Chapter 120: Karen in Pain

2 0 0
                                    

"Anong balak mong gawin sa kanila, nay?" tanong ni Roxanne.

"Anak, don't worry. Kasama na natin ang kuya mo. Tutulungan niya tayo sa lahat ng mga plano natin. Uunti-untiin natin ang pamilya ni Karen hanggang sa sila na mismo ang humingi ng kamatayan nila." tugon ni Vicky.

"Gusto ko 'yan, nay. I love it. Sige na, umuwi na tayo." sambit ni Roxanne.

"Tara na."

—————

"Nakakalungkot lang po kasing isipin na, wala na po akong pinsan. Kahit tita, wala na rin. Parang ang bilis-bilis po ng mga pangyayari, Mama. Parang kailan lang, nagsasaya pa tayo sa party ni Leslie." naluluhang sambit ni Karen.

"Alam mo, Karen, ganun talaga ang buhay. May mga taong makakasama mo ng matagal, meron ding mga taong makakasama mo lang ng panandalian. Katulad ni Bella. Pero ang mahalaga, dumating sila sa buhay mo, nakilala, at nakasama mo sila. Dapat maging masaya nalang tayo dahil naging parte sila ng buhay natin." tugon ni Rita.

Napaluha si Karen sa mga sinabi ni Rita. Tumagos sa puso niya ang pagpapayo nito.

"Naiyak naman po ako sa sinabi ninyo, Mama. Pero ang sakit lang po kasing isipin, napakaikli ng buhay niya. Napakabilis niyang nawala. Ngayon pa lang po kami magsisimula sa pagbawi laban sa mga Villanueva, saka naman po siya nawala. Parang 'di ko po kayang tanggapin na wala na siya." sambit ni Karen.

"Oo nga, Karen. Pero mukhang mas magiging masaya si Bella kung matatanggap mong wala na siya. Mas magiging maluwag sa kalooban mo kung matatanggap mo ang katotohanan. Pero Karen, katawan lang niya ang nawala. Pero alam ko, mananatili siyang buhay sa mga puso at isipan natin. Oo, hindi ko rin gaanong kilala ang pinsan mo, pero alam ko na mabuti siyang tao dahil maraming nagmamahal sa kaniya." tugon ni Rita.

"Salamat po, Mama. Thank you for comforting me. Sana nga po, matanggap ko na 'yung nangyari kay Bella." sambit ni Karen.

"Sana nga, iha." tugon ni Rita at niyakap si Karen.

—————

Makalipas ang ilang araw, libing na ni Bella. Halos dumalo ang lahat ng kamag-anak, kaibigan, kakilala, pati na rin sina Joana at Olivia.

Napuno ng luha ang libing niya. Malungkot ang lahat sa pagkawala niya, lalong-lalo na si Karen.

"Insan, sorry kung marami akong kasalanan sayo. Pasensiya ka na kung may mga naging pagkukulang ako sayo. Insan, pinapangako ko, lalaban ako. Kukunin ko ang hustisya sa pagkamatay mo. Hindi ako papayag, insan. Hindi ako papayag na hindi makabawi sa kanila." lumuluhang sambit ni Karen.

"Insan, salamat sa lahat. Maraming salamat dahil naging mabuti kang pinsan. Salamat sa lahat ng magagandang alaala na iniwan mo sa amin. Hinding-hindi ka namin makakalimutan. Salamat, insan." naluluhang sambit ni Leslie.

Isa-isang nagpaalam kay Bella ang kaniyang mga mahal sa buhay. Napuno ng iyakan ang lugar na iyon.

—————

"Nay, saan ba tayo pupunta? Bakit ba bihis na bihis tayo?" tanong ni Roxanne.

"Hindi ba, sabi ko sayong babawi tayo sa pamilya nila Karen? Eto na 'yun! Well, it's time para sila naman ang magdusa. Dahil sa ginawa nila sa atin sa burol, magbabayad silang lahat." tugon ni Vicky.

"T-talaga, nay? Well, mukhang magiging masaya 'to. I like it. Sa ngayon, baligtad na ulit ang mundo. Si Karen naman at ang pamilya niya ang mapupunta sa ibaba, at tayo naman ang mapupunta sa itaas. Well, buhay nga naman." sambit ni Roxanne.

"Tama ka d'yan, 'nak. Sige na, bilisan mong mag-ayos d'yan. Aalis na tayo kasama ng kuya mo." tugon ni Vicky.

—————

Makalipas ang halos isang oras, natapos na rin ang paglilibing kay Bella. Nag-uwian na rin ang mga ibang tao. Natira na lamang doon ang pamilya nina Karen at tsaka sina Joana at Olivia.

"Joana, tita Olivia, salamat po sa pagpunta niyo. Na-appreciate po namin lahat." sambit ni Leslie.

"Ano ka ba, wala 'yun. Ikaw pa ba? Alam mo, Leslie, dapat lang na makiramay kami sa inyo. Napakarami naming kasalanan." tugon ni Olivia.

"Nako tita, kalimutan na po natin 'yun. Kalimutan na po natin ang lahat ng mga 'di magandang nangyari sa atin." sambit ni Leslie.

"Tama ka, Leslie." tugon ni Olivia.

"Leslie, I just want to say thank you for all your goodness. Salamat dahil kahit na, napakarami kong kasalanan sayo, nagawa mo pa rin akong patawarin. Gusto ko sanang mag-sorry ulit sa lahat-lahat ng nagawa ko sayo. 'Yung sa beauty pageant, pasensiya ka na dahil nainggit lang talaga ako sayo. At 'yung sa mall, wala ka naman talagang kasalanan dahil ako naman talaga ang may kagagawa no'n. Ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit ako naaksidente. Ipinagtanggol mo lang naman ang sarili mo. Pasensiya ka na ha kung nagkaroon ako ng sama ng loob sayo. Pasensiya na kung nagkaroon ako ng galit sayo. I hope na maging friends ulit tayo. And sana, no more quarrel na. Ceasefire na tayo. I realized na dapat hindi pinagtatagal ang galit. And dapat, hindi mang-bully ng ibang tao." sambit ni Joana.

"Tama ka, Joana. Dapat kalimutan na natin ang galit natin sa isa't-isa. Dapat, patawarin natin ang mga taong nagkasala sa atin. Wala namang sugat na 'di naghihilom, 'di ba? Kaya Joana, pinapatawad na kita. Ang mahalaga, tinatanggap natin 'yung mga kasalanang nagawa natin at inaamin nating nagkamali tayo. Tsaka, sana walang kalimutan ah?" tugon ni Leslie.

"Oo naman, Leslie. Walang kalimutan. Pasensiya ka na kung kailangan na naming umalis. Alam mo naman, mga tuso ang mga Villanueva. Marami silang kayang gawin. Kailangan na naming umalis dito dahil baka guluhin pa nila kami. Basta ha, mag-iingat kayong lahat dito. 'Wag ninyong hayaang manaig ang kasamaan ng mga Villanueva." sambit ni Joana.

"Oo, Joana. Salamat sa pagpapaalala mo. At sana, makapagsimula kayo ulit. Sana, makapagbagong-buhay kayo kasama ng mommy mo." tugon ni Leslie.

"Oo, Leslie. Pangako. Salamat sa lahat, kaibigan." sambit ni Joana at niyakap si Leslie.

'Di na napigilan ni Leslie ang maluha. Kahit na, hindi naging maganda ang simula nila ni Joana, naging maayos naman sila.

"Hahahahaha. Ang drama naman natin. Basta Joana, mag-iingat kayo sa abroad, ha?" tugon ni Leslie.

"Oo naman, Les. Mag-iingat kami ni mommy. Maraming salamat." sambit ni Joana.

"O papano, kailangan na naming umalis. Baka maiwan pa kami ng eroplano. Sayang 'yung ticket. Ingat kayong lahat dito, ha?" ani Olivia.

"Opo, tita. Maraming salamat po." sambit ni Leslie.

"Hanggang sa muli, Leslie. Salamat!" tugon ni Joana.

Kumaway si Leslie kay Joana biglang pagtugon. Masayang umalis ang mag-inang Joana at Olivia.

"Alam mo ate, kahit na, hindi naging maayos ang simula namin, nagkaayos kami. Naging masaya kami." sambit ni Leslie.

"Mabuti 'yan, Leslie." tugon ni Karen.

Hindi nila napansin na may sasakyan sa gilid ng sementeryo. Naroon nakasakay sina Roxanne, Vicky, at Fred.

"Nay, anong ginagawa natin dito?" tanong ni Roxanne.

"Well, alam mo na. Maghihiganti. Babawi." tugon ni Vicky.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now