Chapter 139: Iris Invades

2 0 0
                                    

"Oh, halika Iris, umupo ka na muna. Sandali lang, kukuha lang ako ng maiinom mo." sambit ni Karen.

"Ah, ma'am, 'wag na po. Ayos lang po ako. Ang bait niyo po pala, ma'am." tugon ni Iris.

"Ah, wala 'yun. Oh teka, nakita mo na ba 'yung magiging kwarto mo?" tanong ni Karen.

"Opo, ma'am. Actually, nandito nga po ako kahapon. Wala po yata kayo rito." tugon ni Iris.

"Ah, oo. Wala kasi ako rito kahapon. Bumisita ako sa nanay ko. Matagal-tagal ko na kasi siyang 'di nakikita." sagot ni Karen.

—————

"Oh, Nikko? Mindy? Kamusta na? Ang tagal na nating 'di nagkikita-kita! Anong balita sa inyo?" sambit ni Leslie nang makarating siya sa kanilang tipanan.

"Bes, mabuti nakarating ka! Naku, mabuti nga at nanlibre 'tong si Nikko. Matagal na raw niya kasi tayong 'di nakikita. Salamat, Nikko ha." tugon ni Mindy.

"Wala 'yun, guys. Actually, gusto ko kayong makasama. Lalo na si Leslie. I know na hindi pa siya masyadong nakakamove-on sa mga nangyari sa kaniya. Pero teka, ano na bang balita sayo?" sambit ni Nikko.

"Ah, Nikko, ano kasi eh... May naikwento na ako kay Mindy na hindi ko pa naikukwento sayo. May nawawala akong kapatid. May kakambal ako." tugon ni Leslie.

"W-what? You have a twin?" tanong ni Nikko.

"Oo, Nikko. May twin sister ako. Siya si Sabrina. Identical twins kami. H-hindi ko nga rin akalain na may kakambal pala ako eh." tugon ni Leslie.

"W-what? So you mean, nito mo lang siya na-meet?" tanong ni Nikko.

"Oo, Nikko. Last month lang. 'Di ko nga akalain na mangyayari 'yun eh. Nagkasalubong kami sa daan. Nagulat ako kung bakit kamukhang-kamukha ko siya. 'Yun pala, kakambal ko siya." tugon ni Leslie.

"Small world talaga, bes. Alam mo, kahit nga ako, I still can't believe that you have a twin sister." sambit ni Mindy.

"Eh, nasaan siya ngayon?" tanong ni Nikko.

"Well, ayun, nandun siya sa mommy niyang nag-alaga sa kaniya. Galit nga ang mommy niya sa amin, eh. Ayaw niyang magkasama-sama kami. Siguro, na-attach na rin siya kay Sabrina kaya ayaw niyang mawalay siya sa anak niya." tugon ni Leslie.

"Siguro nga. Eh, how about your mom? Ano, may balita na ba sa kaniya? N-nakita na ba siya?" tanong ni Nikko.

"Oo, Nikko. Nakita na si nanay. Buhay siya, Nikko. Buhay siya. Tuwang-tuwa nga kaming lahat nang makita siya ulit." tugon ni Leslie.

"Naku, mabuti naman. Mabuti naman kung ganun. O siya sige, kumain na tayo, medyo gutom na rin kasi ako eh." sambit ni Nikko.

"Oo nga, halika na. Umorder na tayo." tugon ni Mindy.

—————

Gabi na at madilim. Alas dos na ng madaling araw. Ngunit, hindi pa rin makatulog si Sabrina. Naiisip niya ang pamilya niya. Gusto niya silang makita.

"It's already 2 in the morning. And I think, tulog na si mommy. What if, tumakas ako para makita ko sila? I really wanna see them! Pero, papaano?" sambit ni Sabrina sa sarili.

Kaagad na nag-isip si Sabrina ng paraan. Gusto niyang puntahan sina Leslie.

Kaagad niyang kinuha ang mga gamit niya. Kinuha niya ang kaniyang bag at telepono. Kahit hatinggabi, ginusto niyang puntahan sina Leslie. Marunong naman siyang magmaneho ng sasakyan at isa pa, may susi siya ng kanilang sasakyan.

Matahimik na lumabas si Sabrina ng kaniyang kwarto. Dahan-dahan siyang naglakad palabas.

Ngunit nang malapit na siya sa pinto ay may nasanggi siya. Isang flower vase. Bumagsak ito sa sahig at lumikha ng ingay.

"Patay na. Malas!" bulong niya sa sarili.

Biglang nagising si Martha at lumabas siya ng kaniyang kwarto upang tignan kung ano ang ingay na 'yon. Nagulat siya nang makita si Sabrina na nasa tabi ng basag na vase.

"S-Sabrina? What is that noise? Oh my gosh! I-is that my vase! What happened? Anong ginawa mo? Bakit basag 'yan?" tanong ni Martha.

"H-hindi ko po sinasadya, mommy. N-nasanggi ko lang po." tugon ni Sabrina.

"And what are you doing here in the middle of the night? At bakit may mga dala kang gamit? Where are you going? Sa pamilya mo na naman ba?" tanong ni Martha.

"M-makiki-sleepover po ako kina Gwen," tugon ni Sabrina.

"Sleepover? Huh? Hindi ka naman nagpaalam, ah? Hindi ka naman nagsabi sa akin? At tsaka, kahit na magpaalam ka, hindi ako papayag!" sambit ni Martha.

"I-I'm sorry, mommy. P-pasensiya na po." tugon ni Sabrina.

"Tapatin mo nga ako, Sabrina. Saan ka ba talaga pupunta? Where are you going? Umamin ka, pupunta ka sa pamilya mo, 'no?" tanong ni Martha.

"H-hindi po," tugon ni Sabrina.

"Sinungaling ka! Sinungaling! I know na nagsisinungaling ka! I can see your eyes talking! Hindi totoo ang mga sinasabi mo! Walangya ka, ginawa mo pa akong tanga!" sigaw ni Martha.

"M-mommy, I-I'm sorry! Yes, I admit! Sa kanila nga ako pupunta! Gusto ko silang puntahan at gusto ko silang makita!" tugon ni Sabrina.

"Hayop ka talaga, intrimitida ka! Halika rito, pumasok ka sa loob! Halika, papatayin kita!" galit na sigaw ni Martha at sinabunutan pa si Sabrina.

"Aray, mommy! Masakit! Please, let go of me!" tugon ni Sabrina.

"Hayop ka, Sabrina! You little traitor! Ang kapal ng mukha mo! Ang kapal ng mukha mong traydurin at iwan ako! Ayan, pumasok ka sa kwarto mo!" galit na sigaw ni Martha at pinapasok si Sabrina sa kaniyang kwarto.

Nakita ni Sabrina na kumuha si Martha ng isang pang flower vase at iniangat ito.

"M-mommy, a-anong gagawin mo? Anong gagawin mo?" tanong ni Sabrina.

"Since wala ka namang utang na loob, at gusto mo na rin naman akong iwan, etong sayo!" ipinukpok ni Martha ang kaniyang hawak na flower vase sa ulo ni Sabrina. Dumugo ang ulo niya ng bahagya at nawalan siya ng malay.

"Ayan, hayop ka. Gusto mo 'kong iwan, 'di ba? Sige, tignan mo ngayon kung makakatakas ka pa!" sambit ni Martha.

—————

"Ang ganda-ganda naman ng kwarto ko, ang lambot ng kama, ang lamig ng aircon, tapos ang sarap pa matulog! Well, well, well, mukhang tama nga ako ng na-applyan. Mukhang yayamanin ang may ari ng bahay na 'to. Actually, talagang yayamanin sila dahil mansyon 'tong pinasukan mo 'no, Iris! Hahaha!" sambit ni Iris sa kaniyang sarili habang pinagmamasdan ang sariling kwarto.

Tinignan niya ang buong bahay. Nagmasid siya.

"Ano kaya kung balang araw, mapasaakin ang lahat ng yaman na 'to? Ano kayang mangyayari?" tanong niya sa sarili.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now