Chapter 58: Selos

7 3 0
                                    

"Get rid of Karen? What do you mean? Tsutsugihin mo siya? Friend naman, alam mo namang wala akong kaibigang kriminal, 'di ba?" sambit ni Mystie.

"Mystie, ano bang sinasabi mo? Bakit, hindi lang naman ako ang taong pwedeng pumatay kay Karen, 'di ba? Pwede ko namang tawagan si Tonio para siya na mismo ang pumatay kay Karen." tugon ni Karen.

"Pero friend, pareho lang 'yun. Ikaw pa rin ang nagpapatay sa kaniya kapag ganon. Friend, wala bang ibang paraan para masolusyonan 'yang problema mo?" tanong ni Mystie.

"Well, baka may naiisip ka. But that's the best way na naiisip ko." tugon ni Karen.

—————

"Grabe talaga 'yung babaeng 'yun. Wala ba talaga siyang respeto sa atin na mas nakakatanda sa kaniya?" tanong ni Magda habang papasok sila ng kanilang bahay.

"Nay, asa ka pa. Eh, hindi naman niya alam ang salitang respeto. Palibhasa kasi, kampon siya ni satanas kaya ganun ang pag-uugali niya." tugon ni Roxanne.

"Oo nga po, Nay. Hayaan niyo na po siya." dagdag pa ni Leslie.

"Hi po, tito, tita." napalingon sila Magda nang makita nilang dumalaw sina Amy at Bella.

"Uy, Bella! Ate! Napadalaw kayo?" tanong ni Magda.

"Oo, Magda, pasensiya ka na ha at ngayon lang ulit kami nakabisita sa inyo. Kamusta na kayo?" tanong ni Amy.

"Okay lang naman kami, ate. Kayo, kamusta na kayo?" tanong ni Magda.

"Ayos lang din. Oh, nandito pala si Karen. Hindi ba, dapat nasa mansyon ka?" tanong ni Amy.

"Ah, ate, hindi mo pa pala yata nababalitaan, pinaalis siya sa mansyon ni Rita. Nawawala kasi si Edward." tugon ni Magda.

"Ano? Nawawala si Edward? Anong nangyari sa kaniya?" tanong ni Amy.

"T-tita, naaksidente po siya. Ilang linggo na rin po siyang nawawala. Hindi rin po namin alam kung may balita na ba sa kaniya o wala pa." tugon ni Roxanne.

"Ano? Naaksidente si Edward? Bakit? Anong nangyari?" sunod-sunod na tanong ni Bella.

"Hindi ko rin alam, Bella. Dapat kasi, susunduin ako ni Edward nung araw na 'yon pauwing mansyon. Pero, hindi niya ako sinipot. Hindi ko alam na naaksidente na pala siya." tugon ni Roxanne.

"Naku insan, paano na ngayon 'yan?" tanong ni Bella.

"Hindi ko rin alam, insan. Alam mo, galit na galit sa akin ang nanay ni Edward. Dahil hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakikita." tugon ni Roxanne.

"Naku insan, magpakatatag ka. Naniniwala ako na mahahanap niyo rin si Edward." sambit ni Bella.

"Alam mo insan, minsan may kutob ako. Pakiramdam ko, ang mga Villanueva ang may pakana sa nangyari kay Edward. Hindi ko alam pero, iyon ang sinasabi sa akin ng kutob ko. Malakas ang kutob ko na isa sa kanila ang may gawa no'n sa kaniya." tugon ni Roxanne.

"Naku insan, hayaan mo na sila. Kung may kinalaman nga sila, mabubuking din sila. Kaya huwag kang mag-alala, insan. Tutulungan ka namin. Nandito lang kami para sayo." sambit ni Bella.

"Salamat insan." tugon ni Roxanne.

—————

Naglalakad si Leslie at Mindy sa loob ng campus. Breaktime nila kaya napagdesisyunan muna nilang labas. Hindi inaasahan ni Leslie na makasalubong si Nikko sa daan.

"Hi Les, how are you? Ang tagal na rin nating 'di nag-uusap." sambit ni Nikko.

"Eto, okay lang naman ako, Nikko. Ikaw, kamusta ka na?" tanong ni Leslie.

"Maayos naman. Leslie, ang tagal na nating 'di nagkikita at nagkakausap, okay ka lang ba?" tanong ni Nikko.

"Nikko, alam mo naman siguro 'yung dahilan kung bakit hindi ako masyadong nakikipagkita sa 'yo. Alam mo naman 'yon, 'di ba?" tanong ni Leslie.

"Of course, I know. Pero sana naman, huwag naman 'yung ganito. Sana huwag naman 'yung hindi na tayo nagkikita." tugon ni Nikko.

"Excuse me lang Nikko ah, alam mo naman siguro na warfreak 'yung girlfriend mo kaya umiiwas na lang si Leslie." sambit ni Mindy.

Habang sila ay nag-uusap, hindi nila namalayan na nasa likod pala nila si Joana. Kasama niya sina Cath at Nicole.

"You know what, bakit hindi nalang..." napatigil si Joana sa pagsasalita nang makitang kausap ni Nikko si Leslie.

"Nakikita niyo ba ang nakikita ko?" tanong ni Joana sa kaniyang mga kaibigan.

"What is it, Joana?" tanong ni Cath.

"'Yung jowa ko, nakikipag-usap na naman siya sa haliparot na Leslie na 'yon. Nicole, hold my bag. May gagawin lang ako." tugon ni Joana at kaagad na pinuntahan sina Leslie at Nikko.

"Anong ginagawa mo rito, babe? And why are you talking to that girl?" mataray na tanong ni Joana.

"Babe, please, 'wag dito. 'Wag kang magalit sa kanila." tugon ni Nikko.

"Anong 'wag magalit, ha? At ikaw naman Leslie, talagang ibang level ang kalandian mo, 'no? How dare you na landiin ang jowa ko sa likuran ko?" tanong ni Joana.

"Joana, hindi ko nilalandi..." napatigil si Leslie sa pagsasalita nang biglang magsalita si Joana.

"Anong hindi nilalandi? Sinungaling! Ang dapat sa 'yo, sinasampal!" sigaw ni Joana at bigla niyang sinampal ng malakas si Leslie.

Napahawak naman si Leslie sa kaniyang pisngi sa sakit ng sampal na dulot ni Joana.

"Hindi ko nilalandi ang jowa mo! Kung gusto mo, edi isaksak mo siya d'yan sa baga mo! At isiksik mo d'yan sa makitid mong utak na hindi ko siya nilalandi!" depensa ni Leslie.

"Sinong sinasabihan mong makitid ang utak?" tanong ni Joana.

"Edi ikaw! Sino pa bang makitid ang utak? Alam mo kasi Joana, immature ka! Akala mo naman kasi, parati kong inaagaw sa 'yo ang jowa mo!" tugon ni Leslie.

"Ah, immature? Immature ako?" tanong ni Joana.

"Oo."

"Tignan natin kung pang-immature pa rin 'tong sampal na ibibigay ko sa 'yo!" sambit ni Joana at sinampal ang magkabilang pisngi ni Leslie.

Uminit din ang dugo ni Leslie kaya naman ay nasampal din niya si Joana.

"Hayop ka! Walanghiya ka!" sigaw ni Joana at sinabunutan si Leslie.

"Tigilan ninyo 'yan, Joana!" sigaw ni Nikko habang inaawat ang dalawa.

"Tama na 'yan! Bes!" sigaw ni Mindy.

"Alam mo, 'yan ang dapat na ginagawa sa mga malalandi at haliparot na kagaya mo!" sambit ni Joana kay Leslie matapos nilang mapigilan ang dalawa.

"Makitid ang utak mo kaya ka nag-iisip ng ganyan!" sigaw ni Leslie.

"Hindi pa tayo tapos, gaga ka! Tandaan mo 'yan!" galit na sigaw ni Joana at biglang nagwalkout.

"Talagang hindi pa tayo tapos!" tugon ni Leslie.

"Guys, I'm really sorry about that. Ako na ang bahalang makipag-usap kay Joana. I'm really really sorry." sambit ni Nikko at kaagad na sinundan si Joana.

"Ano bes, okay ka lang?" tanong ni Mindy.

"Oo, Mindy. Ayos lang ako." tugon ni Leslie.

"Huwag kang mag-alala, dahil lahat ng kasamaan, may katapusan." ani Mindy.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now