Chapter 80: Matinding Bintang

3 2 0
                                    

Mystie's POV

Nagising ako, masakit na masakit ang ulo ko. Napagtanto ko rin na nasa isa akong kwarto. Nasaan ako?

Maya-maya lamang ay biglang bumukas ang pinto. Biglang pumasok sina Fred at Roxanne.

"Oh hello, my dear bestfriend, Mystie! Kamusta ka na?" sambit niya.

"Hayop ka, pakawalan ninyo ako rito!" sigaw ko.

"No, Mystie. 'Yan ang dapat na ginagawa sa mga katulad mong balimbing, kinukulong hanggang sa magtanda." tugon niya.

"Roxanne, hindi mo ba naiisip na mali na 'tong ginagawa niyo? Kawawa si Karen!" sambit ko.

"Wala akong pakialam kahit na mamatay pa 'yang hayop na Karen na 'yan. Ang mahalaga, ang mapasaakin si Edward." tugon niya.

Narrator's POV

Natatakot na si Mystie sa kung anong pwedeng gawin ng mga Villanueva sa kaniya. Natatakot na siya.

—————

"Oh, so magkasama na naman kayong dalawa? And Leslie, I heard na kriminal pala ang ate mo." sambit ni Joana.

"Hindi totoo 'yan, Joana. Hindi kriminal si ate. Napagbintangan lang siya." tugon ni Leslie.

"Bakit, sigurado ka? Sigurado ka na hindi kriminal ang ate mo?" tanong ni Joana.

"Leslie, huwag mong huhusgahan si ate. Hindi mo alam kung ano ang totoong nangyari. Kahit ako, hindi ko rin alam ang buong katotohanan. Pero ang alam ko, hindi kayang pumatay ng tao ang ate ko. Mabuti siyang tao." tugon ni Leslie.

"At naniniwala ka naman sa sarili mo. Alam mo, mga lahi kayong kriminal. Mga lahing mamamatay-tao!" sambit ni Joana.

"Hindi totoo 'yan, Joana! Hindi kami mamamatay-tao! Pwede ba, huwag ka ngang manghusga dahil wala kang alam!" tugon ni Leslie.

"Kayong lahat, mag-iingat kayo sa babaeng 'to, dahil meron siyang ate na kriminal! Dahil ang ate niya, pinatay ang tita nila! Kaya mayroon silang lahing kriminal! Lahing mamamatay-tao! Kaya mag-iingat kayo sa kaniya, kapatid ng kriminal!" sumigaw si Joana upang marinig ng lahat ng tao ang nais niyang ipahiwatig.

"Joana, stop it! Tigilan mo na ang paninira mo kay Leslie at sa pamilya niya!" sambit ni Nikko.

"Bakit, Nikko? Bakit mo siya ipinagtatanggol? Ha? 'Yang babaeng 'yan, isa siyang kriminal! May lahing kriminal! Alam mo, akala mo lang na mabait 'yan, pero sa totoo, nasa loob ang kulo niyan! Lahing kriminal! Kapatid ng kriminal!" tugon ni Joana.

"Oo nga, mag-iingat tayo sa kaniya!"

"Eh kriminal pala ang kapatid niya!"

"Huwag na tayong lumapit sa kaniya! Baka patayin din niya tayo!"

"Lumayo kayo sa kaniya!"

"Hayop ka talaga, Joana! Napakasama mo! Ang kapal-kapal ng mukha mong siraan ako sa kanila! Napakasama mo!" sigaw ni Leslie.

"Bakit ka sumisigaw? Kasi galit ka? Alam ko na kung bakit ka galit. Because you're guilty! Dahil totoo ngang may lahi ka ring kriminal!" tugon ni Joana.

"Sige, kung 'yan na rin naman ang tingin mo sa akin, patutunayan ko sayong may lahi akong kriminal!" sambit ni Leslie at bigla niyang itinulak si Joana sa harapan ng maraming tao. Napaupo siya sa sahig.

"Hayop ka, Leslie!" tumayo si Joana at sinabunutan niya si Leslie.

"Leslie, Joana, please stop! Stop it!" kaagad inawat ni Nikko ang dalawa sa pag-aaway.

"Bakit mo siya dinedepensahan? Ha? Bakit, may gusto ka na ba sa babaeng may lahing kriminal na 'yan?" tanong ni Joana.

"Oo! Gusto ko siya! Gusto ko si Leslie! At hindi ako naniniwala na may lahi siyang kriminal! Hindi siya kriminal! Napagbintangan lang sila!" tugon ni Nikko.

Ikinagulat ni Leslie ang sinabi ni Nikko. Gusto siya ni Nikko?

"What the hell, Nikko? Talaga bang nasisiraan ka na rin ng ulo? Talaga bang nahahawa ka na sa babaeng 'yan?" tanong ni Joana.

"Hindi ako nahahawa sa kaniya, Joana. Naaawa ako sa kaniya. Naaawa ako sa kaniya dahil wala kang ginawa kundi ang asarin siya, ang awayin siya, ang guluhin ang buhay niya! Hindi ka ba napapagod? Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo sa kaniya?" tugon ni Nikko.

"No. I will never get tired of insulting her! Naghihiganti lang ako. Remember nung nahulog ako sa second floor ng mall? Siya ang may kagagawa no'n! She is the reason kung bakit ako naaksidente at naospital! Kaya itong ginagawa ko ngayon, wala pa 'to. Interes pa lang 'to ng paniningil ko sa kaniya!" sambit ni Joana.

"I will make sure na hindi mo siya masasaktan. I will protect her! Poprotektahan ko siya sa lahat ng mananakit sa kaniya!" tugon ni Nikko.

"Then fine! Edi ikaw na ang knight in shining armor niya! Pero eto ang tatandaan ninyo, hindi pa ako tapos sa inyo! Dahil gagantihan ko kayo, kayo ng pamilya ninyo!" galit na sigaw ni Joana at nagwalkout.

"Les, are you okay? Hindi ka ba nasaktan?" tanong ni Nikko.

"Nikko, magsabi ka nga ng totoo, totoo ba 'yung sinabi mo kay Joana? Totoo bang may gusto ka sa akin?" tanong ni Leslie.

"Yes, Leslie. Oo, may gusto ako sayo! Gusto kita dahil mabuti kang tao! Hindi katulad ni Joana. Dahil ibang-iba ka sa kaniya. May mabuti kang puso, Leslie. Hindi katulad ng mga naging ex ko. Lahat sila, iniwan ako. Hiniwalayan ko silang lahat nang dahil sa ugali nila. But Leslie, I realized, you're different. Mabuti kang tao. And you don't deserve na masaktan." tugon ni Nikko.

—————

"What? May gusto sayo si Nikko?" tanong ni Mindy.

"Oo, Mindy. Inamin niya sa akin kanina. Hindi nga ako makapaniwala eh. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko." tugon ni Leslie.

"Eh ang tanong, gusto mo rin ba?" tanong ni Mindy.

Tumango si Leslie.

"Oo. Oo, Mindy. May nararamdaman din ako sa kaniya. Mabuting tao si Nikko. Mabuti siya. Hindi katulad ng ibang lalaki, mga manloloko sila." tugon ni Leslie.

—————

"Roxanne Villanueva, may bisita ka."

Kaagad tumayo si Karen nang marinig niya ang sinabi ng pulis.

"Sino po?"

"Ako." biglang nagpakita si Bella.

"Kuya, ilabas niyo siya d'yan sa selda." dagdag pa niya.

"Sige po."

Binuksan ng pulis ang selda. Lumabas si Karen.

"Bella, napadalaw ka?" tanong ni Roxanne.

"'Wag mo akong ma-Bella Bella. Bumisita lang naman ako dahil gusto kong tignan kung naghihirap ka na dito. Naghihirap ka na nga ba?" tugon ni Bella.

"Bella, please, ayoko ng gulo." sambit ni Roxanne.

"Pwes, ako gusto ko. Alam mo, nang dahil sayo, nawala ako ng magulang. Nawalan ako ng ina. Alam mo kung tutuusin, hindi ka nga lang dapat nakakulong dito, e. Dapat, nasa impyerno ka na ngayon. Nasusunog, nahihirapan." tugon ni Bella.

"Bella, alam mong hindi ako kriminal. Alam mong 'di ko kayang pumatay ng tao. Alam mo 'yan sa sarili mo. Alam mo na hindi kakayanin 'yan ng konsensiya ko." sambit ni Roxanne.

"Wala akong pakialam sa kahit na ano pang sabihin mo. Nagpa-schedule na ako ng hearing. Magkita nalang tayo sa korte." tugon ni Bella at umalis.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now