Chapter 21: Pagbabalik

14 2 0
                                    

"Hon, are you okay?" muling tanong ni Edward.

"Y-yes, hon. I-i'm okay." tugon ni Roxanne.

"No, hon. Parang may mali. Ano ba 'yun?" tanong ni Edward.

"H-hon, may nag-text kasi sa akin na unknown number. Humihingi siya ng tulong." tugon ni Roxanne.

"Itanong mo nalang kung sino siya." sambit ni Edward.

"Sige, Edward. Ako nang bahala dito." tugon ni Roxanne.

Unknown number:
Karen...

Unknown number:
Karen...

Unknown number:
Tulungan mo ako...

Unknown number:
Please, Karen. Ikaw lang ang makakatulong sa akin...

Karen:
Sino ka? Bakit mo ako ginugulo?

Karen:
Kung sino ka mang nanggugulo sa akin, please tigilan mo na ako!

Unknown number:
Naku, anak, pasensiya na at hindi agad ako nakapagpakilala. Ang papa mo 'to. Anak, uuwi na ako sa bahay natin.

Karen:
Tay? Bakit po kayo humihingi ng tulong?

Unknown number:
Anak, pasensiya ka na. Alam kong marami akong kasalanan sa inyo ng mama mo. Kung pwede sana, tulungan mo akong kausapin ang mama mo. Kung pwede sana, magkita tayo dyan sa mansyon.

Karen:
Sige po, tay. Kailan po kayo pupunta rito?

Unknown number:
Nasa byahe na ako, anak. Malapit na ako. Siguro mga isang oras, nandyan na ako.

Karen:
Sige po, tay. Hihintayin ko po kayo.

----------

"Hon, okay lang ba sayo kung bumisita rito si Tatay?" tanong ni Roxanne.

"Of course, hon. Pwede naman." tugon ni Edward.

"Salamat, hon." tugon ni Roxanne.

Makalipas ang isang oras, nakarinig si Karen ng nag-dodoorbell sa labas. Mukhang si Rico na nga iyon.

Kaagad pinagbuksan ni Karen si Rico sa labas.

"Tay!" sambit ni Roxanne.

"Uhm, nandyan ba si Karen?" tanong ni Rico.

"Tay, ako po ito. Ako si Karen." tugon ni Roxanne.

"Iha, pasensiya ka na. Pero hindi ikaw ang anak ko. Kung pwede sana, ilabas mo na si Karen. Miss na miss ko na siya." sambit ni Rico.

"Tay, ako nga po ito. Ako po si Karen. Nagkapalit po kami ng katawan ni Roxanne. At, ito pong katawan niya ang gamit ko." tugon ni Roxanne.

"Ano? Sinong Roxanne?" tanong ni Rico.

"Mahabang kwento po, tay. Pero huwag po kayong mag-alala. Ipapaliwanag ko po sa inyo ang lahat." tugon ni Roxanne.

"Pero sandali, kung ikaw si Karen, nasaan ang katawan mo?" tanong ni Rico.

"Na kay Roxanne po, tay. Si Roxanne po ang gumagamit ng katawan ko ngayon." tugon ni Roxanne.

Napalingon si Karen sa pintuan nang biglang lumabas si Edward.

"Tito Rico?" sambit ni Edward.

"Edward, kamusta na kayo? Nasaan si Karen?" tanong ni Rico.

"Ah, tito, siya po si Karen. Siya po ang anak ninyo." tugon ni Edward.

"Tay, maniwala na po kayo. Ako po talaga si Karen. Ako po talaga 'yung ka-text niyo kanina." sambit ni Roxanne.

"Pero sige, may itatanong lang ako sayo. Kung ikaw si Karen, anong pangalan ng nanay mo at ng kapatid mo?" tanong ni Rico.

"Si Nay Magda po ang nanay ko, at si Leslie naman po ang kapatid ko." tugon ni Roxanne.

"Sige. Naniniwala na ako. Anak, miss na miss na kita." sambit ni Rico.

"Miss na miss na rin po kita, Tay." tugon ni Roxanne sabay yakap sa ama.

"Anak, may pakiusap sana ako. Kung pwede sana, tulungan mo akong kausapin ang mama mo. Gusto kong humingi ng tawad sa kaniya. Gusto kong magsorry dahil sa mga nagawa kong mali." pakiusap ni Rico.

"Sige po, Tay. Tutulungan ko po kayong kausapin si Nanay." tugon ni Roxanne.

"Salamat, anak." sambit ni Rico.

"Halika po, pasok muna tayo sa loob." sambit ni Edward.

Pumasok ang tatlo sa loob ng bahay.

"Tay, gusto niyo po ba ng kape?" tanong ni Roxanne.

"Hindi na, anak." tugon ni Rico.

"Sige po, tay. Magbibihis na po ako." sambit ni Roxanne at umakyat sa kwarto upang magbihis.

Maya-maya lamang ay bumaba si Rita upang kumain. Nakita niya si Rico na nakaupo sa sofa.

"Ah, sino sila?" tanong ni Rita.

"Ako si Rico. Ako ang ama ni Roxanne." tugon ni Rico.

"Oh, ikaw ang ama ni Karen? Well, honestly, troublemaker 'yang anak mo. Isipin mo, nakipagswitch ng katawan sa kaibigan niya. At pagkatapos, nasira pa ang switching machine kaya hindi siya nakabalik." sambit ni Rita.

"Ano? Switching machine? Anong switching machine?" tanong ni Rico.

"'Yun ang ginamit ng anak mo para makipagpalitan sila ng katawan. Ewan ko ba sa anak ko, hindi ko alam sa kaniya kung bakit siya bumili ng mamahaling switching machine na ganyan." tugon ni Rita.

"Teka, may alam ka ba kung anong dahilan kung bakit sila nagpalit?" tanong ni Rico.

"Nakita kasi ng anak ko ang magandang switching machine na 'yon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at bakit niya binili iyon. At kina Karen at Roxanne niya unang pinasubok ang switching machine na 'yon." paliwanag ni Rita.

Biglang bumaba si Karen ng hagdan. Nakita niyang nag-uusap sina Rico at Rita.

"Anak, bakit ka naman nakipag-switch ng katawan dun sa Roxanne?" tanong ni Rico.

"Tay, gusto po kasi sa aming ipasubok ni Edward 'yung switching machine. Pero huwag po kayong mag-alala, tay. Makakabalik rin po ako." tugon ni Karen.

"Sige, anak. Halika na. Pumunta na tayo sa nanay mo. Sige, pakisabi nalang kay Edward na umalis na kami." sambit ni Rico.

"Sige." tugon ni Rita.

----------

"Well, Mystie. Inis pa rin si Kuya. Ewan ko ba dun, ang init-init ng ulo." sambit ni Karen habang kausap si Mystie sa telepono.

"Eh bakit naman kasi ayaw mong sabihin sa kaniya na ikaw talaga ang may pakana sa pagsira ng switching machine?" tanong ni Mystie.

"Hindi pwede. Kita mo nga galit na galit si Kuya dahil nalaman niyang may sumira sa switching machine. Baka patayin ako non kapag nalaman niya." tugon ni Karen.

"Eh hanggang kailan mo itatago 'yang sikreto mo?" tanong ni Mystie.

"Ewan ko, Mystie. Hindi ko alam. Basta, bahala na." tugon ni Karen.

"Well, sige. Ikaw na ang bahala dyan." sambit ni Mystie at ibinaba ang telepono.

Tumungo si Roxanne sa may kusina upang uminom ng kape. Napatigil siya nang biglang may narinig siyang kumatok sa pinto.

Kaagad niyang pinagbuksan ang taong nasa labas. Nagulat siya sa nakita niya.

Nakita niya ang kaniyang ina.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now