Chapter 7: Roxanne in the House

29 2 0
                                    

Biglang tumunog ang telepono ni Karen. Tumatawag si Roxanne.

"Wait hon, I have to answer this call." sambit ni Karen.

"Go ahead." tugon ni Edward.

Sinagot ni Karen ang tawag ni Roxanne.

"Hello Roxanne, napatawag ka?" tanong ni Karen.

"Hi, Karen! Oo, napatawag ako. Do you mind if I go to your house? Wala lang, I just wanna visit." tugon ni Roxanne.

"Uhm, I am just going to ask Edward." sambit ni Karen.

"Ask what?" tanong ni Edward.

Inalis ni Karen ang kaniyang telepono sa kaniyang tenga.

"Hon, is it okay kung bisitahin tayo dito ni Roxanne?" tanong ni Karen.

"Sure, why not?" tugon ni Edward.

Muling inilagay ni Karen ang kaniyang telepono sa kaniyang tenga.

"Uhm, pumayag si Edward. You can go." sambit ni Karen.

"Thank you, Karen. Sige, otw na ako." tugon ni Roxanne.

"Okay, sige. We'll wait for you." sambit ni Karen.

"Okay, see you later." tugon ni Roxanne.

Pagkatapos noon ay ibinaba na ni Karen ang telepono.

"Naku, hon, pupunta raw dito si Roxanne. Gusto raw niyang makipagkita. Alam mo na, matagal na kaming 'di nakakapag-usap." sambit ni Karen.

"It's okay, hon. Gusto ko rin siyang makilala." tugon ni Edward.

----------

"Oh, Nay, namalengke na po ako." sambit ni Bella.

"Salamat, anak. Talagang pakiramdam ko pagod na pagod ako eh." tugon ni Amy.

"Nay, sigurado po ba kayo na ayos lang kayo? Para po kasing may lagnat kayo eh." tugon ni Bella.

Ibinaba ni Bella ang kaniyang mga ipinamili. Hinipo niya ang leeg ni Amy. Napakainit nito.

"Nay, napakainit niyo po! Dadalhin ko na po kayo sa ospital!" sambit ni Bella.

Kaagad nagpara ng tricycle si Bella at dinala si Amy sa ospital.

----------

"Ma'am, may kumakatok po sa labas." sambit ni Janice.

"Ay sige, Janice, papasukin mo. Si Roxanne 'yan. Bisita ko." tugon ni Karen.

"Sige po, ma'am." tugon ni Janice.

Pinagbuksan ni Janice ng pinto ang nasa labas. Si Roxanne nga ito.

"Roxanne!" sambit ni Karen.

"Karen! Naku ha, ang laki naman pala ng bahay mo! Mala-palasyo! Uy, grabe, ang yaman mo na pala!" tugon ni Roxanne.

"Naku Roxanne, hindi naman. Sinuwerte lang sa buhay. Oh halika, pasok ka." sambit ni Karen.

"Hi, Roxanne!" sambit ni Edward.

"Hi, Edward! How are you?" tanong ni Roxanne.

"I'm fine." tugon ni Edward.

"Uhm, halika na? Marami kaming pagkaing niluto. Join us." sambit ni Karen.

"Salamat, Karen. Naku, ang laki-laki talaga ng bahay mo. Swerte-swerte mo talaga dyan sa husband mo." tugon ni Roxanne.

"Naku, sakto lang naman." sambit ni Karen.

"Ay, ma'am, sir, naka-ready na po ang lamesa. Pwede na po kayong kumain." sambit ni Janice.

"Ay taray, may yaya pa oh, may tagahanda pa ng pagkain." sambit ni Roxanne.

The SwitchWhere stories live. Discover now