Chapter 156: Machine Destroyed

2 0 0
                                    

"Nay, bakit niyo ginawa 'yun? Bakit niyo siya pinukpok ng vase sa ulo?" tanong ni Karen.

"Ginawa ko 'yun para tumigil na siya at para maisagawa natin ang mga plano. Malamang, kung may malay siya ngayon, hindi siya papayag na ibalik natin siya sa katawan niya." tugon ni Magda.

"Karen, tama si tita. Kailangan ko rin kasi ang telepono niya. Kailangan kong makausap ang totoong Iris. At malamang, nasa telepono rin niya ang lahat ng ebidensiyang magpapatunay sa mga kalokohan niya." sambit ni April.

"Tama ka, April. Kailangan matapos na 'to lahat once and for all." tugon ni Karen.

"Karen, kailangan nating tawagan ang totoong Iris. Kailangan niyang pumunta rito. Kailangan nating silang pabalikin sa mga totoong katawan nila." sambit ni April.

"At ang switching machine na nasa nasunog na mansyon ang gagamitin natin para maibalik sila." tugon ni Karen.

"At pagkatapos noon, anong mangyayari kay Roxanne?" tanong ni April.

"Kailangan niyang pagbayaran ang lahat ng kasalanan niya. Kailangan niyang magdusa. Kailangan niyang makulong habang-buhay. At ang gusto ko, nandoon ako at makikita kong nakukulong si Roxanne. Gusto ko siya makitang naghihirap at nagdurusa." tugon ni Karen.

"Anak, hindi ba masyadong delikado 'yan? Papaano kung saktan niya kayo? Papaano kung saktan niya tayong lahat?" tanong ni Rico.

"Tay, kilala ko po si Roxanne. Alam ko po ang totoong ugali niya. Alam ko rin po kung paano siya umaatake. Lalabanan ko po siya ng buong pwersa ko. At hindi ko hahayaang may masaktan pa sa atin." tugon ni Karen.

"Karen, tawagan na natin ang totoong Iris! Baka, magising pa si Roxanne! Hindi pwedeng masira ang plano natin!" sambit ni April.

Hindi na nag-aksaya pa si Karen ng oras. Kaagad niyang kinuha ang telepono ni Roxanne. Hinanap niya ang pangalan ni Iris sa contacts. Kaagad nilang tinawagan ito.

"Please, sumagot ka!" bulong ni Karen.

Hindi rin nagtagal ay biglang may sumagot mula sa kabilang linya.

"Hello, Roxanne? Ano, napatawag ka? Ibabalik mo na ba ang katawan ko? Inip na inip na 'ko sa kakahintay! I need my body back!" sambit ni Iris na nasa katawan ngayon ni Roxanne na mula sa kabilang linya.

"H-hello? Iris? Ako si Karen. Ako ang amo ni Iris. At alam naming hindi siya ang totoong Iris, kundi ikaw. Kung sino ka man, alam kong kilala mo si Roxanne. Tuso siya at mapanganib. Tumawag ako ngayon para sabihin sayo na ibabalik na namin kayo sa mga totoo ninyong katawan." tugon ni Karen.

"A-ano po? Totoo po ba 'yun? Ibabalik niyo na kami sa mga katawan namin?" tanong ni Roxanne.

"Oo, Iris. Tama ang narinig mo. Doon sa bahay namin, may isa kaming makinang magpapabalik sa katawan ninyong dalawa." tugon ni Karen.

"Kung hindi po ako nagkakamali, 'yun po ay nasa garahe ng mansyon ninyo. At ang balita ko po, nasunog na raw po ang mansyon na 'yun." sambit ni Roxanne.

"Tama ka, Iris. At tama rin ang hinala ko. Ang switching machine namin ang ginamit ni Roxanne. May access siya sa mansyon. Pero, paano?" tugon ni Karen.

"Hindi ko rin po alam. Pero, kailangan ko na pong makabalik sa katawan ko." sambit ni Roxanne.

"Sige, Iris. I-tetext ko sayo ang address na kung saan ka pupunta. At pagkatapos, sabay-sabay tayong pupunta sa lugar kung saan naroon ang switching machine. Kailangan nating mapigilan si Roxanne sa mga pinaplano niya." tugon ni Karen.

"Sige po, ma'am. Paki-send na lang po ang address. Pupunta na po ako kaagad ngayon din." sambit ni Roxanne.

"Sige, Iris. Mag-iingat ka." tugon ni Karen at ibinaba ang tawag.

The SwitchWhere stories live. Discover now