Chapter 114: Pasabog

4 0 0
                                    

Hindi na nag-aksaya si Fred ng oras. Kaagad niyang iniwan ang duguang si Bella. Dali-dali siyang tumakbo papalabas ng hotel. Sinigurado niyang walang nakakita sa kaniya.

Nang makalabas siya sa hotel, kaagad niyang pinuntahan si Joel na naghihintay sa sasakyan. Napansin niya na wala si Vicky doon.

"Joel, nasaan si Mama?" tanong ni Fred.

"Pumasok sa loob, hinahanap ka." tugon ni Joel.

"A-ano? Teka, tatawagan ko lang." ani Fred at kinuha ang kaniyang telepono.

Kaagad natanggap ni Vicky ang tawag ni Fred. Kaagad niyang sinagot ang telepono.

"Fred, anak? Nasaan ka na ba? Kanina pa kita hinahanap dito sa loob ng hotel!" tanong ni Vicky.

"Mama, nandito na ako sa labas. Pumunta ka na rito sa sasakyan. Pwedeng sumabog ang hotel na 'to anytime." tugon ni Fred.

"Sige, papalabas na ako. Hintayin ninyo ako." ani Vicky at dali-dali siyang lumabas ng hotel.

Nang makalabas ng hotel si Vicky, kaagad niyang pinuntahan sina Fred at Joel.

"Anak, bakit ba ang tagal-tagal mo dun sa loob? Kanina pa kita hinahanap!" tanong ni Vicky.

"Mama, nagtanim pa ako ng mga bomba sa loob. Nakita ako ni Bella kaya sinaksak ko siya. For sure, patay na siya ngayon." tugon ni Fred.

"What? Sinaksak mo si Bella?" tanong ni Vicky.

"Oo. Hindi ako papayag na sabihin niya kina Karen ang totoo. Hindi nila pwedeng malaman na nagtanim ako ng bomba." tugon ni Fred.

"Sige, maghintay na lang tayo rito. Pero kailangan nating lumayo. Papadalhan ko ng video si Roxanne para naman makita niya." sambit ni Vicky.

"Okay, fine. Just do it." tugon ni Fred.

—————

Makalipas ang dalawampung minuto, hindi pa rin bumabalik si Bella sa ballroom. Nag-aalala na si Karen dahil baka kung ano nang nangyari sa kaniyang pinsan.

"Nay, bumalik na po ba si Bella? Para po kasing ang tagal niya eh." tanong ni Karen kay Magda.

"Huh? Hindi pa. Umalis ba siya?" tugon ni Magda.

"Opo, nay. Nag-banyo raw po siya. Eh, ang tagal-tagal na po niya yata. Puntahan ko na po kaya?" tanong ni Karen.

"O siya sige, anak. Bumalik ka kaagad ha?" tugon ni Magda.

"Opo, nay." ani Karen.

Kaagad lumabas si Karen ng ballroom upang puntahan si Bella. Pupunta na sana siya sa women's restroom ngunit parang may napansin siyang kakaiba sa hallway.

Nakita niyang may isang babaeng nakahiga sa hallway.

Hindi niya alam kung sino ito, kaya naman ay nilapitan niya ito upang makilala niya kung sino ito.

Nang lumalapit siya ay unti-unti niyang nakikilala ang babaeng ito.

Si Bella.

Duguan siya!

"Bella! Bella! Gumising ka! Anong nangyari sayo? Tulong! Tulungan niyo kami!" sumigaw ng malakas si Karen ngunit parang wala namang nakaririnig sa kaniya.

"Tulong! Tulungan ninyo kami!" muling pagsigaw ni Karen.

—————

"Mama, get ready. The bomb will explode in less than 30 seconds. Ihanda mo na ang camera mo. I'm sure that Roxanne will love it." sambit ni Fred.

"Okay, anak!" tugon ni Vicky.

—————

Dahil walang nakaririnig kay Karen, kaagad siyang bumalik sa ballroom upang humingi ng tulong sa mga taong naroon. Pabalik na sana siya ng ballroom nang biglang sumabog ang bomba!

"What a nice explosion!" sambit ni Vicky habang kinukuhanan ng video ang pagsabog ng hotel.

"Sabi naman sayo, Ma. Gagawin ko ang lahat para makaganti sa kanila. Finally, nakabawi na rin kayo. And now, pwede niyo nang makuha ulit ang bahay." tugon ni Fred.

"Salamat, anak. Thank you for helping us. Well, I think it's time to go home. It's time para makita ni Roxanne ang pagsabog na ito. Halika na!" ani Vicky at pumasok siya sa loob ng sasakyan.

—————

Nang marinig ng mga tao sa loob ng hotel ang pagsabog, kaagad silang nagtakbuhan palabas.

"Tay! Halika na po! Lumabas na tayo! Nasaan sina ate? Sina mommy?" sigaw ni Leslie.

"Anak! Halika na, umalis na tayo!" tugon ni Rico.

"Tay, hindi po natin pwedeng iwan sina ate at si Nanay!" sambit ni Leslie.

"Karen! Magda! Nasaan na kayo?" sigaw ni Rico habang hinahanap niya ang kaniyang mag-ina.

Matapos ang ilang segundo, nakita niya sina Karen at Bella na nakahiga sa hallway.

"Ayun sina Karen at Bella! Nandoon sila! Halika, iligtas natin sila!" sigaw ni Rico.

"Tito Rico! Halika na po, iligtas po natin sina Karen at Bella!" sigaw ni Edward.

"Kuya Edward? Mabuti ligtas ka! Halika na, dalhin natin sila ate sa ospital!" tugon ni Leslie.

"Anak? Edward?" pagtawag ni Rita kah Edward.

"Mama? Okay lang po ba kayo?" tanong ni Edward.

"Oo, anak. Halika na! Ang dami nang usok!" tugon ni Rita.

Napupuno na ng usok ang buong hotel. Tumutunog na rin ang fire alarm. Dahil sa malaking usok, medyo nahihirapan sina Rico at Edward na iligtas sina Karen at Bella.

"Tay, nasaan po si inay?" tanong ni Leslie.

"Anak, sandali lang! Dadalhin lang namin sila sa sasakyan!" tugon ni Rico.

Muling bumalik si Leslie sa loob ng ballroom upang hanapin ang mga taong kasama nila. Nagulat siya nang naroon si Ariana sa loob.

"Ariana! Ariana, halika na! Lumabas na tayo!" sigaw ni Leslie.

"H-halika na!" nauubong sambit ni Ariana.

"L-Leslie! T-tulungan m-mo k-kami!" sigaw ni Nerissa.

"T-tita Nerissa? Halika na po!" tugon ni Leslie at sinubukan niyang tulungan si Nerissa.

Pinilit tumayo ni Nerissa. Nang mapatingin siya sa kaniyang paligid, nagulat siya nang makita si Nelson na walang malay.

"Nelson! Nelson, gumising ka! Bebe, gising!" sigaw ni Nerissa.

Wala pa ring malay si Nelson. Tumawag na ang mga tao sa hotel ng ambulansya.

"Tulungan ninyo kami! Tulungan niyo kami!" muling sigaw ni Leslie.

—————

"Wait lang, tatawagan ko lang si Roxanne. Gusto kong malaman kung natanggap na ba niya 'yung video." sambit ni Vicky.

Kinuha ni Vicky ang kaniyang telepono.

"Hello, anak, natanggap mo na ba 'yung pinadala kong video sayo?" tanong ni Vicky.

"Well, sandali. Titignan ko. Sandali lang." tugon ni Roxanne.

Ibinaba ni Roxanne ang tawag. Dali-dali niyang tinignan ang kaniyang messages. Nakita niya ang isang video na ipinadala ng kaniyang ina.

Pinanood niya ang video.

"Oh, this video looks interesting." sambit niya.

Lalo pa siyang natuwa sa panonood nang makita niyang sumabog ang hotel.

Napatakip siya ng bibig nang makita niya na sumabog ang hotel. Pagkatapos niyang panoorin ang video, muli niyang tinawagan ang kaniyang ina.

"Nay, napanood ko na 'yung video, and I really love it!" sambit ni Roxanne.

"Sabi ko naman sayo anak, magugustuhan mo 'yung video, e." tugon ni Vicky.

To be continued...

The SwitchDonde viven las historias. Descúbrelo ahora