Chapter 73: Mega Jackpot

6 2 0
                                    

"What? Buhay si Edward?" tanong ni Vicky.

"Yes, Nay. Buhay siya. And now, wala na akong lugar sa buhay niya nang dahil kay Karen. Ni hindi ko man lang maiparamdam sa kaniya kung gaano ko siyang kamahal. And now that he's back, kailangang mawala na si Karen sa buhay niya dahil walang silbi ang pag-stay ko rito sa katawan ni Karen kung wala akong mapapala." tugon ni Karen.

"Okay, so what's your plan? Paano mo aalisin si Karen sa buhay niya?" tanong ni Fred.

"Well, didispatsahin ko lang naman si Karen. But, I won't kill her. Gusto kong mabuhay pa siya. Gusto kong makita niya kung papaano ko inaagaw sa kaniya ang asawa niya." tugon ni Karen.

"Friend, hindi ka ba napapagod sa kakahiganti mo kay Karen? Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo?" tanong ni Mystie.

"Kung kay Karen lang naman, well, hindi ako mapapagod. I want her to get rid of Edward's life. Dahil walang silbi ang pagiging Karen ko kung hindi siya mawawala." tugon ni Karen.

—————

"Hon, papunta ako d'yan ngayon. Susunduin sana kita. Gusto ko kasing mamasyal naman tayo. Ang tagal na natin 'tong 'di nagagawa." sambit ni Edward sa telepono habang kausap si Karen.

"S-sige, hon. Magpapaalam ako kay Nanay. Pero teka, anong dala mong sasakyan?" tanong ni Roxanne.

"Hiniram ko muna 'yung motor ni Robert. Wala naman daw siyang gagawin at hindi raw siya aalis kaya pinahiram niya muna sa akin. Ako raw muna ang gumamit." tugon ni Edward.

"S-sige, hon. I'll just see you later." ani Roxanne at ibinaba ang telepono.

Nang marinig ni Magda na may kausap si Karen, kaagad niyang tinanong kung sino ito.

"Anak, sinong kausap mo?" tanong ni Magda.

"Ah, nay, si Edward po. Gusto niya po sanang mamasyal kaming dalawa. Pumayag po ako kasi matagal na po kaming hindi nakapamasyal." tugon ni Roxanne.

"Oh, sige. Pero, umuwi kayo ng maaga ha, 'wag kayong magpapagabi." sambit ni Magda.

"Sige po, Nay. Salamat po ng marami." tugon ni Roxanne.

—————

"Anak, ang sabi ng doktor, pwede ka na raw ma-discharge mamaya." natutuwang sambit ni Olivia.

"Really? Is it true, mommy? Makakauwi na 'ko?" tanong ni Joana.

"Of course, anak. Well, big thanks to your tita kasi kung hindi dahil sa kanila, walang magbabayad ng mga bayarin mo dito sa ospital." tugon ni Olivia.

"Well, matutupad na ang paghihiganti ko sa pesteng Leslie na 'yon. Pahihirapan ko ang buhay niya katulad ng ginawa niya sa akin." sambit ni Joana.

"Well, sige. Pero sa ngayon, hindi ka muna papasok sa school. Next week ka pa papasok dahil baka mabinat ka nanaman. Alam mo na, kailangan mo pa ring magpagaling sa bahay for few days." tugon ni Olivia.

"Well, mommy, I don't think na kailangan ko pang mag-stay ng few days sa bahay. You know what, kating-kati na 'kong makaganti sa pesteng Leslie na 'yon. I want her to suffer." sambit ni Joana.

"Well, magpagaling ka muna. Hindi ka makakapaghiganti ng maayos kung ganyan ang kalagayan mo." tugon ni Olivia.

—————

"Hon, thank you for bringing me dito sa mall. You know what, medyo gumaan na 'yung pakiramdam ko." sambit ni Roxanne.

"I told you, hon. Alam mo, nakakamiss na rin kasi talaga 'tong ganito nating bonding. Pero sana, mas magiging masaya kung magkakaanak tayo." tugon ni Edward.

Napaluha si Karen. Muli naman niyang naalala ang kaniyang kondisyon.

"I'm sorry, hon. May nasabi ba akong mali?" tanong ni Edward.

"W-wala. Wala hon. Alam mo, naisip ko, mas mabuti nalang sigurong mag-grocery na lang tayo." tugon ni Roxanne.

"Mas mabuti pa nga." sambit ni Edward.

Nang makarating sila sa grocery, muli nilang pinagmasdan ang isang malaking sasakyan. Matagal-tagal na itong nakapwesto sa labas ng grocery. Pa-premyo nila ito sa ika-isang daang libong customer.

"Hon, tingin mo, sino kayang makakakuha ng sasakyan na 'yan?" tanong ni Edward.

"Hindi ko alam. Pero base sa pagkakaalam ko, malapit na sa pang one hundred thousand na customer ang grocery na 'to. Kaya siguro, may mananalo na." tugon ni Roxanne.

"Halika na, pumasok na tayo sa loob." ani Edward.

—————

"Welcome home, anak!" masayang sambit ni Olivia.

"Thanks, mommy. I waited so long for this moment. Thank you rin po, tita Vicky." tugon ni Joana.

"You're welcome, Joana. So now, anong plano niyo?" tanong ni Vicky.

"Well, kailangan ko pong magpagaling. May paghihigantihan ako. Gaganti ako sa taong naghulog sa akin sa second floor." tugon ni Joana.

"Gagantihan? Sino namang gagantihan mo? Anong pangalan niya?" tanong ni Vicky.

"Leslie. Leslie is her name. Matagal na po niya akong ginugulo. Inagaw niya sa akin ang taong pinakamamahal ko. And now, hinulog niya ako sa second floor. Well, it's time for my revenge." tugon ni Joana.

"Leslie ang pangalan niya? Eh, ano namang apelyido niya?" tanong ni Vicky.

"Raymundo. Leslie Raymundo. Bakit niyo po natanong, tita?" tugon ni Joana.

"Ito bang Leslie na 'to ay 'yung kapatid ni Karen Raymundo?" tanong ni Vicky.

"Yes, tita. How did you know? Kilala mo po ba sila?" tugon ni Joana.

"Well, yes. I know them. Mayroon silang atraso. Pero hindi sa akin, kundi, sa anak kong si Roxanne." sambit ni Vicky.

—————

"Hon, ang dami naman nitong pinamili natin. Eh 'di ba, tatlo lang kayo sa bahay?" tanong ni Roxanne.

"It's not for us. Para sa inyo 'yan. Pambawi lang 'yan dun sa ginawa sayo ni Mama. I just want to say sorry sa ginawa niya." tugon ni Edward.

"Wala na 'yon. Alam ko namang may karapatan siyang magalit. Ako naman talaga ang dahilan kung bakit ka naaksidente, eh." sambit ni Roxanne.

"Hon, huwag mo nang sisihin ang sarili mo. It's my fault kasi wala akong nagawa para ipagtanggol ka. I'm really sorry." tugon ni Edward.

"It's okay, hon. Halika na, bayaran na natin 'to." sambit ni Roxanne.

Nang makarating sina Edward at Roxanne sa cashier, nagulat sila nang biglang may narinig silang kampana. Nagulat din sila nang biglang umulan ng confetti.

"Congratulations, ma'am and sir! Kayo po ang nanalo ng brand new car!" masayang sambit ng cashier.

Nanlaki ang mga mata ni Karen. Hindi siya makapaniwala...

"Hon, nanalo tayo!" sigaw ni Edward.

"Miss, totoo po ba? Totoo bang kami ang nanalo ng brand new car?" pagkumpirma ni Roxanne.

"Opo, ma'am. Kayo po ang ika-limang daang libong customer. Kayo po ang nanalo ng bagong sasakyan!" tugon nito.

To be continued...

The SwitchNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ