Chapter 101: Nasaan si Leslie?

2 0 0
                                    

"Ano naman kayang gagawin nina Joana kay Leslie? Natatakot ako sa para sa kaibigan ko. Kailangan kong puntahan sina Aling Magda!" sambit ni Mindy sa kaniyang sarili habang naglalakad sa loob ng campus.

Kaagad umalis si Mindy sa campus at dali-daling humanap ng taxi. Pupuntahan niya sina Magda upang ipaalam ang nangyari kay Leslie.

"Please, I hope it's not too late. Sana, mailigtas pa ang kaibigan ko." sambit pa ni Mindy.

Kaagad pumara si Mindy ng taxi. Kaagad niyang sinabi sa driver na dalhin siya sa bahay ni Magda.

Matapos ang ilang minuto, narating na niya ang bahay nila Magda. Dali-dali siyang nagbayad sa driver at kaagad na kumatok sa kanilang gate.

"Rico, may kumakatok ba sa labas?" tanong ni Magda.

"Hindi ko alam. Sandali, titignan ko." tugon ni Rico.

Kaagad tinignan ni Rico kung sino ang tao sa labas. Pinagbuksan niya ito ng gate.

"M-Mindy? Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Rico.

"Tito, si Leslie po. May nangyari po kay Leslie." tugon ni Mindy.

"Ano? Anong nangyari sa anak ko?" tanong ni Rico.

"Tito, si Leslie po, dinukot po siya nila Joana at ni ma'am Olivia. Hindi ko po alam kung saan nila dinala si Leslie." tugon ni Mindy.

"A-ano?" gulat na sambit ni Rico.

Kaagad namang lumabas si Magda upang tignan kung sino 'yon.

"Mindy, wala pa rito si Leslie. Kasama mo ba siya?" tanong ni Magda.

"Magda, kinuha nina Joana at Olivia si Leslie. Hindi raw alam ni Mindy kung saan siya dinala. Nasa panganib ang anak natin." tugon ni Rico.

"Ano? Teka, papaanong gagawin natin?" tanong ni Magda.

"Tita, mukhang kailangan po nating humingi ng tulong. Hindi ko po alam kung kanino. Pero, kailangan po natin silang matunton. May tauhan po sila na tumutulong sa kanila sa pagkidnap kay Leslie." tugon ni Mindy.

"Teka, kailangan kong tawagan sina Karen at Edward. Baka matulungan nila tayo." sambit ni Magda at dali-daling kinuha ang kaniyang telepono.

—————

"Hon, ipinagluto kita ng favorite mong fried chicken. Halika, kain na tayo." sambit ni Edward.

"Talaga, hon? Naku, salamat. O sige, kumain na tayo. For sure, mapapakain ako ng marami." tugon ni Karen.

"Sige na, bumaba na tayo." sambit ni Edward kay Karen at hinawakan ang kaniyang kamay.

"Sige na nga. Na-eexcite tuloy ako." tugon ni Karen.

Lumabas si Karen mula sa kaniyang kwarto. Hindi niya namalayan na naiwan niya ang kaniyang telepono.

Nag-riring ito ngayon dahil tumatawag si Magda.

Makalipas ang ilang sandali, walang sumagot ng telepono. Patuloy pa rin sa pagtawag si Magda.

—————

"Rico, walang sumasagot ng telepono. Ewan ko pero ring lang ng ring. Ewan ko, baka naiwan ng anak mo ang telepono niya." sambit ni Magda.

"Tita, ano pa pong hinihintay natin? Puntahan na po natin sila! Baka po, kung anong mangyari kay Leslie!" tugon ni Mindy.

"Tama si Mindy. Halika na, puntahan na natin sila sa mansyon! Baka kung anong mangyari sa anak mo!" sambit ni Magda.

"Sige. Halika na. Sumakay na kayo sa sasakyan." tugon ni Rico.

"Sasama po ako." ani Mindy.

—————

Nang makarating sila sa warehouse, binibit ng mga tauhan si Leslie papsok sa loob. Nag-aabang naman sa loob ng warehouse sina Vicky at Roxanne.

"Good job, Olivia and Joana. Nagawa ninyo ang ipinauutos ko sa inyo." sambit ni Vicky.

"Nay, ano namang balak niyong gawin d'yan kay Leslie? Papatayin niyo? Edi sana, si Karen na lang ang pinakidnap niyo!" tugon ni Roxanne.

"Anak, chill. Huwag kang mag-alala. Dadating din tayo sa point na 'yan. Makukuha rin natin si Karen. Pero sa ngayon, si Leslie na muna ang uunahin natin." sambit ni Vicky.

"Oh sige. Itali niyo na 'yan. Higpitan ninyo ha. Baka naman makatakas pa 'yan." tugon ni Roxanne.

Kaagad itinali nina Joana at Olivia ang wala pa ring malay na si Leslie. Hinigpitan nila ang tali upang 'di siya makatakas.

"Mommy, tama ba 'tong ginagawa natin?" tanong ni Joana.

"Oo. Basta, buholin mo lang ang tali. Tama 'yan." tugon ni Olivia.

"No, what I mean is, tama bang kinidnap natin si Leslie?" tanong ni Joana.

"Bakit, anak? Huwag mong sabihing nakokonsensiya ka! Hoy, hindi makakatulong 'yang konsensiya mo, ha!" tugon ni Olivia.

"Mommy, paano kung makulong tayo? Ano, gusto mo bang makulong tayo? I mean, ikaw? Gusto mo bang makulong ka?" tanong ni Joana.

"Gaga, hindi tayo makukulong. Sina Vicky at Roxanne na ang bahala kay Leslie. Basta, sila ang bahala sa atin. Hindi tayo makukulong." tugon ni Olivia.

"Sige mommy. Siguraduhin mo lang na 'di tayo makukulong dito sa ginagawa natin." sambit ni Joana.

"Oo. Basta, magtiwala ka lang." tugon ni Olivia.

—————

Kaagad pinuntahan nina Magda, Rico, at Mindy sina Karen at Edward sa mansyon.

Kaagad silang kumatok sa gate. Kaagad naman silang pinagbuksan ni Janice.

"Janice, nandyan ba ang sir Edward at ma'am Karen mo?" tanong ni Rico.

"Sir Rico? Ma'am Magda? Opo, nandito po sila. Pasok po kayo." tugon ni Janice.

Kaagad silang pumasok sa loob ng mansyon. Nadatnan nila na kumakain sina Karen at Edward.

"Anak, Karen?" sambit ni Magda.

"N-nay? Ano pong ginagawa niyo rito? Nagluto po si Edward, kain po tayo." tugon ni Karen.

"Anak, Karen, may kailangan kang malaman. Si Leslie, dinukot sila nina Joana at Olivia. Hindi alam ni Mindy kung saan sila dinala." sambit ni Magda.

"A-ano po? Totoo po ba 'yun?" tanong ni Karen.

"Oo, anak. Kailangan nating malaman kung nasaan sila. Baka kung anong gawin nila sa kapatid mo." tugon ni Magda.

"What if tawagan niyo po 'yung phone ni Leslie? Maybe it will work?" sambit ni Edward.

"Sige, anak. Tatawagan ko. Pero teka, kanina pa pala kita tinatawagan. Bakit hindi ka sumasagot?" tanong ni Magda.

"Ay, teka, naiwan ko po yata sa kwarto ko 'yung phone ko." tugon ni Karen.

—————

Makalipas ang ilang minuto, nagkaroon na ng malay si Leslie. Napansin niya na nasa ibang lugar siya. Hindi niya rin maigalaw ang kaniyang mga kamay at paa dahil nakatali.

"N-nasaan ako?"

Luminga-linga siya sa paligid. Nakita niya si Joana.

"J-Joana? Ikaw ba 'yan?" tanong ni Leslie.

Napansin ni Joana na nagkaroon na ng malay si Leslie.

"Mommy, wait. May malay na yata siya." bulong ni Joana.

Kaagad pinuntahan ni Joana ang nakatali na si Leslie.

"Leslie, gising ka na pala. Kawawa ka naman. Poor Leslie. Dito ka na mamamatay." sambit ni Joana.

"A-ano? Bakit niyo ako dinala rito? Anong gagawin niyo sa akin?" tanong ni Leslie.

"Wala kaming gagawin sayo. Pero sure ako, na may mangyayari sayo." tugon ni Joana.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now