Chapter 103: Double Cross

2 0 0
                                    

Joana's POV

Nasa panganib si Leslie. Nasa panganib din kami ni mommy. Papatayin kami nina tita Vicky at ate Roxanne kapag nakuha na nila ang ransom. Paano na?

Ginising ko si mommy na natutulog sa tabi ko. Nagising naman siya.

"O ano, bakit mo ba ako ginigising? Hindi ka ba matutulog?" tanong niya.

"Mommy, no! Sa tingin mo, makakatulog ako dito sa lugar na 'to! It's a warehouse mommy, not a house." tugon ko.

"Ang arte mo namang bata ka. Masyado kang spoiled. Kung ayaw mong matulog, bahala ka nga." inis na sambit niya.

Muli ko siyang kinalabit upang masabi ko ang gusto kong sabihin sa kaniya.

"Ano ba? Bakit mo ba ako kinakalabit? May sasabihin ka ba?" tanong niya.

"Mommy, shhh! Huwag kang maingay! Mommy, we're in danger! Narinig ko ang usapan nila. Kapag nakuha nila ang ransom ni Leslie, hindi nila tayo bibigyan! Ipapapatay nila tayo kapag nagsumbong tayo sa pulis!" mahinang tugon ko.

"A-ano? Totoo ba 'yan?" tanong niya.

"Oo nga. Mommy, kailangan nating umisip ng paraan para makaalis dito. Kailangan nating makatakas." tugon ko.

"Teka, eh papaano si Leslie? Hahayaan nalang ba natin na mapatay siya ng mga Villanueva?" tanong niya.

"Hindi ko alam. Basta, ako na ang bahala. Lalapitan ko si Leslie." tugon ko.

Tumayo ako sa aking kinauupuan. Nilapitan ko si Leslie. Kahit papaano, naaawa ako sa kaniya.

"Alam kong hindi dapat ganito 'yung nararamdaman ko. Hindi ako dapat naaawa sayo dahil kaaway kita. Pero bakit ganito?" mahinang sambit ko.

Pagkatapos kong bumulong ay nagising si Leslie.

"Joana," sambit niya.

"Please, pakawalan mo 'ko." dagdag pa niya.

"I'm sorry, Leslie. Hindi kita pwedeng pakawalan. Malalagot kami. Ipapapatay nila kami!" tugon ko.

"Joana, pati rin ako ipapapatay nila. Joana, hindi ko alam kung saan makakakuha ng limang milyon sina nanay at tatay. Hindi ko rin alam kung mabubuo nila ang ransom. Please, Joana, nagmamakaawa ako. Pakawalan mo na ako dito. Oo, marami kang naging kasalanan sa akin, marami din akong naging kasalanan sayo. Pinapatawad na kita. Please, pakawalan mo na lang ako dito." pagmamakaawa niya.

"Leslie, I'm sorry. I can't do that. Baka kami ang unahin nila kapag pinalaya kita." tugon ko.

—————

Narrator's POV

Nagtulong-tulong ang pamilya nina Karen upang iligtas si Leslie. Tinulungan sila ni Rita.

"Ito na ang kalahating milyon. Alam ko na hindi ito sapat, pero sana, makatulong. Sana, makabawi na ako sa mga nagawa kong kasalanan sa inyo, lalong-lalo na kay Karen." sambit ni Rita.

"Huwag po kayong mag-alala, tita. Napatawad ko na po kayo sa lahat ng mga kasalanan ninyo sa akin. Ngayon, alam ko na po talaga na mabuti po kayong tao." nakangiting tugon ni Karen.

"Rita, maraming salamat ha. Nang dahil sayo, mas lalaki na ang tiyansa na makikita natin si Leslie." sambit ni Magda.

"Walang anuman, Magda. Pero teka, saan natin dadalhin itong pera? Malapit na mag-hatinggabi ah?" tugon ni Rita.

"Ang totoo, hindi rin namin alam. Hindi rin namin alam kung saan." sambit ni Rico.

"Teka, hindi ba, nakausap niyo kanina si Roxanne sa telepono ni Leslie? What if, i-track natin ang telepono niya? May kakilala akong pulis. Sigurado akong matutulungan niya tayo." tugon ni Rita.

The SwitchWhere stories live. Discover now