Chapter 46: Nawawala

10 3 0
                                    

"Hindi ko alam, Rita. Kaya ko nga tinatanong sa iyo, 'di ba?" ani Magda.

"M-Magda, pwede ba akong humingi ng pabor? Pwede mo ba akong samahan?" tanong ni Rita.

"S-samahan? Samahan saan?" tanong ni Magda.

"Sa bahay ng mga Villanueva. Alam ko na alam ninyo kung saan ang bahay nila." tugon ni Rita.

"S-sige, pupuntahan namin kayo d'yan." sambit ni Magda.

"S-salamat. Hihintayin ko kayo." tugon ni Rita at ibinaba ang telepono.

Kaagad tinawag ni Magda si Rico. Muli siyang hihingi ng tulong dito.

"Rico, kailangan ko ng tulong mo." sambit ni Magda.

"Anong tulong?" tanong ni Rico.

"Si Edward daw, gabi na, hindi pa rin siya bumabalik. Malakas ang kutob namin ni Rita na Villanueva nanaman ang may pakana rito." tugon ni Magda.

"S-sige, Magda. Magbibihis lang ako." ani Rico.

—————

"So, anong balak mong gawin, anak?" tanong ni Vicky.

"Nay, kung hindi ko na rin lang naman makukuha si Edward, sisiguraduhin ko na hindi na rin siya makukuha ni Karen." tugon ni Karen.

"Ibig sabihin ba nito, sang-ayon ka na sa ginawa ko?" tanong ni Fred.

"No, kuya! Pinatay mo pa rin si Edward! Sana si Karen na lang ang pinatay mo at hindi si Edward!" tugon ni Karen.

"Ano, ha? Hindi pa ba sapat 'yung ginawa ko? Hindi pa ba sapat na pinatay ko si Edward?" tanong ni Fred.

"Hindi! At kahit kailan, hindi ko matatanggap na may kapatid akong kriminal at mamamatay-tao! Never!" tugon ni Karen.

"You know what, mga anak, palamigin niyo muna ang isa't-isa. Sige na, maaayos rin 'to." ani Vicky.

—————

"Nay, saan po kayo pupunta?" tanong ni Roxanne.

"Anak, pupuntahan namin ang mga Villanueva. Malakas ang kutob ko na sila ang may pakana ng lahat ng 'to." tugon ni Magda.

"Nay, baka po mapahamak lang kayo. Huwag na po kayong tumuloy." sambit ni Roxanne.

"Anak, huwag kang mag-alala, mag-iingat kami." tugon ni Magda.

"Sasama nalang po ako, Nay. Kailangan po nilang pagbayaran ang mga kasalanan nila." ani Roxanne.

"Sige, anak. Sumama ka sa amin. Sana po, mali ang kutob natin na sila ang may pakana ng pagkawala ni Edward." sambit ni Magda.

"Sige po, Nay. Magbibihis lang po ako." tugon ni Roxanne.

—————

"Hello, Rita, andito na kami sa labas ng bahay ninyo." sambit ni Magda.

"Sige, Magda, palabas na ako." tugon ni Rita at ibinaba ang telepono.

"Ay, ma'am, saan po kayo pupunta? At tsaka, nasaan na po si sir Edward?" tanong ni Janice.

"H-hindi ko alam, Janice. Hindi ko alam kung nasaan ang sir Edward mo. At pupuntahan ko ang mga taong pwedeng may kinalaman sa pagkawala ng anak ko." tugon ni Rita.

"Ano pong ibig sabihin niyo, ma'am?" tanong ni Janice.

"Malakas ang kutob ko na ang mga Villanueva ang may pakana sa pagkawala ng anak ko. Kaya ngayon, paaaminin ko sila sa kasalanan nila." tugon ni Rita.

"Naku, ma'am, tingin niyo po ba na sila talaga ang may kagagawan ng pagkawala ni sir Edward?" tanong ni Janice.

"Oo, Janice. Malakas ang kutob ko na sila ang may kasalanan. Sige na, aalis na ako. Hinihintay na ako nila Magda sa labas." tugon ni Rita.

"Sige po, ma'am. Ingat po kayo." ani Janice.

Nang makalabas ng mansyon si Rita, bumungad sa kaniya ang sasakyan nina Rico. Sumakay siya rito.

"Rita, sigurado ka ba sa gagawin natin? Talaga bang pupuntahan natin ang bahay ng mga Villanueva?" tanong ni Magda.

"Oo, Magda. Sigurado na ako. Malakas ang kutob ko na sila ang may pakana kung bakit nawawala ang anak ko." tugon ni Rita.

"Sana po, mahanap na natin si Edward." sambit ni Roxanne.

"Kaya nga. Kailangan nating paaminin ang mga Villanueva. Malakas talaga ang kutob ko na sila ang may gawa nito sa anak ko. At kapag tama ang hinala ko, hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanila." tugon ni Rita.

Makalipas ang ilang minuto, narating na rin nila ang bahay ng mga Villanueva.

"Rico, Magda, Karen, dito muna kayo sa loob. Ako na muna ang bababa." sambit ni Rita.

"Rita, sigurado ka? Baka, mapahamak ka. Hindi pwede. Kailangan naming sumama." tugon ni Magda.

"Kung 'yan ang gusto niyo, sige." ani Rita.

Nang makababa sila sa sasakyan, kaagad na nag-doorbell si Rita. Pinagbuksan naman siya ni Roxanne.

"A-anong ginagawa niyo rito?" tanong ni Karen.

"Well, hello, my fake daughter-in-law. Kamusta ka na?" tanong ni Rita.

"Anong kailangan ninyo sa amin?" muling tanong ni Karen.

Bago sagutin ni Rita ang tanong ni Roxanne, nagdare-daretso siya ng lakad hanggang sa makapasok siya sa loob ng bahay.

"Hoy, saan ka pupuntang matanda ka?" tanong ni Karen.

"Papasok sa loob. Bakit, bawal bang pumasok?" tanong ni Rita.

"Bawal." sambit naman ni Vicky.

"Anong kailangan mo sa amin?" tanong naman ni Fred.

"Well, nawawala ang anak ko at kanina pa siya hindi bumabalik. At, malakas ang kutob ko na may kinalaman kayo rito. Totoo nga bang may kinalaman kayo rito?" tanong ni Rita.

"Hoy, ang kapal ng mukha mong manisi, ha? At talagang isinama mo pa 'yang Magda na 'yan?" tugon ni Vicky.

"Bakit, Vicky? Sinamahan lang naman namin si Rita." ani Magda.

"Hoy ikaw, matanda ka, ang lakas ng loob mong mambintang. Bakit, may ebidensiya ka ba ha?" tanong ni Karen.

"Wala. Wala pa akong ebidensiya. Pero malakas ang kutob ko na may kinalaman kayo rito. Siyempre, alam ko na kayo ang gagawa nito dahil nabuking namin ang sikreto mo, Roxanne. So tell me, kayo nga ba ang may kagagawan nito?" tanong ni Rita.

"Dami mong kuda, kuda ka ng kuda. Pwede ba matanda ka ha, kung sisisihin mo lang kami, pwede ba? Tsupi-tsupi, shoo-shoo away! Dahil ayaw namin na marinig 'yang sasabihin mo!" tugon ni Karen.

"Bastos ka talagang bata ka. Vicky, grabe naman pala 'yang pagpapalaki na ginawa mo sa anak mo ha, walang manners." sambit ni Rita.

"How dare you! How dare you na husgahan mo ang pagpapalaki ko sa anak ko?" tanong ni Vicky.

"Kaya siguro, naging masama ang ugali ng anak mo, eh dahil nagmana sila sayo. Alam mo ba na muntik na akong patayin ng anak mo noong isang gabi? Mabuti na lang talaga, napigilan ako ni Edward." tugon ni Rita.

"A-ano? Roxanne, totoo ba 'to?" tanong ni Vicky.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now