Chapter 94: Pageant

0 0 0
                                    

"Joana, alam kong hindi ako magaling sa mga ganitong pageant. Pero tandaan mo, hinding-hindi ko susukuan ang pangarap ko. Hindi ako mawawalan ng pag-asang manalo. Alam kong kaya ko 'to. Kaya pwede ba, Joana, tumigil ka na! Hindi ako klase ng taong mahilig magback-out. Hindi ko ugali 'yon." napatayo si Leslie sa kaniyang kinauupuan at hinarap niya si Joana.

"Wow, ang kapal-kapal talaga ng pagmumukha mo! Feeling mo naman, maganda ka? Ang lakas ng loob mong sumali rito, eh baka mapahiya ka lang!" sambit ni Joana.

"Bakit ikaw, Joana? Bakit ka sumali rito? Para magpapansin kay Nikko? Para mapansin ka ng lahat ng tao sa stage? Para magpasikat? Alam mo, Joana, hindi mo ikakaunlad 'yan. Kaya pwede ba, mind your own business." tugon ni Leslie.

"No. I won't. Hindi ako papayag. Hindi ako titigil. Hindi ko pa rin nakakalimutan 'yung mga kasalanan mo sa akin noon. 'Yung pagtulak mo sa akin sa second floor, 'yung pang-aagaw mo kay Nikko? Hindi ko nakakalimutan 'yun. At kung sa tingin mong nababawasan ang galit ko sayo, hindi. Kasi mas lalo pang nadadagdagan. At kung mayron man akong most hated person in the whole world, ikaw lang 'yon at wala nang iba." sambit ni Joana at nagwalkout.

"Leslie, sino 'yon? Bakit ganun siya magsalita sayo? Tsaka, parang may ugali ring 'di maganda. Sino ba 'yon?" tanong ni Patricia kay Leslie.

"Hay nako, Patricia. 'Wag mo nang intindihin 'yung babaeng 'yun." tugon ni Leslie.

"That's Joana. Mortal enemy ni Leslie. Ewan ko nga sa babaeng 'yun eh. Parati na lang ginugulo si Leslie. Hindi ko rin nga maintindihan kung bakit siya ganun." sambit ni Mindy.

"Nako, sabihin mo, masama talaga ugali. Eh pinaglihi yata sa galit at sama ng loob 'yan eh." tugon ni Leslie.

"Hay nako, basta, huwag mo na lang siyang pansinin, Leslie. Huwag mong hayaan na magulo niya ang performance mo mamaya. Masisira ang ganda mo." sambit ni Patricia.

"Sige. Bahala na mamaya."

—————

"Nako, sana lang talaga at manalo si Leslie sa pageant. Alam kong kaya niya 'yon. Kahit na, nandoon si Joana." sambit ni Magda.

"Oo naman, Magda. Kayang-kaya 'yon ng anak natin. Baka nga, siya pa ang pinakamaganda dun sa buong pageant, eh." tugon ni Rico.

Habang nag-aayos si Magda ng kaniyang sarili ay may biglang kumatok sa pinto.

"Nay, ako na po." sambit ni Karen at binuksan niya ang pinto.

"Hi tita! Hi tito! Hi insan! Nandito na kami ni Ariana!" masiglang sambit ni Bella.

"Oh insan! Ariana! Halika, pasok kayo!" tugon ni Karen.

"Oh, andito na pala kayo? Halika, upo muna kayo. Nauna na si Leslie do'n sa venue. Kasama niya sina Mindy at Patricia." sambit ni Magda.

"Ah, sige po." tugon ni Bella.

"Naks naman, tita Magda! Ang ganda-ganda niyo naman po! Taray ha!" hirit ni Ariana.

"Naku hindi naman, Ariana. Pero, salamat. Pero I'm sure na si Leslie ang pinakamaganda mamaya." sambit ni Magda.

"Ay, siyempre naman po, tita. I'm sure na si Leslie ang magwawagi mamaya. Ganda-ganda niya eh oh." tugon ni Ariana.

"Naku, salamat sa suporta ninyo ha. Salamat ng marami. Sigurado ako na magiging masaya si Leslie kapag nakita niya kayong lahat na sinusuportahan siya." sambit ni Magda.

Makalipas ang ilang saglit, umalis na sila sa bahay nina Magda. Nagtungo na silang lahat sa lugar kung saan gaganapin ang pageant. Nakita sila ni Leslie kaya kaagad siyang lumapit sa kanila.

"Nay! Tay! Ate! Insan! Ariana!" sambit niya.

"Anak! Ang ganda-ganda mo naman ngayon!" sambit ni Rico.

"Salamat po, tay. Buti na lang po at nakarating kayong lahat. Mamaya pa po magsisimula 'yung program." tugon ni Leslie.

"Oo naman, anak. Siyempre, gusto ka naming makita na nagpeperform sa entablado. Ano, saulo mo na ba 'yung mga steps ng sayaw mo?" tanong ni Magda.

"Opo, nay. Tinuruan po ako nina Mindy at Patricia. At dinamihan ko po 'yung praktis para hindi ako magkamali." tugon ni Leslie.

"O sige, anak. Galingan mong mabuti ha." sambit ni Magda.

"Opo, nay. Gagalingan ko po para sa inyo." tugon ni Leslie.

Makalipas ang ilang minuto, nagpunta na ang mga contestants sa kani-kanilang mga pwesto. Nagpakilala silang lahat at sinabi nila ang kanilang mga kasabihan.

"Hi, I'm Ellen dela Cruz from purok dos! And I believe in the saying, "Time is gold!" and I thank you!"

"Hello everyone! I am Katherine Villavicencio from Cherrywood Village!"

"Hi everyone! It's me, Joana Salcedo from purok uno! And I believe in the saying that, "Don't judge the book by it's cover!" thank you!"

"Magandang gabi po sa inyong lahat! Ako po si Leslie Raymundo at naniniwala ako sa kasabihang, "Huwag mong gawin sa iba kung anong ayaw mong gawin nila sayo." maraming salamat po!"

Nagsipalakpakan ang mga manonood. Todo suporta sina Magda at Olivia sa kanilang mga anak.

"I'm sure na mananalo ang anak ko kesa sa anak mo." sambit ni Olivia sa isip niya habang nakatingin kay Magda.

Matapos ang kanilang pagpapakilala, nagkaroon ng kaunting break upang makapag-ayos ang mga contestants. Muling pumunta sina Leslie at Joana sa backstage.

"Wow, Leslie, talagang ginagalingan mo, ha? Well, kung ako sayo, 'wag mo nang galingan dahil I'm pretty sure na hindi ka mananalo sa akin. And I'm sure na mapapahiya ka lang sa mga taong nanonood. Kaya kung ako sayo, mag-back out ka na." sambit ni Joana.

"Joana, 'wag kang masyadong magmayabang. The contest is not yet over. Joana, 'wag ka masyadong confident. Pwede tayong matalo pareho dahil maraming sumali sa pageant na 'to. Kaya pwede ba, kung ako sayo, galingan mo na lang at huwag ka nang magmayabang." tugon ni Leslie.

"So what do you want to say? Na matatalo mo ako, ganon? Well, I don't think na mangyayari 'yon. Dahil I practiced all my dance steps and I'm sure that I'll win." sambit ni Joana.

Biglang pumasok si Nikko sa backstage at nakita niyang nagbabangayan sina Leslie at Joana. Inawat niya ito.

"Guys, nagbabangayan na naman ba kayo? Pwede ba, tumigil na kayo! Huwag na kayong magtalo! At ikaw Joana, tigilan mo na si Leslie!" awat ni Nikko.

"So ano, Nikko? Kakampihan mo na talaga 'yang babaeng 'yan? Ano, nauto ka na naman niya? So feeling mo talaga na mananalo 'yang Leslie na 'yan?" tanong ni Joana.

"Joana, stop it!" tugon ni Nikko.

Bigla namang dumating si Olivia.

"Hoy, anong ginagawa ninyo sa anak ko? Pinagkakaisahan niyo na naman? Pwede ba ha, tigil-tigilan niyo ang anak ko! Lalong-lalo ka nang babaeng Leslie ka!" sambit ni Olivia.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now