Chapter 75: Gabi ng Krimen

9 2 0
                                    

Nang makarating sina Roxanne, Fred, at Mystie sa bahay nina Karen, napansin nila na parang may pupuntahan sila.

"Aba, aba, aba, saan naman kaya pupunta 'tong mga 'to? Mukhang bihis na bihis, a! Gabi na pero sige pa rin ang gala!" sambit ni Karen.

"Friend, alam mo kasi, i-resched mo na lang kasi 'yang revenge mo! Alam mo, mapapagod ka lang!" tugon ni Mystie.

"Pwede ba, Mystie? Kung ayaw mong sumama, edi 'wag! Ang luwag ng pinto, pwedeng-pwede kang lumabas!" inis na sambit ni Karen.

"Sorry naman. Sige na nga, sasama na 'ko." tugon ni Mystie.

Nang makasakay sina Karen, Leslie, Magda, at Rico sa sasakyan, kaagad silang umalis at nagtungo sa bahay nina Bella.

"Kuya, sundan mo sila, bilis!" utos ni Karen.

Kaagad sinundan ni Fred ang sasakyan nina Karen.

"Huy, friend, anong gagawin natin? Bakit natin sila sinusundan?" tanong ni Mystie.

"Wala kang pake, Mystie. Kung pwede natin silang banggain, banggain natin. Basta, hindi pwedeng maging sila ni Edward." tugon ni Karen.

"Friend, kinakabahan ako sa gagawin mo. Pero ang alam ko lang, 'yung pinaplano mo, katulad ng ugali mo." sambit ni Mystie.

"Ano?" tanong ni Karen.

"Masama." diretsong tugon ni Mystie.

"Tumahimik ka nga! Baka gusto mong ikaw ang ipapatay ko!" inis na sambit ni Karen.

Kinabahan si Mystie sa sinabi ni Roxanne. Bakit kaya?

Nagpatuloy sila sa pagsunod sa sasakyan nina Karen. Hanggang sa makarating sila sa isang bahay.

Masayang bumaba ng sasakyan sina Karen. May mga dala rin silang pagkain. Napansin din ni Roxanne na pinindot ni Leslie ang doorbell. 'Di nagtagal, pinagbuksan din siya ni Bella ng pinto.

"Hi, insan! Tara, pasok kayo sa loob! Nandito na si Ariana." narinig ni Roxanne ang sambit ni Bella.

"Talaga? Andito na si Ariana?" tanong ni Roxanne.

"Oo, insan. Hinihintay nga niya kayo, e" tugon ni Bella.

Pagkatapos ay pumasok sila sa loob. Dala nila ang mga pagkaing niluto nila.

"Ano, Roxanne? Ano nang gagawin natin?" tanong ni Fred.

"Huwag ka masyadong mainip, kuya. Pero alam mo, pwede ko namang pasabugin na lang 'tong bahay nila, e. Pero 'pag ginawa ko 'yon, Karen and her family will die. Gusto kong masaksihan ni Karen kung papaano ko sa kaniya aagawin si Edward." tugon ni Karen.

"Grabe ka, friend, ang sama mo!" hirit ni Mystie.

"Well, masama na kung masama. Pero akin lang si Edward. Tara na, bumaba na tayo. Titignan natin kung anong ginagawa nila sa loob. Huwag tayong masyadong maingay." sambit ni Karen.

Matahimik na bumaba ang tatlo ng sasakyan. Pinagmasdan nila kung anong ginagawa nila sa loob ng bahay ni Bella.

"Ako muna ang titingin sa bintana. Dito muna kayo." sambit ni Karen.

Nagpaiwan ang dalawa sa labas ng sasakyan. Nagtungo si Roxanne sa may bintana upang pagmasdan kung anong ginagawa nila sa loob.

Nang makita ni Roxanne ang nangyayari sa loob, napabulong siya.

"Sige lang, magsaya lang kayong lahat. Dahil pagkatapos nito, iiyak na kayong lahat. Lalong-lalo ka na, Karen. Dahil magsisimula na ang kalbaryo ng buhay mo." bulong niya sa sarili.

The SwitchWhere stories live. Discover now