Chapter 158: Shoot to Kill

2 0 0
                                    

"Ano ba? Talaga bang pinapahirapan ninyo ako? Ayaw ninyo talagang bumaba? Pwes, pasensiyahan tayo!" sambit ni Roxanne at kaagad niyang binuksan ang pinto ng sasakyan nina Karen.

Kaagad na hinawakan ni Roxanne si Magda sa braso. Tinutukan niya ito ng baril.

"Roxanne, bitiwan mo na ako. Parang awa mo na. Itigil mo na lahat ng kasamaan mo!" pagmamakaawa ni Magda.

"Maawa? Bakit, sa amin ba, naawa kayo? Hindi ba, kayo nga ang dahilan ng pagkamatay ng kuya ko? Hindi ako papayag na maging masaya kayong lahat lalong-lalo na sina Karen at Edward!" tugon ni Roxanne.

"Hayop ka talaga, Roxanne! Hayop ka talaga!" sigaw ni Karen.

"Nay, kunin mo si Karen! Martha, kunin mo si Leslie!" utos ni Roxanne.

Kaagad naman nilang sinunod ang sinabi ni Roxanne. Kaagad nilang kinuha sina Karen at Leslie.

"M-mommy? Anong ginagawa mo? K-kakampi mo sila? Nakatakas ka sa kulungan?" nagulat si Sabrina nang makita niya si Martha.

"Oo, anak. Nakatakas ako sa kulungan at kakampi nila ako. Isinama nila ako sa mga plano nila dahil kailangan nila ako." tugon ni Martha.

"Mommy, pwede ba, pakisabi sa kanila itigil na nila 'to! Huwag niyo na silang idamay! Ako na lang! Hindi ba, ako lang naman ang gusto mong makuha?" sambit ni Sabrina.

"Anak, I'm doing all of this for you! Kailangan nang mamatay ng mga hayop na 'to dahil sila ang hadlang para makuha kita! At hinding-hindi ako papayag na maging masaya 'tong pamilya mo!" tugon ni Martha.

"Mommy, hindi na ikaw 'yung dati kong mommy! Nag-iba ka na! Nagawa mong tumakas sa kulungan para lang gumawa ng masama! You're evil!" sambit ni Sabrina.

"I'm doing this all for you. Kaya kailangan nang mamatay ng mga magulang mo pati na rin ng mga kapatid mo! Kailangan na nilang mamatay lahat!" tugon ni Martha.

"Sige na, itigil niyo na 'yang drama na 'yan. Isakay niyo na sila sa sasakyan!" sigaw ni Roxanne.

"Roxanne, itigil mo na 'to! Pakawalan mo sina Karen!" sambit ni Edward.

"No way, Edward! Gusto kong magdusa kayong lahat! Alam kong hindi na rin naman ako magiging masaya sa buhay ko kaya dapat lang na hindi na rin kayo maging masaya! Isakay niyo na sila sa sasakyan!" tugon ni Roxanne.

Kaagad nilang isinakay ang tatlong bihag sa loob ng sasakyan. Pinigilan nina Edward at Rico si Roxanne ngunit sinaktan lang sila nito.

Kaagad sumakay si Roxanne sa sasakyan nila. Hindi na sila nag-aksaya pa ng panahon at kaagad na silang umalis.

"Tay, kuya Edward! Halika, sundan natin sila!" sigaw ni Sabrina.

"Sige. Pero, kakailanganin natin ang tulong ng mga pulis! Sobrang mapanganib sina Roxanne ngayon! Hindi tayo pwedeng sumugod doon ng basta-basta na lang!" tugon ni Rico.

"Tama si tito. Kailangan nating humingi ng tulong sa mga pulis. Dahil pwede nilang patayin sila kapag nagkataon." sambit ni Edward.

—————

"Roxanne, itigil mo na 'to! Tama na! Pakawalan mo na kami!" sigaw ni Karen.

"Hinding-hindi mangyayari 'yun, Karen! Hindi ko kayo papakawalan! Mamamatay muna kayong lahat! At sisiguraduhin kong hindi na kayo magiging masaya ng pamilya mo! Magsasama-sama na kayong lahat sa impyerno!" tugon ni Roxanne.

"Roxanne, hayop ka talaga! Wala ka talagang kaluluwa!" sigaw naman ni Leslie.

"Patahimikin niyo nga 'yang tatlong 'yan! Naiirita na ako sa ingay eh!" tugon ni Roxanne.

—————

"Oh, anong nangyari? Bakit ang bilis ninyong nakabalik? Nahuli na ba sina Roxanne?" tanong ni April nang bumalik sina Sabrina sa mansyon.

"Ate April, hinarang kami nina Roxanne. Kinuha nila sina ate Karen, si nanay, at si Leslie! Hindi na namin sila nasundan!" tugon ni Sabrina.

"A-ano? Hawak nina Roxanne sina Karen?" tanong ni April.

"Oo, ate. Kailangan muna nating humingi ng tulong sa mga pulis. Masyado na raw delikado ang sitwasyon." tugon ni Sabrina.

"Tamang-tama pala ang pagbili ko ng tracking device para sa kanilang tatlo. Mas madali natin silang matutunton dahil pwede nating ma-track ang lokasyon nila. Kailangan lang talaga nating humingi ng tulong sa mga pulis." sambit ni Rico.

"Tama po kayo. Sa sitwasyon ngayon, sigurado po akong hindi susuko sina Roxanne hangga't hindi nila nakukuha ang gusto nila." tugon ni April.

—————

Makalipas ang ilang minuto, narating na rin nila ang isang malaking warehouse. Ibinaba nila ang tatlo sa sasakyan. Naka-blindfold pa ito kaya hindi nila nakikita kung nasaan sila ngayon.

"Roxanne, hayop ka! Saan mo kami dinala?" tanong ni Karen.

"Well, nandito lang naman kayo sa huling hantungan ninyo. Dito na ang lugar kung saan kayo mamamatay. Kawawa naman kayo." tugon ni Roxanne.

"Roxanne, maling-mali na 'tong ginagawa mo! Hindi ka ba naaawa? May pamilya pa kaming dapat balikan! Huwag mo kaming itulad sayo! Huwag mo kaming gawing miserable katulad ng pamilya mo!" sigaw ni Magda.

Tinanggal ni Roxanne ang blindfold nilang tatlo. Nagkatinginan silang tatlo.

"Hindi na kayo babalik sa mga pamilya ninyo! Dahil dito pa lang, mamamatay na kayong tatlo! Iisa-isahin ko kayo hanggang sa kayo na mismo ang humingi ng kamatayan ninyo! Pero hindi magiging madali ang gagawin namin. Gusto kong makita muna kayong nagdurusa. Gusto ko muna kayong paglaruan. At pagkatapos, saka namin kayo papatayin." tugon ni Roxanne.

"Demonyo ka talaga. Demonyo ka! Hindi na kami magtataka kung isinangla mo ang kaluluwa mo sa demonyo!" sigaw ni Magda.

"Tama ka, Magda! Talagang isinangla ko na ang kaluluwa ko sa demonyo! Kayo ang may gawa nito! Kung sana, ibinigay niyo lang ang dapat na sa amin, edi sana, hindi tayo aabot sa ganito!" tugon ni Roxanne.

"Walang-wala si Satanas sayo, Roxanne. Pero 'wag kang mag-alala. Gagawa ng paraan sina tatay para iligtas kami. Alam kong hindi nila kami pababayaan!" sambit ni Leslie.

"Edi umasa ka! Umasa ka lang ng umasa! Hinding-hindi na mangyayari 'yun dahil hindi na kayo magkikita-kita! Mamamatay na kayong lahat! Sige, itali ninyo sila sa mga upuan! Higpitan ninyo!" tugon ni Roxanne.

Kaagad nilang sinunod ang sinabi ni Roxanne. Kaagad nilang itinali ang tatlo sa upuan. Hinigpitan nila ang pagkakatali upang hindi sila makaalis.

"Demonyo ka talaga, Roxanne! Napakasama mo!" tugon ni Karen.

"Talagang masama ako, Karen! At sisiguraduhin ko na magdurusa kayong lahat! Magdurusa kayo! Magdurusa kayo! Hahahahaha!" ani Roxanne at tumatawa pa na parang nasisiraan na ng ulo.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now