Chapter 51: Maliit na Mundo

5 3 0
                                    

"Beshie, ikaw ba 'yan?" tanong ni Olivia.

"Oo, ako 'to! Huy naku, anu ka ba, sa lahat naman ng lugar na magkikita tayo, dito pa talaga sa guidance office?" tanong ni Magda.

"Naku, oo nga eh." tugon ni Olivia.

"Mommy, magkakilala kayo?" tanong ni Joana.

"Oo, nak. Magkakilala kami. Magkaibigan kami." tugon ni Olivia.

Nagulat si Joana sa mga narinig niya. Hindi niya akalain na may koneksiyon pala ang nanay niya sa nanay ni Leslie.

"So ngayon, Mrs. Salcedo, Mrs. Raymundo, narito na po kayo. Nandito po tayo para pag-usapan ang gulong nangyari between Leslie and Joana. Leslie, Joana, sabihin niyo nga, ano bang nangyari? Bakit kayo nagkakagulo?" tanong ni Mrs. de Guzman na siyang guidance counselor.

"Ma'am, si Leslie po kasi, sinabihan ko na po siyang lumayo kay Nikko, pero hindi pa niya rin po ginagawa. Lapit pa rin po siya ng lapit sa kaniya." pagsasalaysay ni Joana.

"Joana, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo? Si Nikko ang lapit ng lapit sa akin! Hindi ako!" tugon ni Leslie.

"Ang sabihin mo, malandi ka! Alam mo, hindi ka talaga mapagsabihan, 'no?" sambit ni Joana.

"Hindi ako malandi, Joana. Wala akong ginagawang masama. Hindi ko inaagaw sa 'yo si Nikko. At wala akong balak na gawin 'yon!" depensa ni Leslie.

"Eh Joana, ikaw naman pala ang mali eh bakit mo sinisisi ang anak ko?" tanong ni Magda.

"Eh tita, si Leslie naman talaga ang may kasalanan, 'di ba? Siya ang malandi at haliparot. Kunwari ka pa na aarte-arte ka na nilalayuan mo ang jowa ko, pero deep inside, alam kong may gusto ka sa kaniya!" galit na tugon ni Joana.

"Hindi totoo 'yan, Joana. Bakit ba parati mo na lang akong sinisiraan? Ito ba 'yung gusto mo?" tanong ni Leslie.

"Hindi kita sinisiraan, Leslie. Nagsasabi lang ako ng totoo. Malandi ka, 'di ba? Malandi ka na, haliparot ka pa!" tugon ni Joana.

"Hoy, Joana, sumosobra ka na talaga ha!" sigaw ni Magda.

"Naku, Magda, pasensiya ka na sa anak ko. Miss guidance, pasensiya na rin po kayo." ani Olivia.

"I suggest na, maglayo kayong dalawa. At Ms. Salcedo, please tell your boyfriend na layuan si Ms. Raymundo. Ayokong nakikita ko kayong nagkakagulo kayo dito sa school. Understood?" tanong ni Mrs. de Guzman.

"Ah, ma'am, sige po. Pagsasabihan ko na lang po ang anak ko. Magda, Leslie, pasensiya na kayo sa anak ko." sambit ni Olivia at naglakad palabas ng opisina.

—————

"Mommy? What the hell! Bakit ka nag-sorry sa kanila? Malandi 'yung Leslie na 'yon! Hindi ka dapat nag-sorry sa kanila!" inis na sambit ni Joana.

"Anak, alam mo naman, kaibigan ko si Magda. At tsaka alam mo, marami na rin kaming pinagsamahan." tugon ni Olivia.

"Talaga, mommy? Bakit, dun ka na ba sa Magda kumakampi ngayon? Mommy, pinahiya mo ako kanina! Pinahiya mo ang sarili mong anak!" sambit ni Joana.

"Anak, mali 'yang ginagawa mo. Alam mo, kung 'yang jowa mo ang dahilan ng pag-aaway ninyo, pwede ba, hiwalayan mo na nga 'yan!" ani Olivia.

"Mommy, nasisiraan ka na ba? Mommy, mahal ko si Nikko! And you can't tell me that! Hindi ko siya pwedeng hiwalayan!" tugon ni Joana.

"You know what, 'yang Nikko na 'yan ang nakakapagpa-destruct sa pag-aaral mo. Alam mo, kung ako sa 'yo, maghiwalay na kayo. At tsaka pwede ba, huwag ka ngang nagpapakabaliw sa isang lalaki! And besides, ang daming lalaki sa mundo, 'di ba?" sambit ni Olivia.

"Pwede ba, mommy, tumigil ka na! Kaya mo lang 'yan nasasabi, dahil hindi naman ikaw ang nagmahal! Kaya ka nga iniwan ni daddy, 'di ba? Dahil d'yan sa ugali mo! Lahat nalang ng bagay, gusto mo ikaw ang laging nasusunod!" tugon ni Joana.

"Hoy, Joana, pwede ba, huwag mo akong sinisigaw-sigawan. Anak lang kita, mommy mo 'ko. Wala kang karapatang sigawan ako!" sigaw ni Olivia.

"Bwisit ka talaga, mommy! You know what, hinding-hindi ko hihiwalayan si Nikko kahit anong mangyari! At wala akong pakialam sa kahit ano pang sabihin mo!" bulyaw ni Joana at tumakbo patungong kwarto.

—————

"Nay, ano pong balita? Anong nangyari sa school kanina?" tanong ni Roxanne nang makitang nakauwi na sina Magda at Leslie.

"Eh ayun, nag-sorry na lang 'yung nanay ni Joana. Biruin mo, si Olivia pa na kaibigan ko ang nanay niya! Ang liit talaga ng mundo, 'no?" tugon ni Magda.

"Talaga po?" tanong ni Roxanne.

"Oo, ate. Hindi ko akalain na magkakilala pala si Nanay at 'yung nanay ni Joana. Well, sana hindi niya na ako guluhin. Sana, magkaayos na rin kami ni Joana." tugon ni Leslie.

"Naku, sana nga." ani Roxanne.

—————

"Nay, may balita na ba kay Edward? Ano, nakita na ba siya?" tanong ni Karen.

"Aba, malay ko. Sa akin ka talaga nagtanong, ha?" tugon ni Vicky.

"Aba, malay ko ba kung alam niyo. Eh, nagbabakasakali lang naman." ani Karen.

"You know what, huwag ka nang umasa na babalik pa si Edward. I'm sure na inuuod na siya ngayon." sambit ni Fred.

"Hoy, kuya, ang kapal din ng mukha mo, 'no? Alam mo, kung hindi mo siya binaril, edi sana, buhay siya ngayon, 'di ba? Edi sana, kasama ko pa rin siya ngayon!" tugon ni Karen.

"Kasama? Eh hindi ba, ipinagtabuyan ka na nga nung tao? Hindi ba, itinakwil ka na niya? Alam mo kasi, kung hindi ka lang shushunga-shunga, edi sana, hindi ka nila nabuking, 'di ba?" tanong ni Fred.

"Aba, at ako pa talaga ang sinisi mo? Bakit? Hindi ba, ang sinabi ko sa 'yo, turuan mo sila ng leksiyon? Hindi ko sinabing patayin mo! I still can't believe na mamamatay-tao ka!" tugon ni Karen.

"Pwede ba? Itigil niyo na nga 'yang away-away na 'yan? Hindi maibabalik ng pag-aaway ninyo si Edward. Kaya kung pwede, itigil niyo na 'yan ha?" ani Vicky.

—————

Mag-isa lamang si Joana sa kaniyang kwarto. Umiiyak. Nagmumukmok. Hindi niya alam ang gagawin niya. Naiinis siya sa mommy niya. Naiinis siya dahil napahiya siya. Naiinis siya.

Napatigil siya sa pag-iyak nang biglang bumukas ang pinto ng kaniyang kwarto. Ang mommy niya ang pumasok sa pinto. May dala itong pagkain.

Marahan na ipinatong ni Olivia ang mga pagkain sa lamesa na nasa tabi ng higaan. Kinausap niya ang kaniyang anak.

"Anak, galit ka pa ba?" mahinahong tanong ni Olivia.

"I was just upset, mom. I still can't believe na ikaw pa mismo ang nag-sorry sa kanila. I can't believe na ipapahiya mo 'ko sa harap ng guidance counselor namin." tugon ni Joana.

"I'm sorry anak. I'm sorry sa ginawa ko. Alam kong, ikaw ang dapat na ipinagtanggol ko. I'm sorry." sambit ni Olivia.

"Apology accepted, mommy." tugon ni Joana.

"So anak, anong balak mo? Anong balak mong gawin kay Leslie?" tanong ni Olivia.

"Kung aagawin niya rin lang naman si Nikko, mas mabuti pa na mawala na lang siya." diretsong tugon ni Joana.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now