Chapter 82: Katotohanan

1 2 0
                                    

Nagmamadaling nagpara si Mystie ng taxi. Nang makasakay siya, kaagad siyang pumunta sa bahay nina Edward.

"Kuya, pakibilisan po natin. Nagmamadali po ako." sambit niya.

"Ma'am, baka naman po maaksidente pa tayo."

"Kuya, hindi. Ako ang bahala. Magbabayad ako kahit magkano. Basta, dalhin mo ako sa pupuntahan ko." tugon niya.

—————

"Mama, sinong tumawag sayo?" tanong ni Edward.

"Anak, tumawag sa akin si Mystie. 'Yung kaibigan ni Roxanne. Sinabi niya sa akin na may kailangan daw tayong malaman." tugon ni Rita.

"Kailangang malaman? Ano?" tanong ni Edward.

"H-hindi ko alam. Pero parang kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano 'yun pero mukhang importanteng impormasyon ang hawak niya." tugon ni Rita.

"Ano naman kayang imporasyon 'yun?" tanong ni Edward.

"H-hindi ko alam. Malalaman natin mamaya. Pero, bakit kaya gusto niyang magpunta tayo kay Karen?" tugon ni Rita.

"What? Mama, are you serious? Gusto ni Mystie na puntahan si Karen?" tanong ni Edward.

"Oo, pakiramdam ko, may kinalaman sa kaso ni Karen ang hawak niyang impormasyon. Kung ano man ito, baka ito na ang magpapatunay na inosente ang asawa mo." tugon ni Rita.

"Sana nga po, Mama."

Makalipas ang ilang sandali, biglang may nag-doorbell sa bahay nina Rita.

"Ako na po ang magbubukas, ma'am." sambit ni Janice.

Kaagad lumabas si Janice upang pagbuksan ng gate si Mystie.

"Ma'am, ano pong kailangan ninyo?" tanong ni Janice.

"Andyan ba si ma'am Rita at si sir Edward mo? Kailangan ko silang makausap!" tugon ni Mystie.

"Nandito po sila sa loob." sambit ni Janice.

Kaagad pumasok si Mystie sa loob ng mansyon nina Edward. Kaagad nakita ni Mystie sina Rita at Edward.

"Ma'am Rita, Edward, mayroon kayong dapat na malaman." sambit ni Mystie.

"A-anong dapat naming malaman?" tanong ni Rita.

"Ma'am Rita, Edward, hindi po si Karen ang pumatay sa tita niya. Kundi si Fred Villanueva. At kailangan na pong malaman ni Karen ang totoo para ma-abswelto na siya." tugon ni Mystie.

"W-what? Are you serious, Mystie?" tanong ni Edward.

"Oo, Edward. Si Fred ang nagpapatay sa nanay ni Bella. Napagbintangan lang si Karen. Ginawa nila 'yon para paglayuin kayong dalawa at para si Roxanne ang pumalit sa pwesto niya." tugon ni Mystie.

"Hayop talaga siya! Hayop talaga sila! Akala ko, masamang tao si Karen, pero nagkakamali pala ako!" sambit ni Rita.

"Ma'am, Edward, kailangan ko nang sabihin ang totoo kay Karen. Kailangan nilang malaman ang mga kalokohan ng mga Villanueva!" tugon ni Mystie.

"Sige, halika na. Umalis na tayo rito. Sumakay na kayo sa sasakyan." sambit ni Edward.

"Janice, ikaw na ang bahala rito sa bahay. Aalis lang kami sandali. Ikaw na ang bahala rito." ani Rita.

"Opo, ma'am. Ako na po ang bahala."

Kaagad na sumakay ng sasakyan ang tatlo. Kaagad nilang pinuntahan si Karen.

"Mystie, papaano mo nalaman na si Fred ang nagpapatay sa nanay ni Bella?" tanong ni Edward habang nagmamaneho.

"Edward, bestfriend ako ni Roxanne. At parati niya akong sinasama sa mga lakad niya. Hindi ko nga alam kung bakit niya ginawa 'yon. Hindi ko akalain na papatayin niya ang nanay ni Bella. Pinilit kong itago ang katotohanan pero hindi na kinaya ng konsensiya ko." tugon ni Mystie.

The SwitchWhere stories live. Discover now