Chapter 147: Kinatatakutan

2 0 0
                                    

Makalipas ang ilang araw, tuluyan na ring inilibing ang asawa ni Nerissa. Hanggang ngayon, nalulungkot pa rin siya sa pagkawala ng pinakamamahal niyang asawa.

"Tita, condolence po ulit." sambit ni Karen.

"Oo nga, Nerissa. Nakikiramay ang buong pamilya namin sa inyo. Sana, maka-move on ka na sa pagkawala niya." tugon ni Magda.

"Salamat sa inyong lahat. Sa totoo lang, hindi ko pa rin alam kung papaano ako magsisimula ulit. Hindi ko pa rin alam kung papaano makakabangon. Pero alam kong, tutulungan niyo akong makalimutan ang lahat ng mga hindi magagandang nangyari." ani Nerissa habang hawak ang picture frame ni Nelson.

"Siyempre naman, tita. Tutulungan ka namin. At tsaka, nandiyan din naman si April. 'Di ba?" sambit ni Karen.

"Oo nga, tita. Tama si Karen. Magtutulungan tayong lahat." tugon ni April.

"Nerissa, condolence rin. Nakikiramay kami ng anak ko." sambit ni Rita.

"Salamat po." tugon ni Nerissa.

"Tita, nga po pala, pumunta po kayo sa bahay namin. Pwede po kayong mag-stay dun sandali kasama namin." sambit ni Karen.

"Naku, 'wag na. Nakakahiya naman." tugon ni Nerissa.

"Nerissa, ano ka ba? Ayos lang. Huwag ka nang mahiya sa amin. Naiintindihan ko ang sitwasyon mo. Naiintindihan ko ang mga nangyari sayo. Sige na, bumisita ka na sa amin." sambit ni Rita.

"Oo nga po. Sige kayo, magtatampo si mama kapag hindi kayo nagpunta." dagdag pa ni Edward.

"Sige na nga. Maraming salamat sa inyo. Maraming maraming salamat." sambit ni Nerissa.

"Wala 'yun." tugon ni Rita.

—————

"Nerissa, maupo muna kayo. Ikukuha namin kayo ng makakain at maiinom." sambit ni Rita nang patuluyin sina Nerissa at April sa loob ng mansyon.

"Salamat po." nakangiting tugon ni Nerissa.

"Hay nako, tita. Alam ko pong malungkot pa rin kayo. Pero tita, alam kong makakamove-on ka rin. At tsaka, tutulungan ka namin." sambit ni Karen.

"Tama si Karen, Nerissa. Tutulungan ka namin ng anak kong makabangon." dagdag pa ni Magda.

"Maraming salamat. Mabuti na lang at nandito kayo. Salamat kasi parati kayong nakahandang tumulong para sa amin." tugon ni Nerissa.

"Wala 'yun, tita." sambit ni Karen.

Maya-maya lamang ay ibinigay ni Iris ang isang juice kay Nerissa at isang plato na may kanin at ulam.

"Salamat, Iris." sambit ni Nerissa.

"Wala po 'yun, ma'am. Sige po, doon po muna ako sa kusina." tugon ni Iris.

Tumango naman si Nerissa bilang pagtugon. Muli siyang nagsalita pero pabulong.

"Karen, hindi ba, parang may kakaiba sa kasambahay ninyo? Hindi ba parang may something?" pabulong na tanong ni Nerissa.

"Po? Kakaiba? Wala naman po." tugon ni Karen.

"Oo nga, Nerissa. Mabait naman si Iris. Ano bang mali?" tanong ni Magda.

"Hindi ko alam. Pero, may nararamdaman akong kakaiba sa kaniya. Hindi ko alam, pero parang nasa loob ang kulo niya. Para talagang may kakaiba sa pagkatao niya." tugon ni Nerissa.

"Naku, tita, ganyan din si Leslie. Sabi niya, weird daw si Iris. Eh, hindi ko naman po maintindihan." sambit ni Karen.

"Kasi nga, totoo ang sinasabi ko. Totoong may kakaiba sa kasambahay ninyo. Kailangan lang nating alamin kung ano 'yon." tugon ni Nerissa.

Lingid sa kanilang kaalaman, nakikinig pala si Iris sa kanila. Pagkatapos noon ay nagtungo si Iris sa banyo at humarap sa salamin.

"Bwisit kang Nerissa ka. Hindi ko hahayaang mabuking niyo 'ko. Hinding-hindi ko hahayaang maging masaya kayong lahat. Mabuti nga at namatay na 'yang asawa mo. At pagkatapos, ikaw naman ang isusunod ko. Eh kung, pasabugin ko na lang kaya kayong lahat para mamatay na kayo ng sabay-sabay? Or, what if, sunugin ko na lang kayong lahat?" sambit ni Iris habang nakaharap sa salamin.

"Ah, sunugin ko na lang kayo! Tutal, burning a person alive is the most painful way to die. 'Yun na lang ang gagawin ko sa inyo. At para, hindi na rin ako mahirapan sa pagpatay sa inyo isa-isa. Perfect!" dagdag pa niya.

—————

Kinabukasan, maagang dinalaw nina Nerissa at April si Martha sa kulungan. Hindi alam ni Nerissa ang gagawin niya
kung makikita niya ang taong pumatay sa asawa niya.

"Tita, ayan na siya. Ayan na si Martha." bulong ni April sa kaniya.

Dahan-dahang inilapag ni Nerissa ang kaniyang gamit sa table. At pagkatapos, hinarap niya si Martha.

"Kamusta? Kamusta ka, Martha? Kamusta ang taong pumatay sa asawa ko?" tanong ni Nerissa.

"Anong ginagawa mo rito? Sasaktan mo ako? Paparusahan?" tugon ni Martha.

"Hindi... sasampalin." sambit ni Nerissa at biglang sinampal si Martha sa pisngi. Napahawak si Martha sa kaniyang pisngi.

"Aray ah. Masakit. Pero 'wag kang mag-alala. Kahit na gaano pang kasakit ang sampal na ibigay mo sa akin, mas masakit pa rin mawalan ng asawa, katulad mo!" tugon ni Martha.

"Alam mo, Martha, sana, sa ginawa mong kasalanan, patawarin ka pa ng Diyos. Pero ako, hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo!" sambit ni Nerissa at biglang sinabunutan si Martha.

"Tita!" pagpigil ni April.

"April, 'wag mo 'kong pigilan. Gusto kong mapatay 'tong hayop na 'to! Pinatay niya ang asawa ko kaya deserve niya 'to!" tugon ni Nerissa at sinabunutan ng matindi si Martha.

"Aray ko! Bitiwan mo 'ko!" sigaw ni Martha.

"Alam mo, Martha, demonyo ka! Anong dahilan mo at bakit mo pinatay ang asawa ko ng ganun-ganun na lang? Anong kasalanan namin sayo?" tanong ni Nerissa.

"Hindi naman kasi dapat para sa asawa mo 'yung bala eh. Kasalanan niya 'yan dahil paharang-harang siya. Kina Leslie at sa pamilya niya dapat 'yung bala na 'yon!" tugon ni Martha.

"Hayop ka talaga. Ano bang kasalanan nila at bakit kailangan mo silang patayin?" tanong ni Nerissa.

"Well, kinuha lang naman nila sa akin ang pinakamamahal kong anak na si Sabrina. Ang sinabi sa akin si Sabrina, hindi niya ako iiwan. Pero anong ginawa niya? Hinayaan niya akong makulong dito! Masama siyang anak!" tugon ni Martha.

"Alam mo kung bakit ka niya nagawang ipakulong? Dahil sa ginawa mo! Hindi ka dapat pumatay ng tao, Martha! Kaya ngayon, hindi ko hahayaang makaalis ka rito. Kailangan mong magdusa. Magdurusa ka! Magdurusa ka sa mga ginawa mo! Sisiguraduhin kong maghihirap ka. Maghihirap ka! Pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa mo! Mark my word, Martha. Mark my word!" galit na sambit ni Nerissa.

"Hindi ako natatakot, Nerissa. Hinding-hindi. Hindi ako papayag na magdusa rito. I will do everything on my power para makalabas dito." tugon ni Martha.

"Alam mo, Martha, 'di na mangyayari 'yon. Hindi ka na makakalabas dito! Dito ka na mamamatay!" galit na sambit ni Nerissa.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now