Chapter 48: Pag-aalala

8 3 0
                                    

"N-nikko?" sambit ni Mindy.

"Ah, namimili lang kami," dagdag ni Leslie.

"You know what, guys, kung kumain nalang kaya tayo? Libre ko!" tugon ni Nikko.

"What the hell, babe? Nababaliw ka ba?" bulong ni Joana.

"Sige na, babe. Minsan lang." tugon ni Nikko.

"A-ah, hindi na, Nikko. Nakakahiya. Kami na lang ni Mindy ang magbabayad." sambit ni Leslie.

"Alam niyo, mabuti 'yan, Leslie. At tsaka pwede ba, dumistansya nga kayo sa jowa ko. Pwede ba, layuan niyo na si Nikko. Okay? Babe, tara na. Umalis na tayo rito." tugon ni Joana.

"I'm sorry." ani Nikko at wala siyang nagawa kundi ang umalis kasama si Joana.

"Alam mo bes, grabe talaga 'yang Joana na 'yan! Ang kapal talaga ng mukha!" sambit ni Mindy.

"Hayaan mo na, Mindy. Basta tayo, kumain na lang tayo. Nagugutom na ako." tugon ni Leslie.

"Sige." ani Mindy.

—————

"Babe, bakit ba palagi mong niyayaya ng libre ang babaeng Leslie na 'yon? I'm your girlfriend!" sambit ni Joana.

"Babe, she's just my friend. Ilang beses ko ba sayong sasabihin 'yon?" tugon ni Nikko.

"Well, you know what, ayoko na palagi kang lumalapit sa babaeng 'yon." sambit ni Joana.

"Bakit ba, babe? Ano ba kasi talagang problema kay Leslie? Alam mo, dapat nakikipagkaibigan ka rin sa kaniya, because she's a good person!" tugon ni Nikko.

"Wala akong pake, babe. Basta ang gusto ko, dumistansya ka kay Leslie. At ayokong makikita na lumalapit ka pa sa kaniya!" sigaw ni Joana.

—————

"Ang kapal talaga ng Rita na 'yon na sisihin ang anak natin. Hindi naman si Karen ang may kasalanan, 'di ba?" tanong ni Magda.

"Alam mo, Magda, darating ang panahon, mahahanap din nila si Edward. Hindi nila dapat sisihin ang anak natin dahil wala siyang kasalanan. Sana lang, buhay pa si Edward. At sana, hindi magtagumpay ang mga Villanueva sa kung ano pa mang binabalak nila." tugon ni Rico.

Sakto namang dumating si Leslie. Nadatnan niya ang kaniyang mga magulang na nag-uusap.

"Nay, tay, ano pong pinag-uusapan ninyo?" tanong ni Leslie.

"Anak, nandiyan ka na pala. Saan ka ba galing?" tanong ni Magda kay Leslie.

"Ah, namasyal lang po kami ni Mindy. At tsaka, ano po 'yung narinig kong pinag-uusapan ninyo? May masama po bang nangyari?" tanong ni Leslie.

"Ah, anak, ang kuya Edward mo kasi, nawawala. Dapat kasi, susunduin niya ang ate mo kahapon pero hindi pa rin siya bumabalik hanggang ngayon. Eh, hindi namin alam kung anong nangyari." tugon ni Magda.

"Po? Eh ano naman po kayang nangyari sa kaniya?" tanong ni Leslie.

"'Yun nga anak ang iniisip namin. Pakiramdam namin na ang mga Villanueva ang may gawa nito sa kuya Edward mo," tugon ni Rico.

"Eh, bakit po hindi ninyo sila paaminin? Sigurado po ako na sila ang may kinalaman." sambit ni Leslie.

"'Yun nga, anak. Pinaamin na sila ng biyenan ng ate mo. Pero, patuloy nilang sinasabi na wala silang alam. Sana talaga, walang masamang nangyari sa kuya Edward mo." tugon ni Magda.

"Nako, nay, sana nga po. Sige po, bihis lang po muna ako."

—————

"Alam mo, amiga, wala pa rin akong balita tungkol sa anak ko. Hindi ko na alam kung, nasaan siya ngayon. Hindi ko alam kung, buhay pa ba siya? Kung maayos ba ang kalagayan niya? Hindi ko alam." sambit ni Rita sa kaibigan niyang si Celia.

"Amiga, huwag kang mag-alala. Hindi kayo pababayaan ng Diyos. Strong ang anak mo." tugon ni Celia.

Napalingon si Rita sa pinto nang biglang may kumatok.

"Sandali lang, amiga. Titignan ko lang kung sino 'yon." ani Rita at tumayo upang buksan ang pinto.

"Robert?" sambit ni Rita nang makita ang kaibigan ni Edward.

"Tita! Kamusta po?" tanong ni Robert.

"Heto, nag-aalala ako sa anak ko. Nag-aalala ako kay Edward." tugon ni Rita.

"Nag-aalala? Bakit po? Ano po bang nangyari kay Edward? At tsaka, pwede ko rin po ba siyang makausap?" tanong ni Robert.

"Iho, nawawala ang anak ko. Ilang araw na siyang nawawala. Hindi ko na alam kung anong nangyari sa kaniya." tugon ni Rita.

"Po? Kailan pa po siya nawala?" tanong ni Robert.

"Noong isang araw pa." tugon ni Rita.

"Naku, tita, sana po, mahanap niyo na po si Edward. Sana po, nasa maayos siyang kalagayan." ani Robert.

—————

"Mga bes, mabuti naman at pumayag kayo na gumala tayo. Masyado na rin kasi akong stressed sa work eh." sambit ni Ariana.

"Alam mo, Ariana, okay na rin 'to, para makapag-bonding tayong tatlo." tugon ni Bella.

"Hay nako, kanina pa tayo naglalakad eh. Saan niyo ba gustong pumunta?" tanong ni Roxanne.

"Parang, masarap kumain! Kumain tayo sa mamahaling restaurant!" tugon ni Ariana.

"Naku, bes, pass muna 'ko d'yan. Wala pa akong sweldo ngayon eh." sambit ni Bella.

"Ako rin, pass muna 'ko." dagdag ni Roxanne.

"Naku, arte-arte pa kayong dalawa. O sige na nga, libre ko na!" tugon ni Ariana.

"Ay bes, parang bigla akong nagutom?" sambit ni Bella.

"Oo nga, saan ba tayo kakain, Ariana?" tanong ni Roxanne.

"Nako, ayan tayo eh." sambit ni Ariana.

Nang makarating sila sa restaurant, kaagad silang kumuha ng pwesto para sa kanilang tatlo.

"Uy, bes, thank you sa libre ha." sambit ni Roxanne.

"Oo nga, salamat." dagdag ni Bella.

"You're welcome. Basta next time, kayo naman ang taya ah." sambit ni Ariana.

"Uy, friend, dito ba talaga tayo kakain?" napalingon si Karen nang marinig niya ang boses ni Mystie.

"Oo naman. Well, gusto ko namang makatikim ng mga masasarap na pagkain. Puro gulay na lang kasi 'yung pagkain sa bahay." tugon ni Karen.

"Ang choosy mo naman, girl." sambit ni Mystie.

Naglakad papasok ng restaurant sina Mystie at Roxanne. Nagulat si Roxanne nang makita niya si Karen.

"Oh, hi Karen!" sarkastikong bati ni Karen.

"Anong ginagawa ninyo dito?" tanong ni Mystie.

Napatayo si Ariana sa kaniyang kinauupuan.

"Kakain kami. Bakit, bawal ba? Pag-aari niyo ba 'tong mall?" tanong ni Ariana.

"Alam mo, Ariana, masyado kang warfreak. Pwede ba ha, 'wag mo kaming inaangasan." tugon ni Karen.

"Pake ninyo? Eh sa gusto kong maging warfreak e." ani Ariana.

"Ariana, 'wag mo na silang patulan." sambit ni Roxanne.

"Buti pa 'yung kaibigan mo, marunong mag-isip. Hindi tulad mo, masyado kang warfreak." dagdag ni Mystie.

"Alam ninyo, 'wag nga kayong ano. At ikaw naman, Roxanne, ang kapal talaga ng mukha mong manggulo. Nananahimik kami rito e, tapos ginugulo ninyo kami." tugon ni Ariana.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now