Chapter 20: Misteryo

17 2 0
                                    

Makalipas ang ilang sandali, bumukas na rin ang computer ni Edward. Pinuntahan niya ang files at nakita niya ang mga footage ng CCTV.

Sinubukan niyang panoorin ang mga footages, ngunit wala siyang nakita.

Hanggang sa finast-forward niya ang video at nakita niya na unti-unting umangat ang roll up.

Nakita niya na may isang nakamaskarang lalaki na sumira ng switching machine sa pamamagitan ng pagbasa nito. Hindi niya makilala ang lalaki dahil sa suot nitong maskara.

"Oh no, sino naman kayang gagawa nito?" tanong ni Edward sa sarili.

Pagkatapos niyang makita ang footage ay kaagad niyang pinaakyat ang tatlo at ipinakita ang footage ng CCTV kina Karen, Magda, at Leslie.

"Ano? Bakit naman niya gagawin 'yon?" tanong ni Magda.

"Hindi ko rin po alam, Nay." tugon ni Roxanne.

"Pero ang mas nakakapagtaka, paano niya nabuksan ang roll-up ng garahe? Eh hindi ba, wala naman silang susi?" tanong ni Edward.

"Hala, oo nga. Paano naman kaya nila mabubuksan 'yung garahe?" tanong ni Roxanne.

"'Yan ang dapat nating alamin. Sigurado ako na mayroong gustong sumira ng switching machine. Kailangan nating alamin kung sino." tugon ni Edward.

----------

"Oh, Roxanne, saan ka nanaman pupunta?" tanong ni Fred.

"Kuya, remember? Ngayon na ako makakabalik sa katawan ko. Magsswitch ulit kami ni Karen." tugon ni Karen.

"Well, sasamahan kita. Gusto kong masigurado na totoo ngang makakabalik ka sa katawan mo." sambit ni Fred.

"'Wag na, kuya. Kaya ko na 'to. Si Mystie nalang ang sasama sa akin." tugon ni Karen.

"No. Kaming dalawa ni Mystie ang sasama sayo. Gusto kong masigurado na safe ka." sambit ni Fred.

"S-sige, kuya." tugon ni Karen.

"Hintayin mo ako sa sasakyan. Magbibihis lang ako saglit." sambit ni Fred.

Umakyat si Fred sa kaniyang kwarto upang magpalit ng damit. Kaagad pumunta si Roxanne sa sasakyan at tinawagan si Mystie.

"Mystie, may problema tayo!" sambit ni Karen.

"Ano?" tanong ni Mystie.

"Mystie, sasama si kuya sa atin! Hindi niya pwedeng malaman na ako ang sumira sa switching machine!" tugon ni Karen.

"Ano? Eh papaanong gagawin natin?" tanong ni Mystie.

"Basta kailangang tumahimik ka. Hindi mo ako pwedeng ibuking kay kuya!" tugon ni Karen.

"S-sige, sige. Bihis na ako. Hihintayin ko nalang kayo dito." sambit ni Mystie.

"Sige sige, paalis na kami." tugon ni Karen at ibinaba ang telepono.

Makalipas ang ilang sandali ay lumabas na si Fred sa pinto at sumakay sa sasakyan.

"Kuya, dadaanan natin si Mystie." sambit ni Karen.

"Okay, fine." tugon ni Fred.

"Kuya, bakit ba gusto mo pang sumama?" tanong ni Karen.

"Roxanne, mahirap na. Baka mamaya may gawin ka nanamang hindi ko alam. Baka mamaya, mapahamak ka nanaman." tugon ni Fred.

"Wala naman sigurong masamang mangyayari, kuya. Sasamahan naman ako ni Mystie." sambit ni Karen.

"Teka, bakit ba? Bakit ba ayaw mo akong pasamahin? May binabalak ka nanaman ba?" tanong ni Fred.

"Kuya, wala. Wala akong ibang binabalak." tugon ni Karen.

"Siguraduhin mo lang na wala kang ibang binabalak. Tandaan mo, Roxanne. Ako ang kuya mo, at may karapatan akong malaman kung may binabalak ka." sambit ni Fred.

Natahimik si Roxanne. Hindi pa rin alam ng kuya niya na sira ang switching machine at siya ang may kagagawan noon.

Makalipas ang ilang minuto, narating na nila ang bahay ni Mystie. Nakita nila na naghihintay si Mystie sa labas ng pinto ng kanilang bahay.

"Hi, friend! Kamusta ka na?" tanong ni Mystie habang pasakay ng sasakyan.

"Anong kamusta ka na, eh nagkita lang tayo kahapon?" tugon ni Karen.

"Ay ganun ba? Well, masama bang kamustahin kita?" tanong ni Mystie.

"Hindi naman. Halika na, kuya. Baka mainip na sina Karen kakahintay sa akin." tugon ni Karen.

Makalipas ang ilang sandali, narating na rin nina Roxanne ang bahay ni Karen.

"Ayan na. Ito na ang araw na muli akong babalik sa katawan ko." sambit ni Karen sa sarili.

"Naku, friend, excited ka na ba?" tanong ni Mystie.

"Ayos lang naman." pagsisinungaling ni Karen.

"C'mon, guys. Huwag na tayong mag-aksaya ng oras." sambit ni Fred.

Kaagad pinindot ni Roxanne ang doorbell ng bahay. At kaagad rin naman siyang pinagbuksan ni Karen.

"Oh, Roxanne? Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Roxanne.

"Hindi ba, ngayong araw na tayo ulit magsswitch ng katawan?" tanong ni Karen.

"Roxanne, I have a bad news for you." tugon ni Roxanne.

"Anong bad news?" tanong ni Karen.

"The switching machine. The switching machine is broken." tugon ni Roxanne.

"Ano?" gulat na sambit ni Karen.

"Oo, Roxanne. Nasira ang switching machine. Nakita namin sa CCTV na may lalaking sumira pero hindi naman alam kung sino dahil nakamaskara. At, mukhang medyo malaki ang sira ng switching machine." paliwanag ni Roxanne.

"Ano? Hindi pwede 'yan! Hindi pwedeng masira ang switching machine! Kailangan maibalik na si Roxanne sa katawan niya!" sambit ni Fred.

"Naku, Karen, pagpasensiyahan mo na si kuya Fred ko ah. Hayaan mo, ayos lang. Kaya ko naman maghintay." tugon ni Karen.

"Salamat, Roxanne. Salamat sa pang-unawa mo. Kumain muna kayo sa loob." sambit ni Roxanne.

"Hindi na. Uuwi na kami. Basta kailangan maayos na 'yang switching machine na 'yan! Mystie, Roxanne, umuwi na tayo!" inis na sambit ni Fred.

"Sige Karen ah, uwi na kami." sambit ni Karen.

"Sige. Babalitaan nalang namin kayo." tugon ni Roxanne.

Pagkatapos noon ay umalis na silang tatlo. Halata sa mukha ni Fred ang pagkainis.

"Bakit naman kasi nasira pa 'yung switching machine? Bakit saktong-sakto sa araw na babalik na kayo sa mga katawan ninyo?" tanong ni Fred.

"Hindi ko rin alam, kuya. Siguro nga, may taong may masamang balak." tugon ni Karen.

"Basta dapat maayos na 'yang switching machine na 'yan sa lalong madaling panahon." sambit ni Fred.

----------

"Oh, hon. Nasaan sila Roxanne?" tanong ni Edward.

"Ayun, umalis na sila agad nang malamang sira ang switching machine. Mukhang nainis 'yung kuya niya." tugon ni Roxanne.

"Hayaan mo na, hon. Magpahinga nalang muna tayo." sambit ni Edward.

"Sige, hon. Pumasok na muna tayo sa loob." tugon ni Roxanne.

Papasok na sana sila sa loob ng bahay nang biglang tumunog ang telepono ni Karen. May nagtetext sa kaniya na unknown number.

Unknown number:
Karen...

Unknown number:
Karen...

Unknown number:
Tulungan mo ako...

Unknown number:
Please, Karen. Ikaw lang ang makakatulong sa akin...

Napansin ni Edward sa mukha ni Karen na parang may mali.

"Hon, are you okay?" tanong nito.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now