Chapter 12: Surprise Visitor

16 2 0
                                    

"Oh, eh ano namang gagawin niyo don ni Edward?" tanong ni Fred.

"Well kuya, it's none of your business. O siya sige, aalis na ako. Ikaw na ang bahala dito ah." tugon ni Roxanne.

"Okay, fine. Mag-iingat ka." sambit ni Fred.

----------

"Anak, galit ka pa rin ba sa akin?" tanong ni Magda.

"Nay, hindi naman po ako galit sa inyo. Nainis lang po ako kasi hindi niyo po kaagad ipinaalam sa akin na may problema po pala." tugon ni Karen.

"Halika nga dito, anak. Sana, sana maintindihan mo. Ayaw lang kita mag-isip ng kung ano-ano kaya hindi ko na muna sinabi. Pero sana, mapatawad mo ako." sambit ni Magda.

"Pinapatawad ko na po kayo, Nay. Pero sana po, sa susunod, sasabihin niyo na po sa akin kapag may problema ah? Huwag niyo na po uulitin 'yon." tugon ni Karen.

"Oo, anak. Sige. Hindi ko na uulitin 'yon." sambit ni Magda.

----------

"Tao po?" sambit ni Karen habang pinipindot ang doorbell ng mansyon.

Makalipas ang ilang sandali, pinagbuksan ni Janice si Roxanne.

"Ma'am Roxanne?" tanong ni Janice.

"Hi, Janice! Uhm, nandyan ba si Edward?" tanong ni Roxanne.

"Opo, ma'am. Andito po si sir. Sige po, pasok po muna kayo." tugon ni Janice.

"Sige, salamat." sambit ni Roxanne.

Umakyat si Janice sa kwarto ni Edward upang tawagin ito.

"Ah, sir, may bisita po kayo." sambit ni Janice.

"Ah, sino raw?" tanong ni Edward.

"Sir, si Roxanne po." tugon ni Janice.

"Sige, sige. Bababa na ako." sambit nito.

Bumaba si Edward mula sa kaniyang kwarto. Nakita niya roon si Roxanne na nakaupo sa sofa.

"Roxanne? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Edward.

"Uhm, wala. I just want to visit you."!tugon ni Roxanne.

"Hindi ba nasabi sayo ni Karen na wala siya dito?" tanong ni Edward.

"Uhm, nasabi niya naman sa akin na wala siya rito. Actually, ikaw naman talaga ang bibisitahin ko." tugon ni Roxanne.

"Ha? Ako?" nagtatakang tanong ni Edward.

"Oo, Edward. Wala lang. I just want to visit you. And I also brought you some foods." tugon ni Roxanne.

"S-salamat, Roxanne. Eto lang ba ang ipinunta mo?" tanong ni Edward.

"Actually..." hindi naituloy ni Roxanne ang kaniyang sasabihin nang biglang bumaba si Rita.

"Nak, nak, pwede mo ba akong igawa ng meryenda?" tanong ni Rita habang pababa ng hagdan.

Napatingin si Rita kina Edward at Roxanne.

"Oh, I'm so sorry. May bisita ka pala." sambit ni Rita.

"It's okay, Ma. Nga po pala, si Roxanne. My friend. Actually, she is Karen's friend." pagpapakilala ni Edward.

"Hello, iha." sambit ni Rita.

"Hello po, tita. Roxanne po." tugon ni Roxanne.

"Ako naman si Rita. Ako ang mommy ni Edward. Sige lang, iha. Mag-usap muna kayo. Mukhang importante yata 'yan eh." sambit ni Rita habang nakangiti.

"Ay naku, tita. Hindi na po. Talagang dinalhan ko lang po talaga si Edward ng pagkain. Kain din po kayo." tugon ni Roxanne.

"Sige lang, iha. Salamat." sambit ni Rita.

"Siya nga po pala, tita. Aalis na po ako. Baka po kasi, hinahanap na po ako ng kuya ko eh." tugon ni Roxanne.

"Hindi ka ba mag-sstay muna dito?" tanong ni Rita.

"Hindi na po muna, tita. Actually po, may pinuntahan lang po kasi ako malapit dito, tas napadaan lang po ako." tugon ni Roxanne.

"O siya sige, iha. Mag-iingat ka sa pag-uwi mo ha." sambit ni Rita.

"Salamat po, tita at Edward. Oh sige po, mauuna na po ako. Salamat po ulit." tugon ni Roxanne.

----------

"Oh, ano? Anong nangyari sa lakad mo?" tanong ni Fred.

"Eh ayun, aakitin ko na sana si Edward pero kasi umepal 'yung nanay niya. Ayun, 'di ko tuloy nagawa 'yung plano ko." tugon ni Roxanne.

"Ha? Bakit?" tanong ni Fred.

"Kasi nga umepal nga 'yung nanay niya. Pero infairness kuya ha, mabait sa akin 'yung nanay niya. At nakangiti pa nga sa akin kanina eh." tugon ni Roxanne.

"Hay nako. Huwag ka nang umasa dun sa nanay niya. May asawa na 'yung tao." sambit ni Fred.

"Hay nako, kuya. Basta hindi ako titigil hangga't hindi nagiging akin si Edward. Hindi ako papayag na magkatuluyan sila nung Karen na 'yun hanggang sa ending." tugon ni Roxanne.

----------

"Anak, sino ba 'yung bisita mo kanina?" tanong ni Rita.

"Mama, si Roxanne po 'yun. Friend ni Karen." tugon ni Edward.

"Alam mo, anak, parang mas bagay siya sayo. Alam mo kung ako sayo, hiwalayan mo na 'yang si Karen at 'yung Roxanne nalang na 'yun ang ipalit mo." sambit ni Rita.

"Ma, hindi nga po pwede, 'di ba? Ma, nagpakasal na kami ni Karen. At tutuparin ko sa kaniya ang pangako ko na siya ang mamahalin ko sa habang buhay." tugon ni Edward.

"Bahala ka, Edward. Baka pagsisihan mo 'yan." sambit ni Rita.

"Ma, hindi. Hindi ko pagsisisihan ang naging desisyon ko. Tsaka Ma, mag-asawa na kami ni Karen. Pwede ko po ba siyang tawagan para pabalikin dito?" tanong ni Edward.

"No, anak. No. Hayaan mo siya kasama ng magaling niyang ina." tugon ni Rita.

"Ma, please! Kung hindi mo siya pababalikin dito, baka hindi na kayo magkaayos! Ma, I just want na magkaayos na kayong dalawa. Para sa akin, para sa ikatatahimik ng pamilya natin!" sambit ni Edward.

"Okay, fine. Mukhang wala naman na akong magagawa eh. Basta, I will give her one last chance. And once na magdala siya ng gulo dito sa bahay natin, papaalisin ko siya ulit." tugon ni Rita.

"Thank you, Ma. Salamat." sambit ni Edward.

----------

"Nay, ayos na po ba kayo ni ate?" tanong ni Leslie.

"Oo, anak. Napatawad na niya ako kanina." tugon ni Magda.

"Sabi ko naman po sa inyo, Nay eh. Mapapatawad pa rin kayo ni ate. 'Di naman kayo kayang tiisin nun." sambit ni Leslie.

"Oo nga anak eh. Salamat ha." tugon ni Magda.

"Nga po pala, nay. Malapit na po ulit kami magpasukan. Magiging college na po ako." sambit ni Leslie.

"Talaga, anak? O siya sige. Bago kayo magpasukan, bibilhan kita ng mga gamit." tugon ni Magda.

"Talaga po, Nay? Naku, salamat po talaga." sambit ni Leslie.

"Walang anuman, anak." tugon ni Magda.

----------

"Karen, answer the phone." bulong ni Edward.

Kanina pa tinatawagan ni Edward ang telepono ni Karen. Ngunit mukhang busy ito.

"Karen, answer it please." bulong pa nito.

Maya-maya pa ay may sumagot na ng telepono.

"Edward, bakit ka napatawag?" tanong ni Karen.

"Karen, nagkausap na kami ni Mama. Pwede ka na raw bumalik sa mansyon." tugon ni Edward.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now