Chapter 69: Kondisyon ni Karen

2 2 0
                                    

"Hindi porket nandito ako sa katawan mo, etsapuwera na ako. At hindi porket nandiyan ka sa katawan ko, ikaw na ang tunay na asawa. Alam mo, 'wag kang feelingera. Hindi ikaw ang tunay na asawa! Isiksik mo 'yan sa kokote mo!" sambit ni Roxanne.

"Wala akong pake kahit na hindi ako ang tunay na asawa ni Edward. Pero sa pisikal kong anyo, ako ang asawa niya!" tugon ni Karen.

"Hoy, Roxanne, sira ulo ka ba? Ano ngayon kung nasa katawan ka ni Karen? At bakit ba hanggang ngayon, nasa katawan ka pa rin ni Karen?" tanong ni Rita.

"Edward, bakit nga ba?" tanong ni Magda.

"H-hindi ko pa rin po alam kung tapos na bang i-repair ang switching machine. Si Robert lang po ang nakakaalam tungkol dun." tugon ni Edward.

"Edward, ano bang totoo? Pwede ba, 'wag ka nang magpalusot! Edward, kaya mo ba ako nilagay dito dahil sa kondisyon ko?" tanong ni Roxanne.

"Kondisyon? Anong kondisyon?" tanong ni Rita.

"Mayroon po akong kondisyon sa pagbubuntis. Meron po akong endometriosis. Dahil do'n, hindi na ako pwedeng magkaanak. 'Yun ba ang dahilan Edward kaya nandito pa rin ako sa katawan niya?" tugon ni Roxanne.

"Hon, hindi totoo 'yan!" sambit ni Edward.

"Ah, kaya pala, hindi kayo magkaanak-anak ni Edward, dahil isa kang baog!" tugon ni Karen.

"Roxanne, tumigil ka!" sambit ni Magda.

"Bakit, aling Magda? Totoo naman, 'di ba? Sa bibig na niya mismo nanggaling, isa siyang baog! Kaya pala, inilipat niyo siya sa katawan ko!" tugon ni Karen.

"Hindi totoo 'yan! Hindi ko siya inilipat sa katawan mo dahil sa kondisyon mo! Alam mo naman Karen ang totoong dahilan, 'di ba?" tanong ni Edward.

—————

"Anak, anong balak mong gawin kay Leslie? Ha?" tanong ni Olivia.

"Well, I want her to suffer. Gusto kong mangyari din sa kaniya 'yung nangyari sa akin." tugon ni Joana.

"Ano? Nasisiraan ka na ba? Anong gagawin mo, ihuhulog mo rin ba siya sa second floor?" tanong ni Olivia.

"Well, hindi sa second floor. Marami pa namang ibang paraan para makaganti ako. Pwede din naman sa third floor." tugon ni Joana.

"Loka ka talaga. Alam mo ha, pwede ba, bago ka maghiganti, magpagaling ka na muna. Okay? Kasi tumataas ang bayarin natin dito sa ospital, dadami ang utang natin." sambit ni Olivia.

"Well, ano pa nga ba. Hindi rin naman ako makakapaghiganti kung hindi ako magaling e." tugon ni Joana.

"Mabuti naman at nag-iisip ka. By the way, gusto ka raw dalawin nung pinsan ko. Pupunta raw sila dito mamaya." sambit ni Olivia.

"Pinsan? Sinong pinsan?" tanong ni Joana.

"Si Victoria. Kasama niya raw 'yung anak niyang si Fred." tugon ni Olivia.

"Oh, bakit daw? Bakit daw sila bibisita? Eh 'di ba, mga wala namang pake sa atin 'yung mga 'yon?" tanong ni Joana.

"Anak, hayaan mo na. Ma-pera sila. Maimpluwensiya. Makakatulong sila sa paghihiganti mo. At kapag naperahan na natin sila at nakapaghiganti ka na, we can go abroad para doon manirahan." tugon ni Olivia.

"Oh, I see. I think that's a great idea. Nag-iisip ka rin naman pala, mommy." sambit ni Joana.

"Kaya kung ako sayo, magpakabait ka sa kanila. Para unti-unti nating makuha ang yaman nila." tugon ni Olivia.

"Okay, mommy. Sige, magpapakabait ako." ani Joana.

—————

"Oh my gosh, friend. Kaya naman pala hindi nagkakaanak sina Karen at Edward, it's because, baog si Karen!" sambit ni Mystie.

"Well, kaya pala ay inilipat ako ni Edward dito sa katawan ni Karen. Well, since ngayong hindi pwedeng magkaanak sina Karen at Edward, ako ang magbibigay ng anak kay Edward." tugon ni Karen.

"Well friend, ang talino mo talaga. Well sige, i-push mo 'yan. I'm gonna support you." sambit ni Mystie.

"Thanks, friend." tugon ni Karen.

—————

"Hon, please understand kung bakit kita inilagay sa katawan ni Roxanne. It's not because you have this condition. Karen, you know that gusto mong ma-try mabuhay sa ibang katawan." sambit ni Edward.

"Pero hon, it was just a free trial. Pero bakit hanggang ngayon, nandito pa rin ako?" tanong ni Roxanne.

"Karen, alam mo ang totoong dahilan. Nasira ang switching machine dahil sa 'di malamang dahilan. I think na may gustong manira sa atin kaya nangyari 'yon." tugon ni Edward.

"Pero sino kaya ang sumira ng switching machine? At ano kaya ang totoong motibo niya kung bakit niya ginawa 'yon?" tanong ni Roxanne.

"I don't know. H-hindi ko alam. Don't worry, hon. Makikibalita ako kay Robert tungkol sa switching machine. Sila kasi ang gumagawa no'n. And once na mayari na ang switching machine, I will make sure na makakabalik ka na sa katawan mo." tugon ni Edward.

Napalingon sina Edward at Karen nang biglang pumasok si Rita sa kanilang kwarto.

"Oh, ano? Gulo nanaman ang nangyari kanina nang dahil sayo, Karen. Alam mo, talagang wala ka nang idinulot na maganda sa buhay namin. Kaya pwede ba, lumayas ka rito, lumayas ka!" sambit ni Rita at hinila si Karen.

"Mama, stop! Pwede ba, don't blame her for what happened!" tugon ni Edward.

"Anak, siya ang dapat kong sisihin! Alam mo, kung hindi dahil sa kaniya, edi sana, hindi ka naaksidente! Alam mo, matagal ko nang sinasabi sayo na hiwalayan mo si Karen, pero anong ginawa mo? Hindi ka nakikinig sa akin! Talagang hinintay mo na maaksidente ka pa, and still, you don't realize that!" sambit ni Rita.

"Mama, hindi si Karen ang may kagagawan ng aksidente ko, alam mo 'yan! Kung sino man ang bumaril sa sasakyan ko, malamang may matindi siyang galit sa akin! At wala namang may gusto nung nangyari sa akin, 'di ba?" tugon ni Edward.

"I don't care. Wala akong pakialam sa kahit na ano pang sabihin mo. Si Karen ang lahat ng may kasalanan nito! Kaya siya dapat ang sisihin ko! Hayop ka talagang babae ka! Wala ka nang dinala dito sa buhay namin kundi malas! Ni hindi mo nga kayang bigyan ng anak ang anak ko! Lumayas ka rito sa pamamahay ko!" sigaw ni Rita at hinila si Karen palabas ng kwarto.

"Tita, bitawan niyo po ako nasasaktan po ako!" sambit ni Roxanne.

"Hindi. Ang gusto ko, lumayas ka rito sa pamamahay ko! Ayoko nang makikita ko 'yang pagmumukha mo!" tugon ni Rita.

"Mama, hands off her!" pag-aawat ni Edward.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now