Chapter 92: Bagong Pagsubok

1 0 0
                                    

"Oo. Ako nga. Ba't parang gulat na gulat ka? Ano ka, nakakita ng multo? Hoy Leslie, sumosobra na 'yang kakapalan ng mukha mo, ha? At talagang sasali ka pa sa beauty pageant?" sambit ni Joana.

"Oo. Sasali ako sa beauty pageant. May problema ka?" tugon ni Leslie.

"Oo. May problema ako. Kasi, hindi ka naman kagandahan like me. Bakit ka sasali? Anong gagawin mo dun, magpapacute kay Nikko?" tanong ni Joana.

"Joana, sasali ako dahil kailangan ko 'yung cash prize. Hindi para magpacute kay Nikko. Joana, pwede ba? Tigilan mo nga 'yang kakitiran ng utak mo! At huwag mong sabihing sasali ka rin sa beauty pageant?" tugon ni Leslie.

"Oh yes, Leslie. Sasali rin ako. May problema ka? Miss, pengeng form!" sambit ni Joana.

Iniabot ng babae ang application form kay Joana.

"Well, well, well, Leslie. Goodluck na lang sa ating dalawa. I'm sure na hindi ka mananalo sa pageant dahil hindi ka naman magaling katulad ko. Kaya kung ako sayo, magback out ka na lang. Okay, bye!" sambit ni Joana sabay walkout.

"Napakasama talaga nung babaeng 'yon, bes. Alam mo, 'wag mo na lang siya pansinin. Malamang, insecure 'yun sa beauty mo kaya ayaw ka niyang sumali sa pageant dahil alam niyang matatalo mo siya." ani Mindy.

"Ewan ko, bes. Hindi ko na alam. Natatakot ako. Paano kung isabotahe niya 'ko sa beauty pageant?" tanong ni Leslie.

"Bes, huwag kang mag-alala. Kung isabotahe ka man niya, nandito kaming lahat. Kami ng nanay mo, tatay mo, ate mo, pati ako. At sigurado ako na kahit si Nikko, nakasuporta sayo. Bes, hindi ka dapat kabahan. Okay?" tugon ni Mindy.

"Salamat Mindy ah. Salamat talaga. Pero alam kong isang araw, matatapos din ang kasamaan ni Joana." sambit ni Leslie.

—————

"What? Totoo ba 'to? Sasali ka sa beauty pageant?" nakangiting sambit ni Nikko.

"Oo, Nikko. Sasali ako. Kailangan ko kasi nung cash prize. Medyo, hirap kasi kami sa buhay eh. Andami na naming bayarin. 'Di na namin alam kung papaano mababayaran 'yung mga utang namin." tugon ni Leslie.

"You know what Les, nandito lang kami parating nakasuporta sayo. Don't worry, dahil ichecheer kita sa beauty pageant mo. Papalakpakan kita sa talent portion ng maraming-marami. Basta, gusto kong ipanalo mo 'tong beauty pageant na 'to." sambit ni Nikko.

"Talaga, Nikko? Maraming salamat talaga ha. Maraming salamat talaga sa inyo. Alam mo, baka hindi ko kayanin 'tong pageant na 'to kung wala kayong dalawa ni Mindy. Salamat talaga sa inyo." tugon ni Leslie.

"Sabi ko naman sayo bes, e. Suportang-suporta kaming lahat sayo. And I'm sure na matutuwa ang parents mo kapag nalaman nila na sasali ka sa pageant." ani Mindy.

—————

"Bwiset, talagang sasali pa 'yung Leslie na 'yon sa beauty pageant! Hanggang doon ba naman, kakumpitensiya ko siya?" inis na sambit ni Joana.

"Joana, pwede ba, kumalma ka lang. May plano ako para sa kaniya. And I'm sure that it will make her pahiya." tugon ni Nicole.

"Guys, ano na naman bang binabalak niyo? Pwede ba, huwag na nga kayong makipag-compete kay Leslie dahil hindi rin naman siya nakikipag-compete sa inyo." dagdag pa ni Cath.

"Cath, kanino ka ba talaga kampi? Sa akin ba o dun sa Leslie na 'yon? Alam mo, humanda talaga sa 'kin 'yung babaeng 'yun. Makikita niya kung anong hinahanap niya." sambit ni Joana.

"Syempre, friend, sayo ako kakampi. Eh kaibigan kita eh. Pero ang sinasabi ko lang, huwag na kayong makipag-compete kay Leslie. Hindi naman niya kayo inaano eh." tugon ni Cath.

The SwitchWhere stories live. Discover now