Chapter 152: Matinding Hinala

3 0 0
                                    

"Bakit, ate? Ano bang ginawa niya? Hindi ba, kasambahay lang siya? Anong sikreto?" nagtatakang tanong ni Sabrina.

"Sabrina, hindi ko rin alam. 'Yun ang dapat nating alamin. Hindi ko rin maintindihan kung bakit. Pero pakiramdam ko talaga, may kinalaman siya sa aksidente ni tita." tugon ni Karen.

"Anak, 'wag muna tayo manghusga. Hindi pa natin alam ang katotohanan. Alamin muna natin kung ano ba talagang nangyari. Pero, si Nerissa lang ang makakasagot ng lahat ng mga katanungan natin. Kailangang magising na siya." sambit ni Magda.

"Tama po kayo, nay. Si tita Nerissa lang po ang makakasagot ng mga tanong natin." tugon ni Karen.

—————

"Nay! Ano ka ba? Anong ginagawa mo rito? Mabuti na lang at wala silang lahat!" sambit ni Iris nang makita niyang bumisita si Vicky sa bahay nina Nerissa.

"Anak, I'm just making sure na okay ka lang dito. Ikaw lang ba mag-isa dito?" tanong ni Vicky.

"Oo, nay. Ako lang ang mag-isa. Umalis silang lahat." tugon ni Iris.

"Eh, saan sila nagpunta?" tanong ni Vicky.

"Sa ospital. Tinulak ko kasi si Nerissa sa second floor. Ayan, pinaglilinis pa ako ng dugo. Mas nagtataka tuloy sila sa akin lalo." tugon ni Iris.

"A-ano? Ginawa mo 'yun? Bakit?" tanong ni Vicky.

"Nalaman ni Nerissa 'yung sikreto ko. Alam niyang hindi ako si Iris. Alam niya na ako si Roxanne." tugon ni Iris.

"Ano?! Ayan kasi! Tatanga-tanga ka! Bakit, pano ka nahuli?" tanong ni Vicky.

"Eh, 'di ba nga, tumawag ka sa akin kanina? Ayan tuloy, narinig niya 'yung pinag-uusapan natin!" tugon ni Iris.

"Ayan kasi eh, hindi ka kasi nag-iingat! Mabuti na lang at nagawan mo ng paraan! Eh papaano na lang kung magising 'yung babaeng 'yon? Paano kung ibuking niya ang lahat ng kalokohan mo?" tanong ni Vicky.

"Hindi na mangyayari 'yun, dahil gagawan ko ng paraan. Sana nga, matuluyan na 'yung babaeng 'yon. Sana, mamatay na siya para wala na 'kong problema. At sana, mamatay na rin si Karen pati pamilya niya." tugon ni Iris.

"At papaano mo gagawin 'yun? Ha? Sige nga? Paano mo papatayin si Karen at ang pamilya niya? Tandaan mo, dalawa lang tayo dahil wala na ang kuya mo, at marami sila!" sambit ni Vicky.

"Nay, hindi naman ako pinanganak na tanga. 'Di ba nga, may kasabihang, "Matalino man at magaling, naiisahan din." kaya naman hindi ako papayag na maging masaya sila. Eh ano naman kung marami sila at dadalawa lang tayo? Kayang-kaya natin silang isahan!" tugon ni Iris.

"Oh, eh papaano mo naman gagawin 'yun?" tanong ni Vicky.

"Nay, madali lang 'yan. Just leave it to the expert." tugon ni Iris.

"Leave it to the expert, ha? Eh papaano kung pumalpak ka na naman?" tanong ni Vicky.

"Nay, pwede ba ha, gagawan ko ng paraan. Hindi ako papayag na ibuking ng Nerissa na 'yon. Sige na, umalis ka na. Baka anytime umuwi na 'yung mga 'yon at mahuli ka pa nila. Mas lalaki pa ang problema natin." tugon ni Iris.

"Sige na nga, alis na 'ko. Pumunta lang naman ako dito para alamin kung anong nangyayari sayo. Sige na." sambit ni Vicky.

"Umalis ka na. Sige na." tugon ni Iris.

—————

"Tita, please, gumising ka na. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung mawawala ka pa. Ikaw na lang ang pamilya ko. 'Wag na 'wag mo 'kong iiwanan, please." lumuluhang sambit ni April habang nakatingin sa wala pa ring malay na si Nerissa.

Bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Nerissa. Pumasok dito sina Karen at Edward.

"Uhm, April, kanina mo pa binabantayan si tita. Magpahinga ka na muna. Kami na ni Edward ang bahalang magbantay sa kaniya." sambit ni Karen.

"Pero Karen, ayaw ko siyang iwan. Gusto ko, nandito lang ako sa tabi niya. Baka kasi, magising siya eh, tapos hanapin niya 'ko." tugon ni April.

"April, 'wag kang mag-alala. Once na magising si tita, tatawagan kita kaagad. Don't worry, we'll be in charge of her." sambit ni Karen.

"Talaga? Sabi mo 'yan ah!" tugon ni April.

"Oo, April. Kami na muna ang bahala sa kaniya. Umuwi ka na muna. Papupuntahin ko na lang 'yung kaibigan kong si Ariana para samahan kami magbantay." sambit ni Karen.

"Sige, uuwi muna ako. Pero, ikaw na ang bahala ah." tugon ni April.

"Oo, sige."

—————

Nang makauwi si April, nadatnan niyang naglilinis pa rin ng sahig si Iris.

"Oh, Iris, naglilinis ka pa rin ng sahig? Kanina pa 'yan ah?" tanong ni April.

"Ma'am, medyo mahirap po kasing tanggalin. Huwag po kayong mag-alala, ako na po ang bahala rito. May kukunin lang po ako sa banyo sandali." tugon ni Iris.

Pagkatapos noon ay nagtungo si Iris sa banyo. Naiwan naman si April mag-isa. Aakyat na sana siya nang marinig niyang tumunog ang telepono ni Iris.

May nagtext sa kaniya.

Kaagad namang nilapitan ni April ang telepono ni Iris. Nakita niya ang babaeng nagtext sa kaniya.

Nagtaka siya dahil ang pangalan ng katext niya ay "Iris."

"Ano? Siya si Iris, tapos Iris din 'yung ka-text niya? Ang weird." sambit ni April sa sarili niya.

Hindi nagtagal at na-curious si April. Binuksan niya ang message.

Iris:
Kelan mo ibabalik ang katawan ko? Ang tagal-tagal na, ah!

Iyon ang sabi ng text. 'Yun lang ang laman ng kanilang conversation dahil mukhang burado ang lahat ng mga mensahe nito.

Nagsimulang mamuo ang duda ni April.

"Katawan? Ibabalik? Ano? Sobrang weird!" sambit ni April sa sarili niya.

Kaagad niyang ipinatong muli ang telepono sa kinalalagyan nito nang makita niyang pabalik si Iris.

"Ma'am? Cellphone ko po ba 'yan? Bakit niyo po hawak kanina?" tanong ni Iris.

"Huh? Ah, nakita ko lang kasing may nagtext sayo. Sige, akyat na 'ko sa taas ah." tugon ni April at kaagad na nagtungo sa kaniyang kwarto.

Naiwan si Iris sa sala. Mukhang nakita ni April ang pinag-uusapan nila ng totoong Iris na siyang pinsan niya na nasa katawan ni Roxanne.

"Hayop ka, April. Alam kong nagtataka ka rin. Pero 'wag kang mag-alala, hindi ko hahayaang malaman mo rin ang sikreto ko. Kung kailangan kong gawin sayo ang ginawa ko sa tita mo, gagawin ko. Basta't sisiguraduhin kong walang makakaalam ng sikreto ko. Kaaway ang tingin ko sa lahat ng taong makakaalam ng sikreto ko." sambit ni Iris sa sarili niya.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now