Chapter 150: Bagong Bahay

3 0 0
                                    

"Po? Bakit po ako, ma'am? Wala po akong kinalaman. Nagpaalam lang po ako kay ma'am Rita na aalis po ako para puntahan ang kapatid ko. Hindi ko rin po alam kung paano nagkasunog." depensa ni Iris.

"Sigurado ka, Iris? Baka, nakalimutan mong isara 'yung gasul pagkatapos mong magluto? O, 'di kaya, nakalimutan mong patayin 'yung apoy sa kalan?" tanong ni Karen.

"Ma'am, wala po talaga. Wala po akong matandaan na ganun." tugon ni Iris.

"Karen, hayaan mo na. Mukhang wala namang kinalaman si Iris. Pero, ano nga ba talagang nangyari at bakit nagkasunog?" sambit ni Rita.

"'Yun ang kailangan nating alamin. Kailangan nating malaman kung ano talagang dahilan ng pagkasunog." tugon ni Edward.

Maya-maya lamang ay biglang tumunog ang telepono ni Karen. Tumatawag si Nerissa. Kaagad na sinagot ni Karen ang kaniyang tawag.

"Hello, Karen?" sambit ni Nerissa mula sa kabilang linya.

"Tita Nerissa? Napatawag po kayo?" tugon ni Karen.

"Karen, anong nangyari sa bahay niyo? Bakit sunog? Nandito kami ni April sa labas ng mansyon niyo. What happened?" tanong ni Nerissa.

"Tita, nasunog po 'yung bahay. Dito po kami tutuloy sa bahay nila inay. Hindi rin po namin alam kung anong dahilan ng sunog." tugon ni Karen.

"What? Pupuntahan namin kayo d'yan!" sambit ni Nerissa.

"S-sige po, tita. Ingat po kayo." tugon ni Karen at ibinaba ang tawag.

"Si Nerissa ba 'yung tumawag?" tanong ni Magda matapos kausapin ni Karen ang nasa telepono.

"Opo, nay. Si tita Nerissa po ang tumawag. Nakita niya pong nasusunog 'yung mansyon. Pupunta raw po siya rito." tugon ni Karen.

—————

"Karen? Si tita Nerissa mo 'to!" sigaw ni Nerissa nang makarating siya sa gate ng bahay.

"Tita?" kaagad na sambit ni Karen at kaagad siyang lumabas upang pagbuksan ng gate si Nerissa.

"Karen? Anong nangyari? Mabuti at ligtas kayo!" sambit ni Nerissa nang buksan ni Karen ang gate.

"Tita, pumasok po muna kayo ni April. Dito po tayo sa loob." tugon ni Karen.

Kaagad namang pumasok sina Nerissa at April sa loob ng bahay. Kinausap ni Nerissa sina Karen.

"Karen, kamusta kayo? Okay lang ba kayo?" tanong ni Nerissa.

"Opo, tita. Pero, nag-aalala po kami. Wala po kaming naisalbang gamit. Hindi po namin alam ang gagawin namin." tugon ni Karen.

"Karen, kung gusto niyo, doon muna kayo tumuloy sa amin. Tutal, dalawa lang naman kami ni April na nasa bahay. Wala masyadong tao dun." sambit ni Nerissa.

"Tita, 'wag na po. Nakakahiya." tugon ni Karen.

"Karen, 'wag ka na mahiya. Malaki ang utang na loob ko sayo. Kaya kung pwede at kung okay sa mga magulang mo, doon muna kayo sa amin. Libre lang naman. Hindi namin kayo pagbabayarin sa mga gastusin." sambit ni Nerissa.

"Kung 'yan po ang gusto ninyo, sige po. Kakausapin ko po sila inay at itay." tugon ni Karen.

—————

"Nay, tay, baka po pwedeng kina tita Nerissa po muna kami tumuloy. Siya po kasi ang nagsabi sa akin na pwede po kaming tumuloy sa bahay niya hangga't wala pa po kaming maayos na matitirhan." sambit ni Karen.

"Naku anak, nakakahiya naman sa kanila. Dito na lang kayo kasama namin." tugon ni Magda.

"Nay, sinabi ko na rin po sa kaniya 'yan, pero gusto niya po talagang nandun kami. Mas nakakahiya naman po siguro kung hindi ko tatanggapin 'yung alok niya." sambit ni Karen.

"Eh, anak, ikaw ang bahala. Kami naman ng nanay mo, nakahanda naman kaming tumulong sa inyo. Pero kung 'yan ang gusto mo, sige. Pumapayag na kami." tugon ni Rico.

"Talaga po, tay?" tanong ni Karen.

"Oo, anak. Kung 'yan ang gusto mo, sige." tugon ni Rico.

—————

"Tita, maraming salamat po sa pagpapatuloy niyo dito sa amin. Tatanawin ko po itong malaking utang na loob." sambit ni Karen nang makapasok sila sa bahay ni Nerissa.

"Ano ka ba, Karen? Wala 'yun. Sa totoo nga, ako pa ang may malaking utang na loob sayo eh. Kung hindi dahil sayo, hindi ko malalaman kung sinong totoong pumatay sa anak ko. Ikaw ang nagturo sa akin kung sino ang pumatay sa kaniya." tugon ni Nerissa.

"Wala pong anuman, tita." sambit ni Karen.

"Nerissa, ang laki-laki naman ng bahay mo. Baka naman, hindi na tayo magkita-kita." pabirong sambit ni Rita.

"Tita, 'wag po kayong mag-alala. Lagi po tayong magkikita-kita. At tsaka, mas okay na rin na nandito kayo para naman umingay-ingay ng konti 'tong bahay namin. Kami lang kasing dalawa ni April ang parating nandito. Ang lungkot naman po kung kaming dalawa lang." tugon ni Nerissa.

"Oo nga naman. Pero Nerissa, maraming-maraming salamat ha? Salamat sa pagpapatuloy mo dito sa amin. Pangako, tutulong kami sa mga gawaing-bahay." sambit ni Rita.

"Naku, hindi niyo na po kailangang problemahin 'yun. Basta, nandito lang kayong lahat, masaya na 'ko." nakangiting tugon ni Nerissa.

—————

"Karen, sigurado ka ba talaga sa kasambahay ninyo? Kailangan ba talagang kasama natin siyang tumira dito?" pabulong na tanong ni Nerissa kay Karen.

"Po? Oo naman po. Sigurado po kami na mabait si Iris. At tsaka, wala naman po siyang ginagawang masama, 'di ba?" tugon ni Karen.

"Oo nga. Alam ko. Pero Karen, hindi ko maintindihan kung bakit iba ang nararamdaman ko sa kaniya. Pakiramdam ko, hindi siya gagawa ng maganda. Ewan ko pero parang may mali talaga sa pagkatao ni Iris." sambit ni Nerissa.

"Hindi ko rin po maintindihan, tita. Basta, 'wag na po kayong mag-alala. Ako na po ang bahala kay Iris. Sisiguraduhin ko pong wala siyang gagawing masama." tugon ni Karen.

Lingid sa kanilang kaalaman ay naririnig pala ni Iris ang kanilang pinag-uusapan. Hindi alam nina Karen at Nerissa na nakatingin pala si Iris sa kanila.

"Hayop ka talaga, Nerissa. Hinding-hindi ko hahayaang mabuking mo ang sikreto ko. Hindi ko hahayaang malaman mo ang katotohanan na ako talaga si Roxanne. I won't let you know my secret." sambit ni Iris sa isip niya.

"O sige po, tita. Pupuntahan ko lang po sina Mama at Edward sa kwarto. Basta tita, ako na po ang bahala kay Iris. Huwag niyo na po siyang intindihin." tugon ni Karen.

"O sige."

Nagulat na lamang si Iris na biglang tumawag sa telepono niya si Vicky. Napalingon tuloy si Nerissa ngunit hindi niya nakitang naroon si Iris.

Pumasok sa banyo si Iris at doon niya sinagot ang tawag.

"Nay, bakit ka ba tumatawag? Ano ka ba? Muntik na nila akong makita! Mabuti na lang at hindi nakita ni Nerissa na pinakikinggan ko 'yung pinag-uusapan nila!" sambit ni Iris.

Narinig ni Nerissa ang boses ni Iris. Nanggagaling ito sa loob ng banyo.

Dahan-dahang lumapit si Nerissa sa pintuan ng banyo. Pinakinggan niya ang mga sinasabi ni Iris.

"What? Tumawag lang naman ako dahil gusto ko lang malaman kung anong update sa nasunog na bahay! Ano, patay na ba sina Karen?" tanong ni Vicky mula sa kabilang linya.

"Nay, buhay sina Karen! Hindi sila nasunog! Pero may isa pa akong problema, si Nerissa! Mukhang naghihinala na siya sa akin! Hinding-hindi ko hahayaang malaman niya na ako talaga si Roxanne at hindi si Iris." tugon ni Iris.

Nagulat si Nerissa sa lahat ng mga narinig niya. Hindi siya makapaniwala. Tama ang kutob niya na may mali nga kay Iris.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now