Chapter 59: Walang Forever

2 3 0
                                    

Tumatakbo si Nikko at hinahabol niya si Joana. Nagalit ito nang dahil kay Leslie.

"Babe! Babe!" sigaw ni Nikko habang sinusundan si Joana.

"Bakit mo ako sinusundan? Pwede ba, dun ka na nga sa Leslie mo!" tugon ni Joana.

"Babe, please. Huwag mo naman akong ganituhin." sambit ni Nikko.

"Bakit, babe? Bakit ba parating lapit ng lapit sa 'yo si Leslie? Hindi ba, ilang beses ko na siyang sinabihan?" tanong ni Joana.

"Babe, I'm sorry. Aaminin ko, ako ang may kasalanan. It's true what she said, ako ang lumalapit sa kaniya kahit iniiwasan niya ako." tugon ni Nikko.

"Ah, so ganon? Bakit, ha? Si Leslie na ba ang bagong gusto mo?" tanong ni Joana.

"Babe, she's my friend. Friend ko lang siya. 'Yun lang 'yun." tugon ni Nikko.

"Ah, friends? Sigurado ka? Eh bakit parang parati kang lapit ng lapit sa kaniya? Ayaw mo na ba sa akin?" tanong ni Joana.

"Babe, no." tugon ni Nikko.

"Kung ayaw mo na sa akin, then maghiwalay na lang tayo! At dun ka na sa Leslie mo! Kung gusto mo, isaksak mo siya sa baga mo at sa ngalangala mo! At huwag ka na ring umasa na meron pang Joana sa buhay mo!" galit na sambit ni Joana.

"Babe, are you serious? Seryoso ka ba sa sinasabi mo?" tanong ni Nikko.

"Oo, Nikko. Seryosong-seryoso ako! Dahil napapagod na 'ko! Parati ka na lang kumakampi sa Leslie na 'yan!" tugon ni Joana.

"Babe, I'm sorry! Please, let's save this relationship! Please, babe, I'm begging you!" pakiusap ni Nikko.

"No way. Hindi na ako papayag sa gusto mo. Tapos na tayo. That's it!" sambit ni Joana.

"Okay, fine. If that's what you want, sige. Salamat na lang sa lahat." tugon ni Nikko.

"Thank you, Nikko. Salamat din sa lahat. Dun ka na sa Leslie mo. Goodbye." umiiyak na sambit ni Joana at umalis.

Naiwang umiiyak si Nikko. Hindi niya matanggap na tapos na sila ni Joana.

"Joana, I'm sorry. I'm sorry." bulong niya sa sarili.

—————

"Oh, anak, anong nangyari sa 'yo? Bakit ganyan itsura mo?" tanong ni Magda nang makauwi si Leslie sa kanilang bahay.

"Nay, sinugod na naman po ako ni Joana. Sinabunutan at pinahiya." tugon ni Leslie.

"Opo, tita. Totoo po ang sinabi ni Leslie. Umiral na naman po ang pagiging warfreak ni Joana." dagdag pa ni Mindy.

"Naku, talaga 'yang Joana na 'yan, wala nang idinulot kundi perwisyo! Alam mo, kakausapin ko ang nanay niya para malaman niya ang ginagawa sa 'yo ng anak niya." tugon ni Magda.

"Nay, 'wag na po. 'Wag na po. Ayoko na po ng gulo." sambit ni Leslie.

"Gulo? Bakit, hindi pa ba panggugulo ang ginagawa niya sa 'yo? Ha? Siguro, hindi maayos ang ginawang pagpapalaki sa kaniya ni Olivia kaya siya nagkakaganyan." tugon ni Magda.

—————

"Oh, anak, anong nangyari sa 'yo? Bakit ka umiiyak?" tanong ni Olivia kay Joana nang makauwi siya sa kanilang bahay.

"Mommy, hiwalay na kami ni Nikko." umiiyak na tugon ni Joana.

"Ano? Hiwalay na kayo?" tanong ni Olivia.

"Yes, mommy. Nakipaghiwalay na ako sa kaniya. Nakipaghiwalay ako sa kaniya dahil parati niya akong niloloko! Ayoko na sa kaniya!" tugon ni Joana.

"Bakit, ano bang ginawa niya sa 'yo?" tanong ni Olivia.

"Mas gusto niya pang kasama si Leslie kaysa sa akin. Haliparot talaga 'yang babaeng 'yan! Ang dapat na ginagawa sa kaniya, dinidispatsa! Hayop siya! Hayop! Hayop!" galit na tugon ni Joana.

"Anak, 'yan na nga ba ang sinasabi ko sayo e, masyado ka kasing nagpapakabaliw sa lovelife mo! Ang bata-bata mo pa pero ang landi-landi mo na! Maano bang unahin mo muna ang pag-aaral mo kaysa d'yan sa kalandian mo!" inis na sambit ni Olivia.

"Pati ba naman kayo? Ha? Pati ba naman kayo pagagalitan ako? Bubungangaan? Pare-pareho kayong lahat! Magsama-sama kayo!" tugon ni Joana at kaagad na tumakbo papunta sa kwarto niya.

—————

"Ano ba? Wala pa rin ba kayong bagong balita sa anak ko? Ang tagal-tagal na!" inis na sambit ni Rita habang kausap ang pulis na kakilala niya sa telepono.

"Ma'am Rita, we're doing everything po para mahanap ang anak ninyo. Ginagawa na po namin ang lahat." tugon ni PO1 Garcia.

"Ginagawa ang lahat? Siguraduhin niyo lang. Make sure na makikita niyo ang anak ko sa lalong madaling panahon." sambit ni Rita.

"Yes po, ma'am." tugon ni PO1 Garcia at ibinaba ang telepono.

Napabuntong-hininga na lamang si Rita sa inis. Bigo siyang makita ang anak niya.

"Ma'am, okay lang po ba kayo?" tanong ni Janice.

"You know what, Janice, I don't know what to do anymore. Time passes by, hindi pa rin nila nakikita ang anak ko. Pero, paano kaya kung talagang patay na siya?" tanong ni Rita.

"Ma'am, huwag po kayong mag-alala. I'm sure na makikita niyo rin po si sir Edward. Huwag po kayong susuko at huwag po kayong mawawalan ng pag-asa. Laban lang po." tugon ni Janice.

"Salamat Janice at nandito ka. Salamat dahil pinalalakas mo ang loob ko. Alam mo, nalulungkot ako ngayong wala ang anak ko. Pakiramdam ko, parati akong nag-iisa. Pakiramdam ko, wala akong kasama." sambit ni Rita.

"Ma'am, nandito po ako. Hinding-hindi ko po kayo iiwan." tugon ni Janice.

"Thank you very much, Janice. Salamat talaga." ani Rita.

—————

Joana's POV

Hayop ka, Leslie. Hayop ka. Nang dahil sa 'yo, naghiwalay kami ni Nikko. Naghiwalay kami. Nagkasira kami. Nasira ang relasyon namin ng dahil sa 'yo. Napakasama mo. Napakasama mo.

Narrator's POV

Umiiyak si Joana sa kaniyang kwarto dahil sa sobrang lungkot. Hindi pa rin siya makapaniwalang hiwalay na sila ni Nikko. Galit na galit siya kay Leslie dahil siya ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay. Gusto niyang magalit. Gusto niyang manakit.

Pumasok si Olivia sa kaniyang kwarto. Nadatnan siya nitong umiiyak. Kaagad niyang nilapitan ang anak at kinausap ng mahinahon.

"Anak, galit ka ba sa akin?" tanong ni Olivia habang hinahaplos ang likod ng anak.

Patuloy pa rin sa pag-iyak si Leslie.

"I'm just upset, mom. I can't believe na pati ikaw magagalit sa akin." tugon ni Joana.

"Anak, pasensiya ka na sa mga nasabi ko. I'm sorry." sambit ni Olivia.

"Okay lang 'yon, mommy. I just can't believe na wala na kami ni Nikko. I just can't believe na hiwalay na kami." tugon ni Joana.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now