Chapter 128: Ultimate Revenge

3 0 0
                                    

Kaagad na lumabas si Edward upang tumawag ng doktor. Nag-aagaw buhay si Janice. Natatakot ang lahat lalo na si Mariel dahil baka hindi na siya magising.

"Janice, lumaban ka! 'Wag mo ako iiwan!" sigaw ni Mariel.

"Iha, lumaban ka!" ani Rita.

Nang makabalik si Edward, kasama na niya ang mga doktor.

"Ma'am, sir, sa labas po muna kayo. Kami na po ang bahala sa pasyente. I-rerevive na po namin siya. Doon po muna kayo." sambit ng doktor.

"Dok, please save her!" tugon ni Rita.

Nang makalabas sila ng kwarto ni Janice, hindi nila mapigilan ang maiyak at mag-alala.

"Naku, sana, sana lumaban si Janice." sambit ni Edward.

"Oo nga. Sana, lumaban ang kapatid ko. 'Di ko kaya kung mawawala siya. Mahal na mahal ko ang kapatid ko." tugon ni Mariel.

Nakita nilang ni-rerevive ng mga doktor si Janice. Umaasa sila na magigising pa ito.

Makalipas ang ilang minuto, lumabas ang isa sa mga doktor na nag-revive kay Janice.

"Dok, kamusta po ang kapatid ko? Magigising na po siya, 'di ba?" tanong ni Mariel.

"I'm sorry. But, her organs failed. She died a few minutes ago." tugon ng doktor.

"Dok, nagbibiro ka, 'di ba? Nagbibiro ka? Dok, kung prank 'to, pwede ba ha, tumigil ka? Hindi patay ang kapatid ko, 'di ba?" tanong ni Mariel.

"I'm sorry, but this is not a prank. Hindi rin po ako nagbibiro. I'm sorry for your loss." tugon ng doktor.

Hindi matanggap ni Mariel ang nangyari kay Janice. Naluluha siya sa pagkawala ng kaniyang kapatid.

"B-bakit ganito? Bakit ngayon pa? Ang tagal naming hindi nagkita ng kapatid ko, tapos ganito lang ang mangyayari? Bakit?" naluluhang tanong ni Mariel.

"Mariel, ganun talaga. Hindi natin hawak ang mga buhay natin. Hindi natin alam kung kailan tayo mamamatay. Hindi rin natin alam kung hanggang kelan tayo mananatili sa mundong ito." tugon ni Rita.

"Wala na po. Wala na ang kapatid ko. Tita, gusto ko pong gumanti sa mga taong pumatay sa kaniya. Gusto ko po silang pagbayarin." sambit ni Mariel.

"'Wag kang mag-alala, Mariel. Kilala ko ang mga taong pumatay sa kapatid mo. Kilalang-kilala ko ang taong 'yon. Huwag kang mag-alala, pagbabayarin natin sila." tugon ni Karen.

—————

"Mariel, condolence. Nakikiramay kami sa pagkawala ng kapatid mo." sambit ni Karen nang dumalaw sila sa burol ni Janice.

"Salamat, Karen." tugon ni Mariel.

"Hi Mariel, my name is Nerissa. Naikwento ka sa akin ni Karen. At balita ko, gusto mo raw maghiganti sa mga taong pumatay sa kapatid mo?" tanong ni Nerissa.

"Opo, ma'am. Gusto ko po silang pagbayarin sa lahat ng mga ginawa nila. Gusto ko po silang singilin." tugon ni Mariel.

"Well kung ganun, matutulungan ka namin. Alam mo, pinatay din nila ang anak ko. Pinatay nila si Mystie. Sila ang dahilan kung bakit hindi ko nakakasama ang anak ko." sambit ni Nerissa.

"Sad to hear that po, ma'am. Salamat po sa tulong ninyo. Tatanggapin ko na po ito. Gusto kong makabawi sa kanila. Hindi po ako papayag na hindi mabigyan ng hustisya ang kapatid ko." tugon ni Mariel.

—————

"Nay, nakita mo ba 'to? Tignan mo oh, namatayan na naman sina Karen." sambit ni Roxanne.

"Ano 'yan? Patingin nga?" tugon ni Vicky.

"Look at that, nay. Namatay na si Janice. Namatay na 'yung kasambahay nila. At ayan oh, may address kung saan sila mapupuntahan." sambit ni Roxanne.

"So ano, manggugulo na naman tayo?" tanong ni Vicky.

"Well, not this time. Makikiramay lang talaga tayo sa kanila. Itim na ang susuotin natin at hindi na pula." tugon ni Roxanne.

"Well, kung 'yan ang gusto mo, fine!" ani Vicky.

Makalipas ang kalahating oras, tuluyan na ring umalis ang mag-inang Vicky at Roxanne upang pumunta sa burol ni Janice.

"Joel, dito ka muna. Iwan mo na kami. Kami na lang ang papasok sa loob." sambit ni Vicky.

"Sige po."

Nang makapasok sila sa loob ng gusali kung saan ibinurol si Janice, kaagad nilang hinanap ang room na iyon. Pumasok ang mag-ina sa loob ng kwartong 'yon. Nagulat sila dahil pagkapasok nila ay iisang tao lamang ang nakita nila.

"Nay, bakit walang katao-tao? Ano bang meron?" tanong ni Roxanne.

"Hindi ko alam, anak." tugon ni Vicky.

Nagulat na lamang silang dalawa dahil biglang nagsara ang pinto sa likuran nila.

"What the hell? Anong nangyayari? Bakit sumara 'yung pinto?" tanong ni Roxanne.

"Aba, ewan ko! Ano ba 'to? Prank na naman ba 'to, ha?" tugon ni Vicky.

"Hindi ko alam! Mommy, may isang taong nakaupo doon. Tawagin natin!" sambit ni Roxanne.

"S-sige."

Kaagad pinuntahan ni Vicky ang taong nakaupo. Kinalabit niya ito ngunit hindi ito sumasagot.

"Excuse me, miss? Bakit ba ayaw mong humarap? Kinakausap kita, 'di ba?" tanong ni Vicky.

Hindi pa rin tumugon ang babae.

"Hoy, ang sabi ko, humarap ka! Bakit ayaw mong humarap?" muling tanong ni Vicky.

Nagulat na lamang si Vicky nang biglang tumayo ang babae at humarap sa kanila. Ngunit hindi nila ito nakilala dahil may takip ang kaniyang mukha.

"Sino ka ba, ha? Bakit mo tinatakpan 'yang mukha mo?" tanong ni Vicky.

"Excuse me? Hoy, kinakausap ka ng nanay ko! 'Wag kang bastos!" sigaw ni Roxanne.

Dahan-dahang inangat ng babae ang takip sa kaniyang mukha. Nagulat sila dahil kilala nila ang babaeng 'yon.

Si Karen...

"Oh, hello Vicky and Roxanne! Kamusta kayo? Did you missed me?" tanong ni Karen.

"Hayop ka, Karen! Anong ginagawa mo rito? Bakit ikaw lang ang tao rito? Nasaan ang iba?" tugon ni Roxanne.

"Oh well, don't worry. Darating din sila. Pero, mamaya pa." sambit ni Karen.

"Anong trip 'to, Karen? Bakit ikaw lang tao? At bakit may takip ang mukha mo kanina?" tanong ni Vicky.

"Ah, 'yun ba? Well, this is a trap, Vicky. I'm sorry, pero, wala na kayong kawala. Pasensiya na rin. Gusto ko rin kasi 'to." tugon ni Karen.

"Hayop ka! Hayop ka, Karen!" sasampalin na sana ni Vicky si Karen ngunit kaagad niya itong napigilan.

"Don't you dare, Vicky. You can't do that here. Well, kung ako sayo, mag-ready ka na. Humanda ka na sa mga susunod na mangyayari sa inyo ng demonyita mong anak." sambit ni Karen.

"Hayop ka." tugon ni Vicky.

"Well, Vicky and Roxanne, kilalanin natin kung sino talaga ang nag-plano ng lahat ng ito. Let's welcome, Ms. Nerissa Policarpio!" sambit ni Karen at biglang bumukas ang pinto sa likuran nila.

Dahan-dahang pumasok si Nerissa sa pinto. Naglakad ito patungo sa kinatatayuan ni Roxanne.

"Hello, Roxanne my dear!" sambit ni Nerissa at bigla niya itong sinampal.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now