Chapter 71: Ariana vs. Mystie

4 2 0
                                    

"Hay nako, insan. Alam mo, bumisita tayo mamaya sa bahay nila Edward. Kamustahin natin siya." suhestyon ni Bella.

"Oo nga, bes. Bisitahin natin 'yung asawa mo." dagdag pa ni Ariana.

"Alam ninyo, 'wag na siguro, kasi..."

"Ano? Galit na naman ba sayo 'yung biyenan mo? Bakit, anong sinabi niya?" tanong ni Ariana.

"Hindi ko nga alam kung bakit ganon 'yung biyenan ko, eh. Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya sa akin kahit na wala naman akong ginagawang masama. Ewan ko." tugon ni Roxanne.

"Ganun talaga ang mga biyenan. Kapag hindi nila gusto ang napangasawa ng anak nila, minamaltrato nila o kaya sinasaktan." sambit ni Bella.

"Alam mo, friend, 'wag ka nang umasang magbabago pa 'yang biyenan mong hilaw. Eh, pinaglihi yata yan kay Satanas, e." tugon ni Ariana.

"Ariana, lahat naman ng tao pwedeng magbago. Siguro, may dahilan lang talaga siya kung bakit siya ganon. Pero alam ko, na darating ang araw na magkakaayos kami." sambit ni Roxanne.

"Ay insan, naiihi na ako, e. Pwede bang magbanyo muna?" tanong ni Bella.

"O sige, samahan na kita. Ikaw ba, Ariana, magbabanyo ka rin ba?" tanong ni Roxanne.

"Hindi. Sige na, magbanyo na kayo. Dito lang ako." tugon ni Ariana.

"Ay, Ariana, kung magpunta ka na kaya sa kakainan natin. Gutom na ako eh. Magpa-reserve ka na ng table." sambit ni Bella.

"O siya, sige. I-text niyo na lang sa akin 'yung mga oorderin. Bilisan ninyong magbanyo ha." tugon ni Ariana.

"O sige."

Kaagad nagtungo sina Karen at Bella sa banyo. Naiwan mag-isa si Ariana. Kaagad siyang nagtungo sa paborito nilang kainan. Kaagad siyang nagpareserve ng mesa para sa kanilang tatlo.

"Kuya, pa-reserve nga ng table for 3." sambit ni Ariana.

"Sige po, ma'am."

"Uy, friend, saan naman tayo iikot next?" napalingon si Ariana nang marinig niya ang isang pamilyar na boses.

"Edi mamimili tayo ng damit. And then, uuwi na 'ko sa amin." sambit ng kausap niya.

"Ay talaga? Uuwi ka na sa inyo? Bakit, okay na ba kayo ng kuya mo?" sambit ng pamilyar na boses.

"Hindi. Pero makikipag-ayos muna ako sa kaniya. Teka, magbabanyo lang muna ako. Maiwan ka muna rito." tugon nito.

"Teka, friend..."

Hinanap ni Ariana ang pamilyar na boses. Nagulat siya nang makita niya si Mystie.

"Ikaw?" tanong ni Ariana.

"Ako?" tugon ni Mystie.

"Oo, ikaw. Hoy babae, anong ginagawa mo rito? Ano, guguluhin mo na naman ba kami?" tanong ni Ariana.

"Hoy Ariana, ang kapal ng mukha mo. Porket nandito na kami, guguluhin ka na namin kaagad? Duh, hindi ba pwedeng namamasyal lang kami ng friend ko?" tugon ni Mystie.

"Ah, so kasama mo pala 'yang amo mong kampon ni Satanas. Nasaan na ba siya?" tanong ni Ariana.

"Correction, hindi siya kampon ni Satanas. Siya mismo si Satanas. At kung nasaan man siya, wala kang pake." tugon ni Mystie.

"Ay wow, himala. Talagang umamin ka na si Satanas 'yang kaibigan mo? Oh, wow. So ano ka, kampon niya?" tanong ni Ariana.

"Oo. Kampon niya ako. At alam ko kung anong ginagawa sa mga kagaya mo, iniihaw at ginagawang pork barbecue." tugon ni Mystie.

"Pwes ako, hindi kita kailangang ihawin. Hindi ko kailangan ng superpowers para makagawa ng apoy. Dahil kayang-kaya kong hugutin 'yang dila mo at paduguin sa harap mo." sambit ni Ariana.

"Talaga? Kaya mo?" tanong ni Mystie.

"Oo, kaya ko." tugon ni Ariana.

Sakto namang may dumaan na crew ng restaurant at may bitbit siyang tray. Mayroon ding kutsara, tinidor, at kutsilyo. Kaagad kinuha ni Ariana ang kutsilyong dala niya.

"Kuya, pahiram muna ha." sambit niya.

"A-ano 'yan?" tanong ni Mystie.

"Kutsilyo. Eto ang gagamitin kong panghiwa sa dila mo! Para manahimik ka na at tumigil ka na ng kakasalita ng kung ano-ano!" tugon ni Ariana habang itinututok ang kutsilyo kay Mystie.

"Bitawan mo 'yan! Kung hindi, ipapakulong kita! Kakasuhan kita!" sambit ni Mystie.

"At ano naman ang ikakaso mo sa akin? At pano mo naman magagawa 'yon kung dugo-dugo na 'yang dila mo at 'di ka na makapagsalita?" tanong ni Ariana.

"Hayop ka, bitawan mo 'yan!" tugon ni Mystie at sinubukang kuhanin ang kutsilyo kay Ariana.

Biglang nahulog ang kutsilyo sa sahig. Sinabunutan naman ni Mystie si Ariana.

"Hayop ka! Hindi ka magtatagumpay!" sigaw ni Mystie.

"Bwisit ka! Walanghiya ka! Kagaya ka talaga ni Roxanne, pareho kayong demonyo!" tugon ni Ariana habang hila-hila ang buhok ni Mystie.

Nagpatuloy sila ng sabunutan hanggang sa makasakay sila ng escalator. Nagpagulong-gulong sila rito pababa.

Nang matapos magbanyo sina Karen at Bella, kaagad nilang hinanap si Ariana. Hindi nila ito makita.

"Nasaan si Ariana?" tanong ni Roxanne.

"Hindi ko rin alam. I-text mo kaya?" tugon ni Bella.

Napansin nila na parang may nagkakagulo. Kaagad nilang tinignan kung ano ba iyon.

Nagulat sila nang makita nila na may kaaway na babae si Ariana, ngunit hindi nila makita ang mukha nito.

Kaagad silang bumaba sa escalator at pinuntahan si Ariana.

"Ariana, tama na 'yan!" sigaw ni Roxanne.

Napalingon sina Ariana at Mystie nang marinig nila si Karen.

"Mystie? Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Roxanne.

"Friend, etong babaeng 'to, guguluhin na naman niya kayo! Kaya eto, inunahan ko na!" tugon ni Ariana.

"Hoy ikaw, Mystie, ano na namang ginagawa mo rito? Ano, guguluhin mo na naman ba si Karen? At 'yang amo mong demonyo, nasaan siya?" tanong ni Bella.

—————

"Nasaan na ba 'yung Mystie na 'yon? Saan na naman kaya naglakwatsa 'yun?" tanong ni Karen sa sarili.

Hindi makita ni Roxanne si Mystie kung saan niya ito huling iniwan. Sinubukan niyang tawagan si Mystie.

Habang tinatawagan niya si Mystie ay parang may narinig siyang pamilyar na boses. Kaagad niyang pinuntahan ito.

Bumaba siya ng escalator at nakita niya na naroon si Mystie.

"Alam mo, kung nasaan man si Roxanne, wala kayong pake. Alam niyo, mga bwisit kayo. Ang kakapal ng mukha ninyong sugurin ako! Eh, wala naman akong ginagawa! Alam mo kasi, Ariana, masyado kang paranoid! Masyado kang praning! Manang-mana ka kasi sa bestfriend mong si Karen na pinaglihi sa praning!" sambit ni Mystie.

Nang makita ni Roxanne na may kaaway si Mystie, kaagad niya itong pinuntahan.

"Mystie, sinong..." napatigil si Karen sa pagsasalita nang makita kung sino ang kaaway nito.

"Karen? Ariana? Bella? Anong ginagawa ninyo kay Mystie?" napalingon silang apat nang marinig ang boses nito.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now