Chapter 47: Kutob

8 3 0
                                    

"N-nay, nagsisinungaling lang 'yang matandang 'yan. Ako? Papatayin ko siya? N-nay, hindi ako mamamatay-tao." sambit ni Karen.

"Sinungaling! Kaya pala, narinig ko sa hidden camera ni Edward na kaya ka pala pumasok sa kwarto ko ay dahil gusto mo akong saksakin! Sinungaling ka talaga!" tugon ni Rita.

"Pwede ba, Rita, tumigil ka na. Tigilan mo na kami ng pamilya ko! At ayokong-ayoko na makikita pa 'yang pagmumukha mo!" sambit ni Vicky.

"Alam ninyo, umamin na kayo. Umamin na kayo kung sino ang may gawa nito sa anak ko." ani Rita.

"Pwede ba? Maling tao ang pinagbibintangan mo! Wala ni isa sa amin ang gumawa noon sa anak mo kaya pwede ba, umalis ka na?" sambit ni Fred.

"Sige. Palalampasin ko muna ang mga pagsisinungaling ninyo sa ngayon. Pero, sa oras na mapatunayan ko na kayo ang may kagagawan nito, ako na mismo ang makakalaban ninyo!" tugon ni Rita at biglang nag-walkout.

"Hindi kami natatakot sa 'yo!" sigaw ni Karen.

—————

"Alam mo, grabe mambintang 'tong Rita na 'to. Ang kapal ng mukha!" sambit ni Vicky.

"Sinabi mo pa, Nay. Nako, talagang nangigigil talaga ako dun sa matandang 'yun." tugon ni Karen.

"Well, anong plano mo?" tanong ni Vicky.

"Kahit na sisihin tayo ng matandang 'yun, wala na siyang magagawa! Dahil sisiguraduhin ko na wala silang makikitang ebidensiya na tayo ang may pakana ng pagkawala ni Edward. Kaya kahit na sisihin pa tayo ng sisihin ng matandang Rita na 'yon, wala na siyang magagawa dahil wala na ang anak niya." tugon ni Karen.

"Well, tama 'yan anak. Sige lang." ani Vicky.

—————

"Alam mo, ikaw talaga Karen ang may kagagawan nito eh. Malas ka talaga! Alam mo, kung hindi ka lang sinundo ni Edward, edi sana, hindi siya napahamak!" sambit ni Rita.

"Rita, pwede ba, huwag mo ngang sisihin ang anak ko! Wala siyang kasalanan!" tugon ni Magda.

"Wala akong pakialam. Siya ang malas sa buhay namin ng anak ko! Kung hindi siya dumating, edi sana, hindi namin makikilala ang mga Villanueva at hindi mawawala ang anak ko!" sambit ni Rita.

"Bakit? Hindi naman natin alam na mangyayari 'to, 'di ba? Kaya pwede ba, Rita, huwag na huwag mong sisisihin si Karen!" tugon ni Magda.

"Sisisihin ko kung sino ang gusto kong sisihin! Kasalanan naman 'yan ng anak mo, 'di ba? Kung sana, hindi siya nagpasundo kay Edward noong araw na 'yon, edi sana, hindi siya naaksidente! Sana, hindi siya nawala!" galit na sambit ni Rita.

"Bakit? Hindi naman si Karen ang may kagagawan ng aksidente niya, a? At tsaka, wala namang nakakaalam sa atin na mangyayari 'yon, 'di ba?" tugon ni Magda.

"Oo! Wala nga si Karen nung nangyari 'yon, pero si Karen ang dahilan kung bakit naaksidente ang anak ko! Kung hindi sana nagpasundo 'yang anak mo, edi sana, hindi naaksidente si Edward!" sambit ni Rita.

"Ang kapal-kapal ng mukha mo, Rita! Ang kapal-kapal ng mukha mong sisihin ang anak ko!" tugon ni Magda.

"Nay, tama na po 'yan. Tita, I'm so sorry po. I'm sorry po kasi kung dahil sa akin, nawala ang anak ninyo. Sorry po." ani Roxanne.

"Sorry? 'Yan lang ba ang masasabi mo, sorry? Sa tingin mo, maibabalik ng sorry mo ang anak ko?" tanong ni Rita.

"Huwag mong sisihin ang anak ko sa nangyari," tugon ni Magda.

"Huwag sisihin? Ha? Bakit ko siya hindi sisisihin? Alam mo, Magda, nasasabi mo lang 'yan dahil nandito ang anak mo! Pero 'yung anak mo, nandito siya! Buhay siya! Samantalang 'yung anak ko, hindi ko alam kung nasaan siya ngayon! Hindi ko alam kung buhay ba siya o patay!" sigaw ni Rita.

"Oo, Rita. Naiintindihan kita. Naiintindihan kita. Pero sana, huwag mo nang sisihin ang anak ko sa pagkawala ng anak mo!" tugon ni Magda.

"Sige. Hindi ko sisisihin ang anak mo. Pero once na mayroong masamang mangyari sa anak ko, I will make your lives a living hell! Kaya kung ako sa inyo, lumayas na kayo rito sa pamamahay ko! Layas!" sigaw ni Rita.

Wala na lamang magawa sina Magda at Karen kundi ang umalis sa pamamahay ni Rita. Hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin si Karen kung nasaan si Edward.

—————

"Talaga ba, babe? Papayagan mo akong bumili ng maraming damit?" tanong ni Joana kay Nikko hahang namamasyal sila sa mall.

"Of course, babe. Sige lang. Pumili ka lang ng kahit anong gusto mo. Dito lang ako." tugon ni Nikko.

"Thank you, babe." ani Joana at pumasok sa loob ng store upang mamili.

—————

"Uy, friend, parang maganda dun mamili ah? Dun kaya tayo?" tanong ni Mindy.

"Sige, bes. Halika, magpunta tayo doon." tugon ni Leslie.

Pumasok sina Mindy at Leslie sa loob ng tindahan ng mga damit. Nakakita si Leslie ng magandang damit.

"Uy, ang ganda." sambit ni Leslie at kinuha ang damit. Ngunit nagulat siya nang makitang hawak din ito ni Joana.

"Joana?" tanong ni Leslie.

"Leslie? Ikaw na naman? Oh my gosh, pwede ba? Tigilan mo na ang pang-aagaw sa akin dahil ako ang nauna sa damit na 'to." tugon ni Joana.

"Nauna ka nga, pero hindi mo pa naman nabibili. So that means, pwede pa ring maging akin 'to." ani Leslie.

"Alam mo, Leslie, ang kapal talaga ng mukha mo, 'no? Lahat nalang, gusto mong agawin!" sambit ni Joana.

"Joana, hindi naman ako mang-aagaw na katulad ng iniisip mo. Alam mo, masyado ka kasing negative mag-isip kaya akala mo inaagaw ko sayo lahat." tugon ni Leslie.

"Wow, hindi raw siya mang-aagaw? Eh bakit, 'yung jowa ko nga, inaagaw mo, 'di ba?" tanong ni Joana.

"Alam mo, Joana, kahit kailan, makitid talaga ang utak mo. Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na wala akong inaagaw sayo? At itong damit na 'to, sayong sayo na 'to kung gusto mo." tugon ni Leslie at binitiwan ang damit na hawak ni Joana.

"Ayoko na niyan. Baka kasi may germs na galing sayo." ani Joana.

Bigla namang narinig ni Mindy ang pagtatalo nilang dalawa.

"Joana? Ikaw na naman? Anong ginagawa mo sa kaibigan ko?" tanong ni Mindy.

"You know what, Mindy, isa ka pa e. Pareho kayo ng kaibigan mo. Pareho kayong nakakabwisit. Well, pwede ba, umalis na nga kayo rito." tugon ni Joana.

"Bakit mo ba kami pinapaalis? Ha? Ano, pag-aari mo ba 'tong mall para pagbawalan mo kami rito? Hindi naman, a!" sambit ni Mindy.

Bigla namang pumasok si Nikko sa loob ng store upang tignan si Joana. Nagulat siya nang makita rin sina Leslie at Mindy.

"Leslie? Mindy? Anong ginagawa niyo rito?" ani Nikko.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now