Chapter 53: Imbestigasyon

7 3 0
                                    

"Hello, PO1 Garcia? Kamusta na po? May balita na po ba sa anak ko?" tanong ni Rita sa kakilala niyang pulis.

"Ma'am Rita, sakto po ang tawag ninyo. Mayroon na po kaming balita." tugon nito.

"Talaga? Ano nang nangyari sa anak ko? Ano na ang balita?" tanong ni Rita.

"Ma'am, Rita, nakita na po namin ang sasakyan ng anak ninyo. Kulay pula po. Nakita namin na nahulog ang kaniyang sasakyan sa ilalim ng bangin. At, sirang-sira na po ang kaniyang sasakyan." tugon ni PO1 Garcia.

Napaiyak si Rita sa mga narinig niya. Hindi siya makapaniwala.

"PO1 Garcia, n-nasaan na po ang anak ko? Buhay pa po ba siya? Please, sabihin niyo po sa akin na buhay pa po ang anak ko." umiiyak na sambit ni Rita.

"Ma'am Rita, I'm sorry po. W-wala po rito ang katawan ng anak ninyo. 'Yung sasakyan niya lang po ang nakita namin." tugon ni PO1 Garcia.

"A-ano? T-teka, nasaan ang anak ko? Nasaan siya ngayon?" tanong ni Rita.

"Ma'am, hindi po namin alam. Huwag po kayong mag-alala, iimbestigahan pa po namin. Hahanapin po namin ang anak ninyo." tugon ni PO1 Garcia.

"Please, gawin ninyo ang lahat para mahanap ang anak ko. Please, hanapin ninyo siya." sambit ni Rita at ibinaba ang telepono.

Napabuntong-hininga si Rita. Hindi niya alam kung ano na ang gagawin niya. Hindi niya alam. Naluluha siya dahil hindi pa rin nakikita ang anak niya. Natatakot siya dahil baka hindi na niya makita ang anak niya.

"Tita, ano na pong balita kay Edward?" tanong ni Robert.

"Bert, nakita na nila... Nakita na nila ang sasakyan ng anak ko. Pero hindi pa nila nakikita ang katawan niya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam." umiiyak na tugon ni Rita.

"Tita, don't worry. Mahahanap nila ang anak ninyo. Pero sa ngayon po, magtiwala muna po kayo sa Diyos. Hindi Niya kayo pababayaan." sambit ni Robert.

"Salamat, Bert. Salamat." tugon ni Rita.

—————

Nakaupo si Vicky sa isang sofa sa cafeteria. Hinihintay niya si Mystie. Mag-uusap sila tungkol sa nangyari kinagabihan. Kasama niya rin si Roxanne upang mag-sorry at humingi ng tawad.

"Anak, kapag dumating dito si Mystie, can you just please be calm? Pigilan mo 'yang sarili mo, okay?" tanong ni Vicky.

"Oh, yes, nay. Alam ko na ang gagawin ko. Hindi mo na 'ko kailangan i-remind." tugon ni Karen.

"Siguraduhin mo, ha. Be nice to Mystie." sambit ni Vicky.

"Noted."

Maya-maya lamang ay dumating si Mystie sa kanilang tipanan. Kaagad tumayo si Vicky at nilapitan si Mystie.

"Ah, Mystie, maupo ka muna. Huwag kang mag-alala, hindi ka na aawayin ni Roxanne." sambit ni Vicky.

"S-sige po, tita." tugon ni Mystie at lumapit kay Roxanne.

"Roxanne, p-pasensiya ka na. Pasensiya ka na dahil ako ang may kagagawan." sambit ni Mystie.

"Mystie, don't worry. I forgive you. Apology accepted." tugon ni Karen.

"Talaga? Naku, thank you, friend! Ang bait-bait mo talaga." sambit ni Mystie.

"Well, pinatawad kita for a reason. May ipagagawa ako sayo." tugon ni Karen.

"Ipagagawa? Anong ipagagawa mo sa akin?" tanong ni Mystie.

"Well, since, galit sa akin ang nanay ni Edward, ikaw na ang gumawa ng paraan para malaman mo kung ano na bang balita sa kaniya." tugon ni Karen.

"What? A-anong ibig sabihin mo?" tanong ni Mystie.

"Well, ikaw muna ang magiging mata at tenga ko. Ikaw muna ang makikibalita doon sa matandang Rita na 'yon." tugon ni Karen.

"Ano? Bakit ako? Bakit ako pa ang gagawin mong espiya? Bakit hindi na lang si Tonio?" tanong ni Mystie.

"Pwede ba, Mystie, huwag ka na ngang maraming reklamo! Huwag ka nang maraming tanong! Basta, gawin mo na lang ang iniuutos ko. Babayaran kita, kahit magkano." tugon ni Karen.

"Babayaran? Magkano ba?" tanong ni Mystie.

"One hundred thousand, okay na ba 'yun?" tanong ni Karen.

"Alam mo, madali naman akong kausap eh. Kailangan mo talaga ng espiya." nakangiting tugon ni Mystie.

"Good. Sige. I will inform you kung kelan ka magsisimula." ani Karen.

—————

"Hi Leslie." sambit ni Joana.

"Joana? Ikaw na naman? Ano na naman bang problema mo?" tanong ni Leslie.

"Well, gusto lang sana kitang kamustahin, my friend." tugon ni Joana.

"My friend? At bakit mo naman tinatawag na friend itong si Leslie? Ano, may binabalak na na naman bang masama?" tanong ni Mindy.

"Well, kung 'yan ang iniisip mo, Mindy, nagkakamali ka. Wala akong masamang binabalak kay Leslie." tugon ni Joana.

"So, bakit ka nakikipagkaibigan kay Leslie? Bakit, close ba kayo?" tanong ni Mindy.

"Mindy, tama na. Huwag na kayong magtalo." pag-aawat ni Leslie kay Mindy.

"Buti pa 'yung kaibigan mo, Mindy, nag-iisip. You know what, Mindy, itigil mo na 'yang pagiging warfreak mo." tugon ni Leslie at nagwalkout.

"Mindy, huwag ka kasi masyadong mainitin ang ulo. Malay mo, gusto niya talaga akong kaibiganin." sambit ni Leslie.

"Bes, kaibiganin? Ang weird! Noong isang araw lang, galit na galit siya sa 'yo, tapos, ano? Kakaibiganin ka niya ng ganun-ganun na lang?" tanong ni Mindy.

"Bes, hayaan mo na. Siguro, gusto nang magbago nung tao. I think, I will give her a chance. Lahat naman ng tao, pwedeng mabigyan ng ikalawang pagkakataon, 'di ba?" tugon ni Leslie.

"Sige, bes. Ikaw bahala. Pero, huwag mo 'kong sisisihin kapag inaway ka niya ulit, ha?" sambit ni Mindy.

"Okay, fine. Sige." tugon ni Leslie.

—————

"Friend, nandito na ako sa labas ng bahay ni Rita. Anong gagawin ko?" tanong ni Mystie habang kausap sa telepono si Roxanne.

"Mystie, use your brain. Kaya ka nga nagkaroon ng ganyan para gamitin, hindi para i-display." tugon ni Karen.

"Roxanne, please, help me! Hindi ko naman kasi talaga kaya 'tong pinagagawa mo sa akin, eh!" sambit ni Mystie.

"So, ano? Ayaw mo na sa one hundred thousand na pinag-usapan natin, ha?" tanong ni Karen.

"Friend, wala akong sinabing ganon. Basta, tulungan mo nalang ako mag-isip ng sasabihin ko, please?" tugon ni Mystie.

"Okay, fine. Sige. Sabihin mo nalang sa matandang Rita na 'yon na ka-officemate ka ni Edward at may pinapipirmahan sa kaniya ang boss ninyo. And then, I'm sure na sasabihin niya ang tungkol kay Edward. Makinig kang mabuti sa sasabihin niya at huwag kang tatanga-tanga, okay?" sambit ni Karen.

"Okay, fine. Sige na. Gagawin ko na 'tong misyon ko. Basta ha, 'yung one hundred thousand, 'wag mong kakalimutan, okay?" tugon ni Mystie.

"Fine." ani Karen at ibinaba ang telepono.

Lumingon si Mystie sa bahay nila Edward. Malaki ito. Matapos ang ilang segundong pagtitig niya sa bahay, naglakad siya patungo sa gate nito at pinindot ang doorbell.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now