Chapter 136: Reunited

2 0 0
                                    

Nang makita ni Karen ang kaniyang ina, kaagad niyang nilapitan ito at niyakap.

"Nay!" lumuluhang sambit ni Karen.

Kaagad rin namang lumapit si Leslie. Niyakap din niya ang ina.

"Ate, buhay si inay. Buhay siya!" sambit ni Leslie.

"Oo, Leslie. Buhay si nanay. Sana, magising na siya. Gusto kong magising siya at malaman niyang nahanap na natin si Sabrina." tugon ni Karen.

"Oo, ate. Mabubuo na ang pamilya natin. Hindi na tayo magkakahiwalay." sambit ni Leslie.

"Tama ka, Leslie." nakangiting tugon ni Karen.

—————

"Hon, masaya ako para sa inyo dahil buhay ang nanay mo." sambit ni Edward.

"Salamat, hon. Hindi ko akalaing mangyayari 'to. Buong akala namin, wala na talaga si inay. May awa pa rin talaga ang Diyos. Hindi Niya kami pinabayaan, lalong-lalo na si inay." tugon ni Karen.

"Alam mo, masaya ako dahil mabubuo na kayo. Pero sana, gumaling na rin si Mama. Sana, mawala na ang tumor sa utak niya." sambit ni Edward.

"Eh ano, hon? Sasabihin mo ba sa kaniya ang totoo? Sasabihin mo ba sa kaniya kung anong totoong kondisyon niya?" tanong ni Karen.

"Oo, hon. Kailangan kong sabihin sa kaniya ang totoo. Kahit na, magsinungaling ako, eventually, malalaman din niya ang totoo dahil kailangan niyang magpa-chemo." tugon ni Edward.

"Eh, kailan mo balak aminin ang totoo?" tanong ni Karen.

"Hindi ko alam, hon. Mag-aantay na lang ako ng tamang tiyempo. Sana, hindi siya mag-alala masyado." tugon ni Edward.

—————

Makalipas ang ilang oras, hindi pa rin nagigising si Magda. Patuloy pa ring nakabantay sina Rico, Leslie, at Karen sa kaniya. Si Edward naman ay bumalik sa ospital upang bantayan si Rita.

Naisipan ni Leslie na tawagan si Sabrina upang ipaalam na nakabalik na si Magda. Gusto niyang ipaalam na buhay ang kanilang totoong ina.

"Ate, sandali lang ha. Lalabas lang ako. Tatawagan ko lang si Sabrina. Ipapaalam ko 'yung tungkol kay inay." sambit ni Leslie.

"Sige lang."

Kaagad na lumabas si Leslie sa kwarto ni Magda. Kaagad niyang tinawagan si Sabrina at kaagad rin naman siyang sumagot.

"Oh, kambal? Napatawag ka?" tanong ni Sabrina mula sa kabilang linya.

"Sabrina? Kambal? M-may dapat kang malaman." tugon ni Leslie.

"A-ano 'yun?" tanong ni Sabrina.

"Si Nanay Magda, ang totoong nanay natin, buhay siya!" tugon ni Leslie.

"A-ano? Buhay ang totoo nating nanay? N-nasaan siya? Pwede ko ba siyang puntahan?" tanong ni Sabrina.

"Oo naman. Nandito kami sa St. Mary's Hospital. Hindi pa rin siya nagigising eh. Pero sana, magkita na kayo para mabuo na ang pamilya natin." tugon ni Leslie.

"Sana nga, Leslie. Gusto ko nang makita ang totoo kong mommy." sambit ni Sabrina.

"'Wag kang mag-alala, Sabrina. Magkikita na rin kayo. Kaso, papaano? Baka magalit ang mommy mo?" tugon ni Leslie.

"Hindi ko rin alam, Leslie. Pero 'wag kang mag-alala, gagawan ko ng paraan. Tatakas na lang siguro ako." sambit ni Sabrina.

"Anong tatakas?" nagulat si Sabrina nang biglang pumasok sa kaniyang kwarto si Martha.

"Hello, tatawagan nalang kita mamaya ha. Sandali lang ha?" sambit ni Sabrina sa telepono.

"S-sige."

—————

"Anong tatakas ang sinasabi mo, Sabrina? Bakit, may binabalak ka bang gawin na ikakagalit ko? Ha?" tanong ni Martha.

Hindi makasagot si Sabrina. Hindi niya alam ang sasabihin niya.

"Sabrina, answer me! May binabalak ka bang gawin na ikakagalit ko? At sino 'yung kausap mo? 'Yung kakambal mo?" muling tanong ni Martha.

"S-si Gwen po, mommy." nauutal na tugon ni Sabrina.

"Si Gwen? Are you sure? Bakit ka nauutal? At ano 'yung pinag-uusapan ninyong tatakas ka?" tanong ni Martha.

"Ah, h-hindi po ako, mommy. Si Gwen po. Tatakas daw po siya sa mommy niya. Inuutusan po kasi siya, e." tugon ni Sabrina.

"Siguraduhin mo lang na totoo 'yang mga sinasabi mo. Dahil kapag nalaman kong nagsisinungaling ka, I will make sure na hindi mo na makikita ang pamilya mo. I will make sure na hindi mo na makikita ang kakambal mo. Understand?" sambit ni Martha.

"Y-yes, mommy. I understand." tugon ni Sabrina.

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay lumabas ng kwarto ni Sabrina si Martha. Si Sabrina naman ay napabuntong-hininga.

"Hay, muntik na. Muntik na 'kong mahuli don."

—————

"Oh anak, ano raw sabi ni Sabrina? Pupunta raw ba siya rito?" tanong ni Rico.

"'Di ko po alam, tay. Pinutol niya po 'yung tawag, e. Mukhang nahuli po yata siya ng nanay niya." tugon ni Leslie.

"Naku, panigurado, malaking gulo na naman ito. Alam mo naman 'yun si Martha, daig pa ang dinosaur kung magalit." sambit ni Rico.

"Sabi naman po niya, hahanap daw po siya ng paraan para mapuntahan tayo." tugon ni Leslie.

—————

"Mama, kamusta na po ang pakiramdam niyo?" tanong ni Edward habang binabantayan ang kaniyang ina.

"Maayos naman ako, anak. Bakit ba kasi hindi pa tayo umuwi? Maayos na ang pakiramdam ko, ano pa bang hinihintay natin dito?" tugon ni Rita.

"M-mama, I-I'm sorry. I'm sorry kung inilihim ko sayo ang katotohanan." sambit ni Edward.

"K-katotohanan? Anong katotohanan?" tanong ni Rita.

"Mama, may... may nakita po kasi sa test result ninyo. May nakita pong bukol sa utak ninyo. In short, may brain tumor po kayo." tugon ni Edward.

"A-ano? Anak naman, hindi nakakatuwang biro 'to!" sambit ni Rita.

"Mama, hindi po ako nagbibiro. Totoo po ito. I'm sorry. I'm sorry if I didn't told you the truth." tugon ni Edward.

"Anak naman e, bakit mo naman sinasabi 'yan? Ako? May brain tumor?" naluluhang sambit ni Rita.

"Mama, sorry. Alam kong hindi ko 'to dapat isinikreto sayo. Kailangan mo 'tong malaman kasi kailangan mong magpa-chemotherapy." tugon ni Edward.

Hindi pa rin makapaniwala si Rita tungkol sa kondisyon niya. Hindi niya ito matanggap.

—————

"Oh, ate, nandyan ka na pala." sambit ni Leslie nang dumating si Karen na may dalang pagkain.

"Oo, Les. Kamusta na si inay?" tanong ni Karen.

"Eto, hindi pa rin siya gumigising, pero sana, magising na siya." tugon ni Leslie.

"Si tatay, nasaan?" tanong ni Karen.

"Ah, nagbanyo lang. Babalik din 'yun." tugon ni Leslie.

Habang binabantayan nina Karen at Leslie si Magda ay nagulat sila nang bigla itong dumilat at unti-unting nagkaroon ng malay.

"N-nasaan ako?"

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now