Chapter 42: Hidden Camera

7 3 0
                                    

Pagkapasok ni Roxanne sa kwarto nila ni Edward, kaagad kinuha ni Roxanne ang kaniyang telepono at tinawagan ang ina.

"Anak, napatawag ka? Nga pala, salamat sa pagbisita ha?" sambit ni Vicky.

"Yes, Nay. You're welcome." tugon ni Karen.

"So ano? Itutuloy mo pa ba 'yung plano mo na patayin 'yung Rita na 'yon?" tanong ni Vicky.

"Yes, Nay. I need to continue the plan. Kailangan kong patayin ang Rita na 'yon. Kailangang mamatay ang nanay ni Edward dahil makakahadlang lang siya sa lahat ng mga plano ko." tugon ni Karen.

"So, anong balak mo?" tanong ni Vicky.

"Hindi ko pa alam, Nay. Hindi ko pa alam. Pero don't worry, makakaisip din ako ng paraan. At kapag nangyari 'yon, magtatagumpay na ako sa lahat ng plano ko." tugon ni Karen.

"Magtatagumpay? Eh hindi ba, isa rin si Karen sa mga hadlang sa plano mo?" tanong ni Vicky.

"Ay, oo nga pala. Isa pa 'yun si Karen. Alam mo, Nay, dapat mamatay na rin 'yung Karen na 'yun. Kasi as long as nabubuhay siya, makakahadlang din siya. At higit sa lahat, hindi nila pwedeng ibuking ang sikreto ko na ako si Roxanne." tugon ni Karen.

"Sige, anak. Push mo 'yan. Mag-iingat ka d'yan." sambit ni Vicky.

"Salamat, Nay." tugon ni Karen at ibinaba ang telepono.

"Bwisit ka talagang Ritang matanda ka. Don't worry, may araw ka rin sa akin. Mapapatay din kita. Humanda ka sa kamatayan mo. Pati rin ikaw, Karen. Don't worry, iingatan ko naman si Edward." bulong ni Karen sa sarili.

—————

"Oh, anak, anong nangyari sayo? Bakit ganyan itsura mo?" tanong ni Magda.

"Nay, wala lang po 'to." tugon ni Leslie.

"Anak, alam kong may problema. Nandito ang nanay. Sabihin mo sa akin kung ano bang problema." ani Magda.

"Nay, may nakaaway po kasi ako kanina eh. Nainis po ako sa kaniya kaya po pinatulan ko na." tugon ni Leslie.

"Nakaaway? S-sino?" tanong ni Magda.

"Joana. Joana po ang pangalan niya. Masyado na po kasi siyang nang-aaway. Kaya ayun po, hindi ko na po natiis." tugon ni Leslie.

"Anak, sino ba 'yang Joana na 'yan? Gusto mo ba, puntahan ko siya sa school niyo at para makausap ko?" tanong ni Magda.

"Nay, 'wag na po. 'Wag na po. Ayoko na pong lumala ang gulo. Kaya ko na po ang sarili ko. Ako na pong bahala sa kaniya." tugon ni Leslie.

"Sige, anak. Pero sa susunod na awayin ka pa niya ulit, hindi mo na ako mapipigilang kausapin siya." ani Magda.

"S-sige po, Nay. Salamat po." sambit ni Leslie.

—————

Pagkatapos magbihis ni Roxanne, kaagad siyang bumaba upang kumain.

"Wow, hon, ano 'yang niluto mo?" tanong ni Karen.

"Adobo. Ito ang niluto ko dahil alam kong ito ang favorite mo." tugon ni Edward.

"Naku, hon, salamat. Ang sweet mo talaga. O siya, sige na, kumain na tayo para matikman na natin 'yang luto mo." sambit ni Karen.

"S-sige, pero aakyat muna ako sa taas. May naiwan lang ako." tugon ni Edward.

"Sige."

Nang makaakyat si Edward, sinigurado niya na kumakaing mabuti si Karen. Sana, hindi niya napansin ang camera. Titignan niya kung ano ba ang na-record ng camera.

Pagkapasok niya sa kwarto ay kaagad niyang kinuha ang camera. Sana, malaman na niya ang totoo.

Kaagad niyang inilipat sa kaniyang telepono ang file. Kaagad niyang pinanood ang video. Nagulat siya nang malaman niya ang katotohanan.

"Hayop ka, Roxanne, sinungaling ka!" sambit ni Edward sa sarili.

Muling bumalik si Edward sa hapag-kainan. Nakita niyang sarap na sarap si Karen sa luto niya.

"How's the adobo, hon?" tanong ni Edward.

"It's delicious!" tugon ni Karen.

"Sige lang, hon. Kain ka lang ng kain. Because it will be the last time na kakain ka sa bahay na 'to." sambit ni Edward.

"What? What do you mean?" tanong ni Karen.

—————

Nagulat si Leslie nang biglang may marinig siyang malakas na katok sa kanilang pinto.

"Sino 'yan?" tanong ni Leslie.

"Ako 'to, si Ariana." tugon nito.

"Ay, si Ariana pala. Halika, pasok ka ate." sambit ni Leslie at pinapasok si Ariana sa bahay.

"Ariana, napadalaw ka?" tanong ni Leslie.

"Ay oo, Leslie. Pasensiya na at ngayon lang ako nakadalaw. Alam mo na, andami kong work work work." tugon ni Ariana.

"Ay sige. Wait lang, tawagin ko lang si ate." ani Leslie.

"O siya, sige."

Tatawagin na sana ni Leslie ang ate niya nang bigla itong bumaba sa hagdan.

"Ate, andito si Ariana." sambit ni Leslie.

"Si Ariana nandito?" tanong ni Roxanne.

"Oo, ate." tugon ni Leslie.

Saya ang naramdaman ni Karen nang muli silang magkita ni Ariana.

"Beeees!"

"Uy, bes! Kamusta ka na?" tanong ni Roxanne.

"Naku, eto, okay lang. Ikaw, kamusta na?" tanong ni Ariana.

"Naku, eto, marami pa ring problema. Alam mo bes, andami kong problema." tugon ni Roxanne.

"Problema? Bakit?" tanong ni Ariana.

"Alam mo ba na may ginawang kalokohan si Roxanne?" tugon ni Roxanne.

"Ha? Bakit?" ani Ariana.

"Kasi itong si Roxanne, dinala ako sa pekeng ispiritista. Akala ko, makakabalik na ako sa katawan ko, pero hindi pala. Akala ko na marunong mag-body switch 'yung ispiritista na 'yun, pero hindi. Tapos sinabi niya sa akin na isikreto ko muna kay Edward na hindi naging successful ang body switching. 'Yun pala, gusto niyang agawin sa akin ang asawa ko kaya niya ginawa 'yun." paliwanag ni Roxanne.

"Ano? Totoo ba 'yan? So ibig sabihin, hindi alam ni Edward na nasa katawan ka pa rin ni Roxanne?" tanong ni Ariana.

"Oo, Ariana. Hindi pa niya alam." tugon ni Roxanne.

"Oh, eto, juice ate. Inom kayo." sambit ni Leslie at ibinigay ang juice kina Karen at Ariana.

"Naku, Leslie, salamat sa juice." tugon ni Ariana.

"Teka, Ariana, paano mo nalaman na wala sa mansyon si ate?" tanong ni Leslie.

"Tinext ako ng ate mo. Nagpaalam kasi ako na bibisita ako." tugon ni Ariana.

"Ahhh."

—————

"Huy hon, ano bang sinasabi mo?" muling tanong ni Karen.

Natahimik si Edward. Hindi nakarinig si Karen ng kahit na anong tugon.

"Huy, hon? Ano ba kasi 'yang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan." pag-uulit ng tanong ni Karen.

"Lumayas ka rito sa bahay namin, impostora ka!" tugon ni Edward.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now