Chapter 107: Real Enemy

3 0 0
                                    

"Mga hayop kayo. Hayop kayong mag-ina. Kayo pala ang nagpapatay sa anak ko. Hindi ako papayag na maging masaya kayo. Mabuti na lang at nabuking ko kayo." mahinang bulong ni Nerissa.

"Ibig sabihin tita, sila ang nagpapatay kay Mystie? Grabe. Sila pala ang totoong masama!" sambit ni April.

"Huwag kang maingay, April. Baka marinig nila tayo. Halika na, umalis na tayo. Ang mahalaga, alam ko na kung sino ang totoo kong kalaban. Alam ko na kung sinong sisingilin ko." tugon ni Nerissa.

—————

"How can you be so sure na hindi niya malalaman na ikaw ang nagpapatay sa anak niya?" tanong ni Vicky.

"Well, nay, hindi naman ako pinanganak na tanga. Kayang-kaya ko siyang utuin. Kaya kong baligtarin ang sitwasyon. Isipin mo nga, napaniwala ko siya na si Karen ang pumatay sa anak niya. Isa siyang malaking uto-uto." tugon ni Roxanne.

"Sige, anak. Basta, galingan mo ha. Kailangan mapaniwala mo silang lahat na si Karen ang totoong kriminal. At kapag nangyari 'yon, si Karen ang pagbabayarin niya." ani Vicky.

—————

"Mga hayop sila! Napakasama nila! Pinaniwala nila akong kakampi ko sila, pero sila pala ang pinakamahigpit kong kalaban!" sambit ni Nerissa habang pauwi sila ng bahay.

"Teka, papaano mo nalaman na hindi 'yung Karen ang pumatay sa anak mo?" tanong ni Nelson.

"Narinig ko silang nag-uusap. Sumilip ako sa bintana. Mabuti na lang talaga at narinig ko ang pinag-uusapan nila. Mabuti na lang talaga na nalaman ko ang sikreto nila. Humanda sila. Magbabayad silang lahat. At sisiguraduhin kong maniningil ako ng mahal." tugon ni Nerissa.

"Tita, paano niyo po magagawa 'yun? Baka po, ipapatay din nila kayo?" tanong ni April.

"Don't worry, April. Gagawin ko ang lahat para makaganti sa kanila. Pero para magawa ko 'yon, kakailanganin ko ng tulong. Kailangan ko ng tulong ng taong may galit din sa kanila." tugon ni Nerissa.

"At sino naman po 'yun, tita?" tanong ni April.

"Si Karen. I need her help. I know na gusto rin niyang maghiganti sa mga Villanueva. And I'm sure, matutulungan niya ako. Nelson, magpunta tayo sa bahay nina Karen sa mansyon. I need to talk to her." tugon ni Nerissa.

—————

"Oh, insan, napadalaw ka ulit?" tanong ni Karen.

"Oo, insan. Wala lang, na-miss ko lang kayo kaagad. Eh kasi naman, wala akong makausap sa bahay, kaya naisip ko na mag-stay na muna rito. Okay lang naman, 'di ba?" tugon ni Bella.

"Oo naman. Wala naman dito si Mama. Si Edward naman, natutulog lang sa kwarto niya." sambit ni Karen.

"Hay nako insan, mabuti na lang talaga at nandito ka. Sa wakas, may makakausap na rin ako. Bored na bored na ako sa bahay. Nami-miss ko na rin si Inay." tugon ni Bella.

"Oo naman, insan. Alam ko naman 'yun. Lahat naman tayo, nami-miss si tita Amy. Sino bang hindi, 'di ba?" ani Karen.

"Pero insan, naisip ko, kelan kaya natin sisingilin ang mga Villanueva na 'yun? Kailan kaya nila pagbabayaran ang kasalanan nila?" tanong ni Bella.

"Huwag kang mag-alala, dahil malapit na nating gawin 'yun. Kailangan nating makumbinse si ma'am Nerissa na hindi talaga ako ang pumatay kay Mystie. Kailangan niyang malaman ang totoo pero paano?" tugon ni Karen.

"'Yun nga rin, insan. Natatakot ako, baka, ikaw ang pagdiskitahan nung ma'am Nerissa na 'yon. Kailangan niyang malaman ang buong katotohanan." ani Bella.

Napalingon sina Karen at Bella sa bintana nang biglang may mag-doorbell.

"Ako na ang magbubukas, insan." sambit ni Bella.

"S-sige."

Lumabas si Bella upang buksan ang gate ng mansyon. Nagulat siya ng makita niya si Nerissa.

"Ma'am Nerissa?" tanong ni Bella.

"Yes? Andyan ba si Karen?" tugon ni Nerissa.

"O-opo." ani Bella.

Dare-daretsong pumasok si Nerissa sa loob ng mansyon upang hanapin si Karen. Nakita naman niya si Karen na nakaupo sa sofa sa sala.

"Ma'am Nerissa?" gulat na sambit ni Karen.

"Karen, I'm not here para manggulo o para akusahan ka. I'm here para ipaalam sayo ang totoo." tugon ni Nerissa.

"Po? Ano pong totoo?" tanong ni Karen.

"Naniniwala na ako na nagsasabi ka ng totoo. Naniniwala na ako na hindi ikaw ang pumatay sa anak ko. Alam ko na kung sino ang totoong pumatay sa kaniya." tugon ni Nerissa.

"P-po? Totoo po ba?" tanong ni Karen.

"Oo. Totoo ito. Pumunta ako sa bahay nila. Narinig ko silang nag-uusap ng nanay niya. At narinig ko rin na pinayagan silang mag-bail out kaya nakaalis sila sa kulungan." tugon ni Nerissa.

"Hayop siya, napakasama nila! Talagang gagawin nila ang lahat!" sambit ni Karen.

"Oo, Karen. Tama ka. Gagawin nila ang lahat para makaganti sayo. Kaya Karen, nagpunta ako rito dahil kailangan ko ang tulong ninyo. Gusto kong maghiganti sa kanila without knowing na ako ang totoo nilang kalaban." tugon ni Nerissa.

"Pero, papaano po natin gagawin 'yun?" tanong ni Karen.

"Marami akong kakilalang matataas. Gagawin ko ang lahat para magdusa sila. Pero hindi ko magagawa 'yun nang ako lang ang mag-isa. Kaya naman, hinihingi ko ang tulong ninyong dalawa ng pinsan mo." tugon ni Nerissa.

"S-sige po. Papayag po ako sa deal niyo. Gusto ko na rin pong makabawi sa kanila. Sa pagpatay nila sa nanay ko. Hindi po ako papayag na maging masaya sila. Sige po, ma'am Nerissa. Payag na po ako." sambit ni Bella.

"Bella, sigurado ka? Sigurado ka bang kaya mo?" tanong ni Karen.

"Oo, insan. Siguradong-sigurado ako. Hindi ako makakapamuhay ng payapa hangga't nakikita ko silang masaya. Kailangan kong makuha ang hustisya ni inay. Kailangan ko siyang ipaglaban." tugon ni Bella.

"That's great, Bella. How about you, Karen? Game ka ba sa plano ko?" tanong ni Nerissa.

"Opo. Handa na rin po ako. Kailangan nilang pagbayaran ang pagpapakulong nila sa akin kahit wala naman akong kasalanan. At sisiguraduhin ko na sa susunod na makukulong sila, hindi na sila makakatakas. Sama-sama silang mabubulok sa loob ng kulungan hanggang sa mamatay sila." tugon ni Karen.

"That's great! Sige, aayusin ko na ang plano." ani Nerissa.

—————

Makalipas ang tatlong araw, muling bumisita si Nerissa sa mansyon upang sabihin kina Karen at Bella ang kaniyang plano.

"Tita, napabisita po ulit kayo? Gagawin na po ba natin ang plano?" tanong ni Karen.

"Yes. Okay na ang plano. Handang-handa na. Hindi na ako makapaghintay na singilin ang mga may utang. I can't wait to see them suffer." tugon ni Nerissa.

To be continued...

The SwitchWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu