Chapter 28: Hinanakit

9 3 0
                                    

Napatayo si Vicky sa kaniyang kinauupuan.

"Rico? A-anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ni Vicky.

"Andito ako, dahil, dahil anak ko si Karen." tugon ni Rico.

"Ano? Si Karen ang anak mo?" tanong ni Vicky.

Napalingon naman sila sa may hagdan nang may marinig silang mga yapak na nagmumula rito.

"Oh, andito na po pala si Tatay eh," ani Leslie.

Nagtama ang mga mata nila Vicky at Magda.

"Vicky?" sambit ni Magda.

"M-Magda?" ani Vicky.

"Hoy, Vicky, anong ginagawa mo rito? Ano, manggugulo ka nanaman?" tanong ni Magda.

"M-Magda, kumalma ka. Inimbitahan kami ni Karen dito sa party na 'to. Wala akong balak manggulo," ani Vicky.

"Sinungaling! Pwede ba, tigilan mo na ang pamilya namin!" sigaw ni Magda.

Narinig ni Rita ang ingay mula sa kaniyang kwarto, kaya naman ay bumaba siya upang silipin ito.

"Anong nangyayari dito? Bakit kayo nagkakagulo?" tanong ni Rita.

"Eh kasi 'yang babae na 'yan eh, ginugulo nanaman ang pamilya namin! Siya ang kabit ng asawa ko!" ani Magda.

Napatingin ang lahat ng mga bisita kay Magda.

"Hindi ako nanggugulo! Kung ayaw ninyo sa amin, aalis nalang kami! Anak, halika na! Mga bwisit kayo!" sigaw ni Vicky at naglakad papalabas.

"Pasensiya na po." ani Karen at umalis.

"Magda, ano bang kaguluhan ito, ha? Pati ba naman sa party ng anak ko, manggugulo ka?" tanong ni Rita.

"Pasensiya na, Rita. Sorry." tugon ni Magda.

"Gusto ko, pagkatapos ng selebrasyon na ito, lumayas na kayo rito sa pamamahay ko! Isama mo na rin 'yang anak mong troublemaker!" sigaw ni Rita.

Narinig ni Karen ang lahat ng sinabi ni Rita.

"Tita, please, huwag niyo naman pong sigawan ang nanay ko," sambit ni Roxanne.

"Anong huwag sigawan? Eh 'yang nanay mo, gumagawa na naman ng iskandalo!" tugon ni Rita.

"Naku, pagpasensiyahan niyo na po si Nanay, sorry po, tita." ani Roxanne at hinila si Magda patungo sa kusina upang doon mag-usap.

"Nay, please po, huwag po muna kayong makipag-away kay tita Rita. Nay, akala ko po ba, ceasefire muna kayo dahil birthday ni Edward?" tanong ni Magda.

"Oo, anak. Talagang ceasefire nga kami dapat ni Rita, pero nung nakita ko ang kabit ng tatay mo, nag-init ang dugo ko." paliwanag ni Magda.

"Kabit ni Tatay? Sino po?" tanong ni Roxanne.

"Si Vicky. Si Vicky ang kabit ng tatay mo." tugon ni Magda.

"Po?" gulat na tanong ni Roxanne.

—————

"I can't believe it! Hindi ako makapaniwala na si Magda at Rico pala ang mga magulang niyang Karen na 'yan!" inis na sambit ni Vicky.

"Nay, nagsinungaling kayo? Akala ko ba, nagtatrabaho kayo ng mabuti kayo niyo kami iniwan? 'Yun pala, inuna niyo pa ang pagiging kabit ninyo kesa sa amin na mga anak ninyo?" bulyaw ni Karen kay Vicky.

Uminit ang dugo ni Vicky sa sinabi ni Roxanne. Bigla niya itong nasampal. Napahawak si Roxanne sa kaniyang pisngi.

"Pwede ba, huwag mo akong sisigawan! Wala kang karapatang sigawan ako dahil anak lang kita! At wala kang pakialam sa kahit anong gawin ko! Gagawin ko ang lahat ng gusto ko, at wala kang pakialam!" sigaw ni Vicky.

Nagulat sila nang biglang bumaba si Fred ng hagdan at nagsalita.

"Totoo ba 'yung narinig ko? Isa kang kabit, Nay?" tanong ni Fred.

"Oo, kuya. Tama ang lahat ng mga narinig mo, siya ang kabit ng tatay ni Karen." ani Karen.

"What? How did that happen? Ma, I thought that you were working hard kaya ka umalis?" tanong ni Fred.

"Pwede ba, ha? Tigilan ninyo akong dalawa! Wala kayong pakialam kung anong gusto kong gawin! I'm gonna do what I want to do! Wala kayong pake!" sigaw ni Vicky at umakyat siya sa kaniyang kwarto.

Kaagad sinundan ng dalawang magkapatid si Vicky.

"Ma, anong gagawin mo?" ani Fred.

"Lalayas na ako dito sa bahay." tugon ni Vicky.

"Nay, hindi niyo gagawin 'yan!" sambit ni Karen.

"Ano bang pakialam mo, Roxanne? Gagawin ko kung anong gusto kong gawin at wala kayong pakialam! Lalayas na ako dito sa pamamahay na 'to!" ani Vicky.

—————

Habang nagkakasiyahan ang lahat sa party ay nakita nilang dumating ang sasakyan ni Edward.

"Andiyan na si Edward!" ani Magda.

"Patayin ninyo ang lahat ng ilaw!"

Nakita nilang unti-unting bumaba si Edward ng sasakyan, nagtataka ito.

"Bakit patay ang lahat ng ilaw?" nagtatakang tanong nito sa sarili.

Kaagad siyang naglakad patungo sa pintuan. Nang buksan niya ang pinto, nagulat siya sa kaniyang nakita.

"Surprise!"

"Happy birthday, Edward!"

Napangiti si Edward sa sorpresang inihanda nila.

"Salamat! Naku, nag-abala pa kayo."

"Anak, alam mo namang palagi kang pagod sa trabaho, kaya naman, naisipan ka naming bigyan ng birthday party. Actually, hindi talaga ako ang nag-isip nito." ani Rita.

"Po? Eh sino po?" tanong ni Edward.

"Ang asawa mo at si Magda. Sila ang nag-isip ng party na 'to." tugon ni Rita.

"Naku, Nay Magda, Karen, salamat po!" sambit ni Edward.

"Wala 'yun, Edward. Halika na, kumain na tayo!" sambit ni Magda.

Lahat sila ay nagpunta sa hapag-kainan upang kumain. Masaya silang lahat.

Nagkatinginan sina Magda at Rita. Lumapit si Rita kay Magda.

"Magda, I'm sorry. A-akala ko kasi, hindi magugustuhan ni Edward ang party na ito." ani Rita.

"Walang anuman, Rita. Basta nandito lang kami palagi para sa inyo." tugon ni Magda.

"Salamat."

—————

"Ano, Nay, pupunta nanaman kayo sa kabit niyo?" sambit ni Karen.

"Alam mo ikaw, Roxanne, namumuro ka na! Baka gusto mong ikaw ang palayasin ko!" tugon ni Vicky.

"Ma, please stop! Tama na! Huwag na kayong mag-away! Ma, hindi ka aalis dito sa bahay na 'to." ani Fred.

"Pwede ba ha, tigilan ninyo akong dalawa! Aalis ako sa ayaw at sa gusto ninyo!" sambit ni Vicky habang nag-eempake.

"Nay, hindi kayo aalis!" sambit ni Karen habang ibinabalik ang damit ni Vicky sa cabinet.

"Pwede ba, tigilan ninyo ako! Aalis ako at walang makakapigil sa akin!" sigaw ni Vicky habang ibinabalik ang damit sa kaniyang maleta.

"Ma, pwede ba, hindi makakatulong ang pag-alis ninyo!" ani Karen.

Hindi pinakinggan ni Vicky ang mga sinasabi ng anak. Nagpatuloy ito sa pag-eempake.

Maya-maya ay lumabas na si Vicky ng kaniyang kwarto upang umalis. Nakita naman siya ni Roxanne na lumabas sa pinto. Hinabol niya ito.

Nakita niya si Vicky na nagpara ng taxi. Kaagad itong sumakay.

Hinabol ni Roxanne ang taxi na sinakyan ni Vicky. Nang hindi niya nahabol ang taxi, tumigil siya sa pagtakbo. Hindi niya namalayan ang sasakyan na nasa kaniyang likuran. Nabangga siya at napahiga sa karsada.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now