Chapter 142: Bala

2 0 0
                                    

"Ate Karen! Leslie! Tay!" kaagad na sambit ni Sabrina nang makita niya ang kaniyang pamilya sa loob ng mansyon.

"K-kambal? Kambal! Mabuti at nakarating ka!" sambit ni Leslie.

"Oo, kambal. Tinakasan ko si mommy. Plano na niya kayong patayin!" tugon ni Sabrina.

"A-ano?" gulat na sambit ni Karen.

"Oo, ate. Plano niya na tayong patayin. Mabuti nga, natakasan ko siya!" tugon ni Sabrina.

"Mabuti na lang, kambal! Mabuti na lang at natakasan mo siya! Nay, nandito na po si Sabrina, ang kakambal ko!" sambit ni Leslie.

Napalingon si Sabrina kay Magda nang makita niya ito.

"A-anak? S-Sabrina?" sambit ni Magda.

"K-kayo po? Kayo ang totoong mommy ko?" tanong ni Sabrina.

"Oo, anak. Ako si Magda, ako ang totoong mommy mo!" tugon ni Magda.

Nang marinig ni Sabrina ang mga sinabi ni Magda, kaagad niya itong niyakap ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Hindi niya maiwasang maluha.

"Kayo po pala ang totoong nanay ko. Salamat po at nakilala ko na kayo. Salamat po at nakita ko na kayo." sambit ni Sabrina.

"Oo, anak. Sobrang saya ko. Sobrang saya ko na nakita na kita ulit. Sa wakas, buo na ang pamilya natin. Buo na ang pamilya natin." nakangiting tugon ni Magda.

"Oo nga po, nay. Buo na po tayo. Pwede na po tayong magsimula ulit." ani Karen.

"Pero hindi pa po tayo pwedeng maging kampante. Si mommy Martha, masama na po siya! Gagawin niya na po ang lahat para hindi tayo mabuo! Gusto niya po akong bawiin sa inyo!" sambit ni Sabrina.

"A-ano?"

Walang anu-ano'y biglang may isang babaeng pumasok sa loob ng mansyon.

"Sabrina? Sabi ko na nga ba, dito ka pupunta e!" nagulat ang lahat nang makapasok si Martha sa mansyon!

"M-mommy? A-anong ginagawa mo rito?" tanong ni Sabrina.

"Well, sinundan kita. You think na hahayaan kitang maging masaya kasama ng pamilya mong itinapon ka ng parang basura? Hindi!" tugon ni Martha.

"Mommy, tigilan mo na kami. Tigilan mo na ako. Tigilan mo na kaming lahat. Hindi na ako papayag na ilayo mo ako sa kanila." sambit ni Sabrina.

"Martha, tigilan mo na kami. Tigilan mo na ang anak ko. Umalis ka na rito kung ayaw mong tumawag kami ng mga pulis para ipahuli ka." tugon ni Magda.

"Ah, so ikaw pala ang totoong nanay ni Sabrina? Wow, just wow! Alam mo, ang kakapal ng mga mukha ninyong ilayo sa akin ang anak ko! Inalagaan ko siya for 18 years! Tapos ano? Kukunin niyo siya sa akin at ilalayo?" sambit ni Martha.

"Martha, wala kaming planong ilayo sayo si Sabrina. Hindi namin siya ipagkakait sayo. Gusto lang namin siyang makasama." tugon ni Magda.

Biglang inilabas si Martha ang kaniyang baril na mula sa kaniyang bag. Nagulat ang lahat sa ginawa niya.

"M-mommy, anong gagawin mo?" kinakabahang tanong ni Sabrina.

"Hindi ako naniniwala sa inyong lahat! Alam ko ang motibo ninyo! Sinasabi niyo lang 'yan para makuha niyo siya sa akin, pero ang totoo, ilalayo niyo siya!" tugon ni Martha.

"Ah, Martha, kumalma ka. Hindi makakabuti 'yan." pagpigil ni Nerissa kay Martha.

"At sino ka naman? Anong karapatan mong pigilan ako?" tanong ni Martha.

"Ah, Martha, ibaba mo na 'yang baril mo. Makakasama 'yan." dagdag pa ni Nelson.

"No way. I'm not going to do that. Papatayin ko muna kayong lahat bago ko kayo tigilan. At kapag patay na kayong lahat, doon ko lang makukuha si Sabrina." tugon ni Martha.

"Mommy, nakikiusap ako sayo ngayon, ibaba mo 'yan! Mommy!" pakiusap ni Sabrina.

"No, Sabrina! Hindi ako papayag na maging masaya kayo! I will do everything para hindi ka nila mabawi sa akin! Papatayin ko 'tong pamilya mo! Papatayin ko silang lahat!" biglang kinasa ni Martha ang baril ngunit nagulat sila nang biglang humarang si Nelson!

"Tito!" sigaw ni Karen.

"Beh! Nelson!" sigaw pa ni Nerissa.

"Hayop ka, mommy! Napakawalanghiya mo! Binaril mo siya! Demonyo ka!" sambit ni Sabrina.

"Kasalanan mo 'to, Sabrina! Ikaw ang may kagagawan nito kung bakit ako nakapatay!" tugon ni Martha.

"Hayop ka, mommy! You can't escape this! Ipakukulong kita!" sambit ni Sabrina.

"Subukan mo! Mas lalong gugulo ang pamilya niyo! At hinding-hindi ako titigil hangga't hindi kayo namamatay lahat! Mark my words!" tugon ni Martha at umalis ng mansyon.

"Ano pang hinihintay natin? Isugod na natin siya sa ospital! Halika na!" sambit ni Rita.

Dali-dali silang nagpunta ng ospital. Kaagad na isinugod sa emergency room si Nelson.

"Jusko, April. Bakit ba nangyayari 'to? Nawala na sa akin si Mystie, ayokong mawala sa akin si Nelson. Ayoko siyang mawala." naluluhang sambit ni Nerissa.

"Tita, hindi siya mawawala. Pagsubok lang 'to. 'Wag mong isipin na mawawala si tito Nelson. Gagaling siya. Matagal pa kayong magkakasama." tugon ni April.

"Sana nga, April. At 'yung Martha na 'yon, pagbabayarin ko siya sa kasalanan niya. I will make her suffer." sambit ni Nerissa.

"Uhm, tita Nerissa, 'wag po kayong mag-alala, ako na po mismo ang magpapakulong kay mommy. Ako na po ang bahala. Tutulungan ko po kayong hulihin siya." tugon ni Sabrina.

"Salamat. Kung alam mo lang, matagal na na-comatose ang asawa ko. Akala ko, mawawala na siya sa akin, pero nagising siya. Nagkaroon ako ng pag-asa. Pero ngayon? Hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung bibigyan pa siya ng pangalawang pagkakataong mabuhay pa." sambit ni Nerissa.

"Pasensiya na po kayo. I'm so sorry to hear that. Alam niyo po, mabuting tao si mommy. Maalagain, mapagmahal, until nalaman ko ang katotohanan sa pagkatao ko. Nang malaman ko pong kakambal ko si Leslie, kaagad ko pong ipinaalam sa kaniya. Hindi ko po maintindihan kung bakit ayaw niyang makasama ko ang totoong pamilya ko. Wala naman po akong balak na iwan siya. Mahal na mahal ko po si mommy. Pero ngayon? Hindi ko na po alam. Kinasusuklaman ko siya ngayon dahil sa ginawa niya. Kaya 'wag po kayong mag-alala, gagawin ko po ang lahat para ma-realize niya na nag-iiba na siya. Masama na po siya. Hindi na siya 'yung mommy na nakilala ko." tugon ni Sabrina.

"Salamat. Pasensiya ka na, pero, hindi ko rin siya mapapatawad sa ginawa niya. Namatay na ang anak kong si Mystie. Hindi ko hahayaang mawala pa sa akin ang asawa ko." ani Nerissa.

Niyakap ni Sabrina si Nerissa upang pagaanin ang loob nito.

Maya-maya lamang ay dumating ang doktor na nag-aasikaso kay Nelson sa emergency room.

"Dok, how's my husband? Kamusta ang lagay niya?" kaagad na tanong ni Nerissa.

"Ma'am, I-I'm sorry..."

"Dok, bakit? A-anong nangyari sa asawa ko?"

Hindi makasagot ang doktor. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya kay Nerissa.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now