Chapter 115: Nasaan ka, Magda?

4 0 0
                                    

"Oh yes, Nay. I really liked the video. Basta nay, sigurado ako na may paglalamayan na naman. Basta, pupunta tayo sa burol nila Karen." sambit ni Roxanne.

"Well, sige. Anong kulay ba ang susuotin natin? Black or red?" tanong ni Vicky.

"Red, syempre. Para, maiba naman 'yung color natin. Tsaka, para may sarili tayong kulay. Well, abangan na lang natin ang news na may burol or libing. Dadalo tayo." tugon ni Roxanne.

"Okay, anak."

—————

"Tay, nasaan na po si nanay? Bakit 'di po natin siya binalikan?" tanong ni Leslie habang nakasakay siya ng ambulansya.

"Anak, 'wag kang mag-alala. Hahanapin natin ang nanay mo. Kailangan muna nating dalhin ang tatlong pasyente natin sa ospital. Anak, 'wag kang mag-alala, hahanapin natin ang nanay mo. Importante siya kaya hindi natin siya pwedeng pabayaan." tugon ni Rico.

Napatingin si Leslie sa kaniyang telepono nang biglang may tumawag. Si Nikko. Kaagad niyang sinagot ang tawag nito.

"N-Nikko? Nasaan ka?" tanong ni Leslie.

"Les, I'm so sorry! Hindi ako kaagad nakapunta sa party mo dahil nasiraan kami ng sasakyan. Sumabog 'yung gulong ng sasakyan ko. Papunta na 'ko d'yan, patapos na ba ang party?" sambit ni Nikko mula sa kabilang linya.

"Nikko, mabuti na lang at hindi ka pumunta sa party na 'to. Nikko, may nagtanim ng bomba sa hotel. Nasabugan kami. Ang totoo niyan, papunta na kami sa ospital. Delikado ang lagay nina ate at ni insan." tugon ni Leslie.

"W-what? Saang ospital kayo? Pupuntahan ko kayo kaagad! Hahanap na lang ako ng taxi!" sambit ni Nikko.

"Sige, Nikko. I-tetext ko na lang sayo 'yung address. Naiwan sila Mindy sa hotel. Huwag kang mag-alala dahil ligtas siya. Kasama siya ng mga iba pang rescuers. Papunta na rin sila dito sa ospital." tugon ni Leslie.

"Sige, Leslie. Please text me the address immediately! Pupuntahan ko kayong lahat d'yan!" sambit ni Nikko.

"Oo, Nikko. I-tetext ko sayo! Bye!" tugon ni Leslie.

Kaagad na ibinaba ni Leslie ang tawag. Inalam ni Leslie kung saang ospital sila papunta. Nang malaman niya ang address ng ospital, kaagad niyang intinext si Nikko upang ipaalam sa kaniya ang address.

Nang makarating sa ospital, kaagad na isinugod sa emergency room sina Karen at Bella. Kasama ring isinugod si Nelson.

"Ate, please, lumaban kayo ni insan! Lumaban kayo, 'wag ninyo kaming iiwan!" umiiyak na sambit ni Leslie.

"Ma'am, hanggang dito na lang po muna kayo. Don't worry, kami na po ang bahala sa mga pasyente. We will do everything to save them." tugon ng doktor.

"Miss, save my husband. Save him, please. Hindi ko kakayanin kung mawawala siya." pakiusap ni Nerissa.

"Yes, misis. Gagawin po namin ang lahat." tugon ng doktor.

Pagkatapos noon, naiwan sa waiting room sina Leslie, Rico, Nerissa, at ang mga iba pa nilang kasama.

"Tay, ano pong gagawin natin? Delikado ang kalagayan nina ate at insan. Natatakot po ako, baka may mangyari sa kanila. At si nanay, nasaan na po ba siya?" umiiyak na tanong ni Leslie.

"Anak, anak, huwag kang mag-alala. Nandito ako. Sasamahan kita, anak. Ipinapangako ko sayo na hinding-hindi kita iiwan. Hangga't hindi pa nakikita ang mommy mo, sasamahan kita. Hangga't hindi pa maayos ang kalagay ng ate mo, nandito lang ako sa tabi mo, anak." tugon ni Rico.

"Salamat po, tay." ani Leslie sabay yakap sa ama.

—————

"Nay, kuya, you're back! Well, for sure, umiiyak na ngayon sina Magda at Rico dahil mamamatay na sina Karen at Leslie. And I'm sure, malapit na ang balitang may ibuburol." sambit ni Roxanne.

"Well, let's see. Abangan nalang natin ang susunod na mangyayari sa pamilya nila Karen." tugon ni Vicky.

—————

Makalipas ang ilang oras, inilipat na sina Karen, Bella, at Nelson sa mga private room. Pumayag na rin ang mga doktor na pumasok sila sa mga kwarto nila.

Pumasok si Leslie sa kwarto ni Karen kasama ni Rico. Umiiyak siyang lumapit dito.

"Ate, ate, lumaban ka! Please?" naiiyak na sambit ni Leslie.

"Dok, kamusta na po ang anak ko? Kamusta na po ang kalagayan niya?" tanong ni Rico sa doktor na kasama nila sa loob ng kwarto.

"As of now, medyo okay na siya. Nagamot na namin ang mga tinamo niyang sugat sa hotel bombing. Sa ngayon, she just need to rest. We're expected na magising siya in about 48 hours." tugon ng doktor.

"Salamat po, dok. Mabuti na lang po at nasagip ninyo ang anak ko." sambit ni Rico.

"Sige po, sir. Maiwan ko po muna kayo." tugon ng doktor.

"Tay, sana po, magising na si ate. Sana po, makaligtas siya." sambit ni Leslie.

"Oo, anak. Magtiwala ka. Makakaligtas ang ate mo sa pagsabog. Kung tayong dalawa nga, nakaligtas, papaano pa ang ate mo?" tugon ni Rico.

"Pero tay, papaano po si inay? Nasaan na po ba kasi siya?" tanong ni Leslie.

"Anak, may mga rescue team na bumalik sa hotel para maghanap ng mga iba pang katawan. 'Wag kang mag-alala, mahahanap din nila ang nanay mo." tugon ni Rico.

—————

"Dok, kamusta na po ang lagay ng insan ko? Okay na po ba siya?" tanong ni Leslie nang magpunta siya sa kwarto ni Bella.

"To be honest, medyo kritikal ang lagay niya ngayon. Malalim din ang sugat niya dahil sa natamo niyang saksak." tugon ng doktor.

"S-saksak? P-papaano po siya magkakaroon ng saksak, eh pagsabog po ang nangyari?" tanong ni Leslie.

"Ang totoo, hindi rin namin alam kung anong nangyari sa kaniya. There is a very little chance that she will survive. Siguro, may sumaksak sa kaniya." tugon ng doktor.

"Sino naman kayang sasaksak sa kaniya, tay?" tanong ni Leslie.

"H-hindi ko alam. Imposible naman kasing naroon din ang mga Villanueva. Hindi ko naman sila nakita doon eh." tugon ni Rico.

Napaisip si Leslie. Sino kayang sumaksak kay Bella?

"Sige po, dok. Maraming salamat po." sambit ni Leslie.

"Sige, maiwan ko muna kayo. Magra-rounds muna ako." tugon ng doktor.

"Sige po."

"Pero tito, sino naman po kayang sasaksak kay Bella? Sa pagkakaalam ko po, wala siyang kaaway maliban sa mga Villanueva." tanong ni Ariana.

"Hindi rin ako sigurado, Ariana. Huwag kayong mag-alala. Gagawin ko ang lahat para alamin ang totoong nangyari." tugon ni Rico.

"Pero tito, hindi po kasi mawala-wala sa isip ko, pakiramdam ko po kasi na talagang planado ang pagsabog ng bomba. Pakiramdam ko po, may kinalaman ang mga Villanueva sa nangyari." sambit ni Ariana.

"Mukhang tama ka, Ariana. Hindi ko rin alam pero parang may kutob ako sa nangyari. Paano kung, may kinalaman nga talaga ang mga Villanueva sa nangyari kanina?" tugon ni Leslie.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now