Chapter 44: Galit ni Roxanne

8 3 0
                                    

"Yes, Nay. Naglagay siya ng hidden camera sa kwarto namin. Sayang. Sayang, dahil hindi ko napatay ang nanay ni Edward." umiiyak na sambit ni Karen.

"Don't worry, anak. Don't worry. Gaganti tayo sa kanila. We won't let them win." tugon ni Vicky.

Bumaba si Fred ng hagdan at nakitang magkayap ang mag-ina.

"Roxanne? What happened? Bakit ka umiiyak?" tanong ni Fred.

"K-kuya, buking na ako. Alam na ni Edward ang sikreto ko. They already know na ako talaga si Roxanne at hindi talaga ako si Karen." tugon ni Karen.

"W-what? How?" ani Fred.

"Edward installed a hidden camera inside our room. I can't believe na mabubuking nila ako." tugon ni Karen.

"What? H-hindi pwede. Hindi pwede 'to." sambit ni Fred.

"Kuya, humihingi ako sayo ng favor. Please, ipaghiganti mo 'ko. Please do something." ani Karen.

"Sure. Don't worry, tuturuan natin sila ng leksiyon. Hindi natin hahayaang gawin nila 'to sayo." sambit ni Fred.

"S-salamat, kuya." tugon ni Karen.

—————

"Uy, bes, maraming salamat sa pagbisita ha." sambit ni Roxanne.

"Oo naman, bes. Walang anuman." tugon ni Ariana.

Paalis na sana si Ariana nang biglang may tumawag sa telepono ni Karen.

"Si Edward, tumatawag." sambit ni Roxanne.

"Ha? Bakit daw?" tanong ni Ariana.

Kaagad sinagot ni Karen ang tawag.

"H-hon, bakit ka napatawag?" tanong ni Roxanne.

"A-alam ko na ang totoo. Alam ko na ang totoo na ikaw si Karen. Naniniwala ako na ikaw ang totoong asawa ko." tugon ni Edward.

"Paano mo nalaman?" tanong ni Roxanne.

"Hon, I installed a hidden camera inside our room. At nakuhanan ng camera na nakikipag-usap si Roxanne sa nanay niya. Gusto niya kayong ipapatay ni Mama dahil hadlang daw kayo sa mga plano niya." tugon ni Edward.

"Ano? Sinabi niya 'yon?" tanong ni Roxanne.

"Yes, hon. Sinabi niya 'yun lahat. But don't worry, hindi na niya tayo gagambalain. Pinalayas ko na siya rito sa bahay. And now, kailangan mo nang bumalik dito. Susunduin kita." tugon ni Edward.

"Hay, salamat! Sige hon, mag-aayos na ako. Anong oras ka dadating?" tanong ni Roxanne.

"Mga one hour from now. Susunduin na kita para bumalik ka na rito sa bahay." tugon ni Edward.

"Salamat, hon. Hihintayin kita." tugon ni Roxanne.

—————

"Oh, kuya, saan ka pupunta?" tanong ni Karen.

"Hindi ba, tuturuan ko ng leksiyon ang mga taong nanakit sayo? Well, ito na 'yun." tugon ni Fred.

"Huy kuya, 'wag na 'wag mong sasaktan si Edward. At 'wag na 'wag mong hayaan na magkasama sila ulit ni Karen." sambit ni Karen.

"Just leave it to me. Ako ang bahala." tugon ni Fred at umalis.

Kaagad nagtungo si Fred sa bahay nina Edward. Nakita niyang papalabas si Edward ng bahay.

"Mama, aalis na po muna ako. Susunduin ko na si Karen." rinig ni Fred ang sinabi ni Edward.

"Sige, anak. Ingat ka." tugon ni Rita.

Nagtago si Fred sa likod ng malalaking halaman. Nakita niya si Edward na sumakay ng sasakyan. Pupuntahan niya si Karen.

"Anong karapatan mong saktan ang kapatid ko? Hayop ka. Hindi ko na hahayaan na magsama pa kayo ni Karen." bulong ni Fred sa sarili niya.

Nang makita niyang sumakay si Edward sa kaniyang sasakyan, kaagad umalis si Fred sa kaniyang pinagtataguan. Sinundan niya ang sasakyan ni Edward.

Makalipas ang ilang sandali, napansin ni Edward na parang may sumusunod na sasakyan sa likuran niya. Kaagad siyang kinutuban ng masama.

Maya-maya lamang ay inilabas ni Fred ang kaniyang baril at binaril ang gulong ng sasakyan ni Edward sa likod!

Nagpagewang-gewang ang sasakyan ni Edward hanggang sa mahulog ito sa bangin!

"Ahhhhh! Tulong! Tulungan ninyo ako!" sigaw ng sigaw si Edward ngunit walang nakakarinig sa kaniya.

Hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang sasakyan sa bangin. Duguan siya at wala nang malay.

"Goodbye, Edward. Ayan ang napapala ng mga taong kumakalaban sa pamilya namin. Malalaking tao ang binabangga mo. No one does that to a Villanueva like us." sambit ni Fred sa kaniyang sarili at nagpakalayo-layo sa pinangyarihan ng krimen.

—————

"Oh, Mystie, napadalaw ka nanaman?" tanong ni Karen.

"Of course, friend. Wala lang, bored lang kasi ako sa house kaya, naisipan kong dalawin ka." tugon ni Mystie.

"Well, so anong atin?" tanong ni Karen.

"Wala lang, I just want to know kung ano na bang balita kay Karen." tugon ni Mystie.

"So, ayun na nga. Buking na ako. They already know na hindi talaga ako si Karen." sambit ni Karen.

"What? P-papaano nila nalaman ang totoo?" tanong ni Mystie.

"It's because, ginamit ni Edward ang kokote niya. Hindi tulad mo, iniiwan ang utak kung saan-saan. Kaya ayan, hindi mo nadadala kapag umaalis ka." tugon ni Karen.

"Sobra ka naman, friend. Buti na lang, 'di ako sensitive ano. So, paano ka nga nila nabuking?" tanong ni Mystie.

"Edward installed a hidden camera inside our room." tugon ni Karen.

"Ano? Oh my gosh, friend, ang talino niya!" ani Mystie.

"O ano, hindi mo naisip na gagawin niya 'yon, ano?" tanong ni Karen.

"Oo, friend. Hindi ko alam na kaya niyang gawin 'yon. I can't believe na maiisip niya 'yon." tugon ni Mystie.

"Alam mo kung bakit hindi mo 'yon naisip? Kasi, boba ka. Mahina ang ulo mo." sambit ni Karen.

"Okay. Mahina na kung mahina, friend. Eh pero, bakit hindi mo rin naisip 'yun?" tanong ni Mystie.

"Pwede ba, Mystie, tumigil ka na? Basta, hindi ko hahayaang maging masaya sina Karen at Edward. Hindi ako papayag. Kung hindi na rin lang ako magiging masaya, hindi rin ako papayag na maging masaya ang pamilya nila." tugon ni Karen.

—————

"Nasaan na kaya si Edward? Ang tagal niya naman. Ready na ako, eh." sambit ni Roxanne.

"Hay naku, anak. Baka naman, may binili lang." tugon ni Magda.

"Tingin niyo po ba, Nay? Para po kasi may ibang nangyari eh." sambit ni Roxanne.

"Hay nako, anak. Excited ka lang na makita mo ulit ang asawa mo. Tsaka, huwag ka nang mag-alala, susunduin ka na niya. Makakabalik ka na ulit sa mansyon." tugon ni Magda.

"Oo nga po, Nay. Sana nga po, hindi na kami guluhin pa ulit ni Roxanne. Gusto ko na pong maging payapa ang buhay natin." sambit ni Roxanne.

"Hay nako, anak. Sana nga. Sana nga maging maayos na kayo." tugon ni Magda.

"Nay, kuha lang po ako ng tubig ah. Mukhang matatagalan po yata si Edward." sambit ni Roxanne.

"Sige lang, anak." tugon ni Magda.

Tumayo si Karen sa kaniyang kinauupuan. Nagulat siya nang bigla niyang nasanggi ang picture frame ni Edward na nasa tabi ng sofa!

"Masamang pangitain ito, ah!" sambit ni Roxanne.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now