Chapter 102: Ransom

3 0 0
                                    

"Joana, pakawalan mo ako rito! Pakawalan mo ako!" sigaw ni Leslie.

"No. Hindi ako papayag na makaalis ka rito. Dito ka na mamamatay!" tugon ni Joana.

"Ano ba 'yan? Ang ingay-ingay niyo naman!" sigaw ni Roxanne nang narinig niyang nag-uusap sina Joana at Leslie.

"Eh kasi eto e, sabi niya, pakawalan ko raw siya. As if naman na papayag ako." sambit ni Joana.

"Well, sige. Ako na ang bahala dito sa babaeng 'to." tugon ni Roxanne.

Iniwan ni Joana sina Roxanne at Leslie.

"Hi, Leslie! Kamusta ka na? Did you miss me? Kasi ako, namiss kita!" sarkastikong sambit ni Roxanne.

"Napakasama mo talaga, Roxanne! Ang sama-sama mo! Ikaw ang pakana ng lahat ng 'to?" tanong ni Leslie.

"Oh yes, Leslie. Ako ang nag-utos kina Joana at Olivia na ipakidnap ka. Poor Leslie. Mamamatay ka na dito." tugon ni Roxanne.

"Hayop ka, Roxanne. Hindi kayo magtatagumpay. Hindi ka magtatagumpay sa plano mo. Ililigtas ako nina ate, nila nanay at tatay." sambit ni Leslie.

"Asa ka pa. Hindi mangyayari 'yon. Hindi ka nila maililigtas dahil mamamatay ka na." tugon ni Roxanne.

"Anak, anong nangyayari rito? Why are you so being mean to her? Pwede ba, chill ka lang!" sambit ni Vicky.

"Ma'am Vicky? Magkasabwat po kayo nina Joana? Magkakilala po kayo?" tanong ni Leslie.

"Unfortunately, yes. Magkakilala kami. We're relatives." tugon ni Vicky.

Nagulat si Leslie sa mga sinabi ni Vicky. Hindi niya akalaing may koneksiyon sila sa isa't-isa.

"Oh, Leslie, ba't parang gulat na gulat ka? Para kang nakakita ng multo?" tanong ni Roxanne.

"Mga hayop kayo. Hindi ako papayag na patayin niyo 'ko! Hindi kayo magtatagumpay!" tugon ni Leslie.

—————

"Nay, tawagan niyo na po kaya si Leslie?" tanong ni Karen.

"Teka eto, nagriring pa." tugon ni Magda.

"Naku po tita, sana po, si Leslie ang makasagot ng telepono niya. Sana po, malaman na natin kung nasaan siya." sambit ni Mindy.

—————

Nag-ring ang telepono ni Leslie, ngunit hindi niya alam kung sino ang tumatawag.

"Akin na nga 'yang phone na 'yan. Sino naman kayang tumatawag sayo?" sambit ni Roxanne at kinuha ang telepono ni Leslie.

Nang makita niya kung sino ang tumatawag sa kaniya, nakita niyang si Magda ang tumatawag.

"Oh, ang nanay mo, tumatawag. Well, sige. I will let you to answer this call. Baka naman kasi sabihin mong masyado akong masama." dagdag pa ni Roxanne at sinagot niya ang telepono.

"Hello, anak? Leslie?" sambit ni Magda mula sa kabilang linya.

"Hello sa pinakapangit na nanay ni Leslie. Ano, alalang-alala na ba kayo sa anak niyo? Well, sorry na lang kayo dahil mamamatay na siya. Papatayin namin siya." tugon ni Roxanne.

"R-Roxanne? Ikaw ba 'yan? Anong gagawin mo sa anak ko?" tanong ni Magda.

"Magda, tanga ka ba? Hindi mo ba narinig 'yung sinabi ko? Ang sabi ko, papatayin ko ang anak mo! Uunahin namin si Leslie at pagkatapos, si Karen naman. Well, mag-ready na kayo na bumili ng kabaong dahil mamaya lang, wala na ang anak niyo." tugon ni Roxanne.

"Hayop ka, Roxanne! Akala ko ba, nakipag-ayos ka sa akin kasi gusto mong magbago? Hayop ka, pakawalan mo ang kapatid ko!" sigaw ni Karen sa telepono.

The SwitchWhere stories live. Discover now