo na lang para makapag-bonding din kayong mag-iina." tugon ni Rico.

"Sige, Rico. Mag-iingat ka rito." ani Magda.

—————

"Mommy, thank you for bringing me here. Medyo nawala 'yung galit ko kay Leslie." sambit ni Joana habang naglalakad siya kasama ng ina sa ikalawang palapag ng mall.

"Sabi ko naman sa 'yo, anak. Kailangan mo lang talaga siguro makapag-unwind. Masyado ka ng stressed d'yan sa jowa mong manloloko." tugon ni Olivia.

"Well, siguro nga, mas mabuti na nga siguro na hiniwalayan ko na si Nikko. Dun siya kay Leslie, magsama silang dalawa." sambit ni Joana.

"Oh, ayan ka na naman, 'nak. 'Di ba, sabi ko sayo na 'wag mo nang iintindihin 'yang jowa mong manloloko 'di ba?" tanong ni Olivia.

"Eh, sorry naman. Alam mo namang mahal na mahal ko 'yun si Nikko. Pero nang dahil lang kay Leslie, nagkahiwalay kami." tugon ni Joana.

"Jusko, pwede ba ha, nandito tayo sa mall para mamasyal, hindi para pag-usapan 'yang jowa mo." sambit ni Olivia.

"Sorry naman." tugon ni Joana.

"Uy, teka, teka sandali, magbabanyo lang ako." sambit ni Olivia.

"Teka, mommy, sama ako. Naiihi na rin ako." tugon ni Joana at naglakad sila patungong banyo.

—————

"Nay, salamat po kasi dinala niyo kami rito." sambit ni Roxanne.

"Oo naman, anak. Eh, alam niyo naman, medyo stressed itong kapatid mo nang dahil kay Joana." tugon ni Magda.

"Oo nga po, nay. Naku, sana tigilan na tayo ni Joana. Sana, matapos na ang kasamaan niya." ani Leslie.

"Eh, anak, hindi ka na dapat naglalalapit sa Joana na 'yan. Kahit pa, anak siya ng kaibigan mo. Hayaan mo, kakausapin ko si Olivia kapag may pagkakataon para mapagsabihan din niya 'yung anak niya." tugon ni Magda.

"Salamat, Nay." ani Leslie.

"Uy, ano 'yun? May sale na damit oh! Tara!" sambit ni Roxanne.

"Oo nga." tugon ni Leslie.

The SwitchWhere stories live. Discover now