Chapter 66: Reunited

5 2 0
                                    

"Edward? Nasaan si Edward? Nasaan ang anak ko?" nagtatakang tanong ni Rita.

"Ma'am, mukhang wala naman po si Edward dito. Mukhang niloloko lang po nila tayo." dagdag pa ni Janice.

"Hindi namin kayo niloloko. Dahil totoong nandito ang anak ninyo." tugon ni Lilia.

"Kung nandito ang anak ko, nasaan siya?" tanong ni Rita.

Napalingon si Rita sa may banyo nang biglang may lalaking lumabas. Si Edward!

"Anak!" sambit ni Rita.

"Mama?" tanong ni Edward.

"Anak, miss na miss na kita!" sambit ni Rita at biglang niyakap ng mahigpit si Edward.

"Mama, miss na miss ko na rin po kayo!" masiglang tugon ni Edward.

"Sir! Sobra po kaming nag-alala sa inyo!" sambit ni Janice.

"Janice!" tugon ni Edward at niyakap din si Janice.

"Anak, sobra kaming nag-alala sayo. Akala namin, patay ka na! Naku, maraming-maraming salamat sa mga taong nagligtas sayo, buhay ka!" sambit ni Rita.

"Walang anuman po. Ginawa lang po namin ang dapat." tugon ni Irene.

"Mama, akala ko hindi na kita ulit makikita. Akala ko mamamatay na ako." sambit ni Edward.

"Akala ko rin, anak. Mabuti na lang at buhay ka. Salamat sa Diyos." tugon ni Rita at muling niyakap ang anak.

Nang niyakap ni Edward ang kaniyang ina, napansin niyang wala si Karen. Nasaan kaya siya?

"Mama, nasaan po si Karen? Kasama niyo ba siya?" tanong ni Edward.

"Ah, anak, hindi pa niya kasi alam na buhay ka. Hindi pa niya alam na nakabalik ka na." tugon ni Rita.

"Mama, bakit hindi niyo pa sinasabi sa kaniya?" tanong ni Edward.

"Anak, huwag ka nang mag-alala. Sasabihin ko rin naman sa kaniya pag-uwi natin eh." tugon ni Rita.

"Mama, bakit hindi niyo pa sinabi kanina?" tanong ni Edward.

"O siya sige, don't worry. Para makampante ka, tatawagan natin ang asawa mo." tugon ni Rita.

—————

"Lilia, Irene, maraming salamat sa inyo ha. Salamat dahil iniligtas ninyo ang anak ko. Tatanawin ko 'tong malaking utang na loob." sambit ni Rita.

"Walang anuman po, aling Rita. Ginawa lang po namin 'yung tama." tugon ni Irene.

"Salamat din, Rita." sambit ni Lilia.

"Alam ninyo, bilang pasasalamat ko, tanggapin ninyo 'tong pera." ani Rita.

"Rita, huwag na. Ayos lang. Hindi ko matatanggap 'yan." tugon ni Lilia.

"Lilia, malaking utang na loob ang tatanawin ko sayo. Kaya Lilia, huwag mo nang tanggihan, tanggapin mo itong tulong na ibibigay ko sayo." sambit ni Rita.

"S-salamat, Rita. Malaking tulong na 'to para sa amin ng anak ko. Maraming-maraming salamat." tugon ni Lilia.

"Walang anuman, Lilia. Sana kapag nagkita tayo ulit, makabawi naman ako sayo." sambit ni Rita.

"Hindi na kailangan, Rita. Okay na 'to. Pasensiya ka na at kailangan na naming umalis. Kailangan na naming bumalik sa bahay namin." tugon ni Lilia.

"Sige, mag-iingat kayo ng anak mo." sambit ni Rita.

"Salamat po." nakangiting tugon ni Irene.

—————

"Anak, ang sabi ng mga doktor, pwede ka na raw ma-discharge mamaya." sambit ni Rita.

The SwitchWhere stories live. Discover now