Chapter 109: Pagbagsak

3 0 0
                                    

"Talaga, nagawa ninyo silang palayasin? Good job, girls! Maraming salamat sa tulong ninyong dalawa. Finally, natanggal na natin ang mga tinik sa lalamunan natin. Ngayon, sigurado ako na namumulubi na sila at nagdurusa." sambit ni Nerissa.

"Yes, tita. Ang galing nga po ni Bella eh. I can't believe na nagawa niyang paluhurin ang mag-inang demonyo na 'yun sa harapan niya." tugon ni Karen.

"Oh, really, Bella? Nagawa mo 'yon?" tanong ni Nerissa.

"Yes, tita. Nakakatuwa nga po eh. Nakakatuwa dahil kahit papaano, nakaganti na ako sa kanila. Pero hindi pa po 'yun sapat. Hindi pa 'yun sapat sa kabila ng lahat ng ginawa nila kay inay." tugon ni Bella.

"Tama ka, Bella. Hindi pa 'yun sapat sa lahat ng mga ginawa nila. Kulang pa 'yun sa lahat ng mga masasamang ginawa nila. Kulang pa ang masunog sila sa impyerno." sambit ni Karen.

"Tama ka, Karen. You know what, I really cannot believe na kung sino pa ang kaibigan ng anak ko, siya pa ang papatay sa kaniya. I wish na hindi na lang ako umalis para nabantayan ko ang anak ko. Sobra kong pinagsisisihan na iniwan ko rito si Mystie kasama ni Roxanne. Kung maibabalik ko lang, hindi ko na sana iniwan ang anak ko." tugon ni Nerissa.

"Huwag po kayong mag-alala, tita. Katawan lang po ni Mystie ang nawala, pero nandiyan pa rin po siya sa puso ninyo. At alam kong mahal na mahal kayo ni Mystie." sambit ni Bella.

"Salamat, Bella. Salamat sa inyong pagtulong. I really appreciate it." tugon ni Nerissa.

"Wala po 'yun, tita. Alang-alang po sa hustisya nina Mystie at ni inay, gagawin po namin ang lahat." ani Bella.

—————

"Nay, what the hell? Talaga bang pinalayas tayo nung hayop na Karen na 'yon? Hindi pwede 'to! Hindi pwedeng mangyari 'to!" sambit ni Roxanne.

"Don't worry, anak. We will fight. Hindi ako papayag na mapunta lang sa kanila ang bahay natin ng ganun-ganun na lang." tugon ni Vicky.

"Anong gagawin natin, nay? Wala na tayong pera. Wala na tayong ari-arian. Nasa kanila na ang lahat! Lahat ng meron tayo, kina Karen at Bella na! Papaanong gagawin natin?" tanong ni Roxanne.

"We will fight. Lalaban tayo. We will not give up. We will fight even if it is the last thing that we will do. Kaya anak, magpapalakas ka. Magpapakatatag ka." tugon ni Vicky.

"Nay, hindi mo naman sinasagot 'yung tanong ko e. Nay, ang tinatanong ko, kung anong gagawin natin! Ano ba kasi talaga?" tanong ni Roxanne.

"Itatakas natin ang kuya mo sa kulungan." diretsong tugon ni Vicky.

"Ano? Nay, seryoso ka ba? Delikado 'yan!" sambit ni Roxanne.

"Wala akong pakialam. Itatakas natin ang kuya mo sa kulungan. Alam ko na siya lang ang makakatulong sa atin." tugon ni Vicky.

"Pero nay, 'wag mo munang isipin 'yon! Ang isipin mo, kung saan tayo matutulog! Nay, nakita mo naman kung papaano nila tayo pinalayas, 'di ba? Nay, kailangan nating gawin ang lahat para mabawi ang bahay!" sambit ni Roxanne.

"Tama ka, anak. Pero teka, saan tayo matutulog?" tanong ni Vicky.

"Alam ko na, pupunta tayo kina tita Nerissa. I'm sure na nandon siya. I'm sure na papatuluyin niya tayo." tugon ni Roxanne.

"A-ano? Hindi ka ba nakukunsensiya? Pinapatay mo 'yung anak niya tapos doon pa tayo makikituloy?" tanong ni Vicky.

"Nay, ano bang gusto niyo? Makunsensiya ako o may matulugan tayo ngayong gabi? Halika na!" tugon ni Roxanne.

—————

"Nay, sino po siya?" tanong ni Leslie nang makita niya ang kaniyang mommy na may kasamang bisita.

"Anak, siya si Erika. Ang kakilala kong gown designer. Naisip ko kasi na bigyan ka ng debut kasi nga malapit na ang birthday mo." tugon ni Magda.

"Talaga po, nay? Sigurado po ba kayo?" tanong ni Leslie.

"Oo, anak. Sigurado ako. Mabait kang bata kaya deserve mo ang isang magandang debut." tugon ni Magda.

"Salamat po, nay. Pero, hindi niyo naman po kailangan, e." sambit ni Leslie.

"Sige na anak, huwag ka nang tumanggi. Andito na si Erika. Marami siyang mga gown na para sayo. Mamili ka lang, anak." tugon ni Magda.

"Salamat po, nay." ani Leslie.

—————

Matapos ang mahabang paglalakad nina Roxanne at Vicky, narating na nila ang bahay ni Nerissa.

Kaagad na kumatok si Roxanne sa gate. 'Di naman nagtagal at pinagbuksan siya ni April ng gate.

"R-Roxanne? A-anong ginagawa mo rito?" medyo kinakabahang tanong ni April dahil alam niyang si Roxanne ang pumatay kay Mystie.

"April, nandyan ba si tita Nerissa? Kailangan ko siyang makausap, please. Pinalayas kami sa bahay namin. Baka naman, pwede kaming makituloy." tugon ni Roxanne.

"Pasensiya ka na, Roxanne. Hindi pwede. Wala rito si tita. Umalis siya. Wala rin si tito. Pasensiya na kayo, pero hindi ko talaga kayo pwedeng papasukin. Umalis na lang kayo." sambit ni April.

"W-what? Why not? Tita Nerissa is my friend. Bakit naman niya kami hindi papatuluyin? Pwede ba April, umalis ka d'yan sa harapan ko. Papasukin mo kami." tugon ni Roxanne.

"Sorry, pero hindi talaga pwede. Kung hindi kayo aalis, ipapakaladkad ko kayo sa security! Kaya kung ako sa inyo, umalis na kayo!" sambit ni April.

"Ingrata ka, April! Hayop ka! I'm telling you, you're gonna pay for this!" tugon ni Roxanne.

"Sige na, umalis na kayo!" ani April at isinarado ang gate.

—————

"For sure, pumunta sina Roxanne sa bahay namin. I told April na wala ako. At sinabi ko rin sa kaniya na huwag papasukin ang mga hayop na 'yon. Well, dapat lang kina Roxanne at Vicky ang nangyari sa kanila. Hindi ako papayag na maging masaya sila." sambit ni Nerissa.

"That's great, tita. I'm sure na umiiyak na ngayon sina Roxanne at Vicky habang nagdurusa sila." tugon ni Karen.

"Tama lang 'yon sa kanila. Tama lang 'yon dahil mga kriminal at mga demonyo sila." sambit ni Nerissa.

"Kahit papaano, nakaganti na rin po tayo, tita. Kahit papaano, naipaghiganti ko na si inay. Pero kulang pa rin 'to, tita. Kulang pa rin 'to. Hindi pa rin ako magiging masaya na ganito lang ang nagawa ko." tugon ni Bella.

"Tama ka, Bella. Tama ka. Nagsisimula pa lang tayo. The worst is yet to come." ani Nerissa.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now