Chapter 36: Dark Plan

7 3 0
                                    

"Plans? Bakit, ano bang mga plano mo?" tanong ni Mystie.

"Mystie, saka na tayo mag-usap. Basta, pumunta ka sa bahay. Andun sila nanay at kuya. Pumunta ka na kaagad. Please." tugon ni Karen.

"O sige, sige. Pupunta na ako." ani Mystie at ibinaba ang call.

"Well, Karen, you're going down. I won't let you to reveal our secret. Hindi ko na hahayaan pa na masira ang lahat ng plano ko." sabi ni Karen sa sarili.

Makalipas ang ilang minuto, nakarating na rin si Tonio sa Sunflower Village.

"Ma'am, nasaan po kayo? Saan po ang bahay na tinutukoy ninyo?" tanong ni Tonio.

"Pagkapasok mo sa Sunflower Village, lumiko ka kaagad sa kanan. 'Yung pangatlong bahay. Nandun ako. Lalabas ako para makita mo 'ko." tugon ni Karen.

"Sige po, ma'am." ani Tonio.

Lumabas si Roxanne sa bahay nina Edward. Nakita niya ang van na sinasakyan ni Tonio. Kumaway si Roxanne upang makita siya ni Tonio.

"Ma'am, bakit niyo po ba ako pinapunta rito?" tanong ni Tonio.

"Meron tayong kailangang dispatsahin." tugon ni Karen.

"Dispatsahin? Sino po?" tanong ni Tonio.

"Pwede ba, Tonio, 'wag ka nang maraming tanong! Halika, pumasok tayo sa bahay at nang makita mo." tugon ni Karen.

Wala na lamang magawa si Tonio kundi ang sundan si Roxanne. Dinala ni Roxanne si Tonio sa kwarto nila ni Edward. Nakita ni Tonio ang walang malay na si Karen na nasa katawan ni Roxanne.

"Ma'am, hindi ba kayo 'to? Sino ang nasa katawan ninyo?" tanong ni Tonio.

"Si Karen. Si Karen ang nasa katawan ko." tugon ni Roxanne.

"Karen? Sino po si Karen?" tanong ni Tonio.

"Nakikita mo 'tong mukhang 'to? Ito si Karen. Pero ako ang gumagamit ng katawan na 'to, si Roxanne. Kaya bilisan mo, baka mahuli tayo ng nanay ni Edward. Nandito lang siya, natutulog." tugon ni Karen.

"Sige po, ma'am." sambit ni Tonio at binuhat ang katawan ni Roxanne patungo sa sasakyan.

Nang makasakay sila sa sasakyan, tinanong ni Tonio kung saan sila pupunta.

"Doon tayo sa bahay namin. Kung saan kita pinapunta noong nakaraang araw." sambit ni Karen.

"Sige po."

—————

"Ano na kayang nangyari doon kay Karen? Nakaamin na kaya siya kay Edward?" tanong ni Magda.

"Hindi ko po alam, tita. Tawagan niyo po kaya?" tugon ni Bella.

"Tama ka, Bella. Sige, tatawagan ko si Karen. Sana naman ay hindi siya gawan ng masama ni Roxanne." sambit ni Magda.

Kinuha ni Magda ang kaniyang telepono at tinawagan si Karen.

—————

Narinig ni Roxanne na may tumutunog na kung ano. Telepono iyon ni Karen!

Kinuha niya ang telepono. Nakita niya kung sino ang tumatawag. Si Magda. Sinagot niya ang tawag.

"Hello, anak? Ano nang balita? Nakaamin ka na ba kay Edward? Nasabi mo na ba ang totoo?" tanong ni Magda.

Walang narinig na tugon si Magda.

"Hello, anak? Nandiyan ka ba?" muling tanong ni Magda.

Wala pa rin siyang narinig na tugon. Ibinaba ni Roxanne ang telepono.

"Ano po, tita? Ano pong sabi ni Karen?" tanong ni Bella.

"Wala, Bella. Hindi siya sumasagot. May sumagot ng telepono niya pero hindi ko alam kung sino. Hindi ko alam. Natatakot ako, baka may kung anong ginawa na si Roxanne sa kaniya." tugon ni Magda.

"Tita, 'wag na po kayong matakot. Wala pong masamang mangyayari kay Karen." tugon ni Bella.

"Sana nga, Bella. Sana nga." ani Magda.

—————

"Hi po, nandyan po ba si Roxanne?" tanong ni Mystie kay Vicky nang makarating siya sa bahay nila.

"Wala dito si Roxanne. Nasa mansiyon siya. Hindi ba niya nasabi sayo?" tanong ni Vicky.

"Hindi po, tita. Sinabi niya lang po na pumunta raw po ako dito." tugon ni Mystie.

"Hintayin mo lang siya. Papunta na 'yun siguro dito." ani Vicky.

"Sige po, tita." sambit ni Mystie.

Maya-maya pa ay may isang van na dumaan sa harapan ng bahay nina Roxanne. Nakita ito nila Vicky at Mystie. Nakita nilang bumaba si Roxanne at Tonio. Nakita rin nila ang wala pa ring malay na si Karen.

"Ano 'to, Roxanne? Anong nangyari?" tanong ni Vicky.

"Nay, itong babaeng 'to, nagtangkang sabihin kay Edward ang totoo. Tingin niya, papayag ako sa gusto niya?" tugon ni Karen.

"Ang galing mo talaga, anak. Eh, ano nang balak mo kay Karen?" tanong ni Vicky.

"Sige, itali niyo muna 'yang babaeng 'yan!" utos ni Karen.

Itinali nila si Karen ng mahigpit.

"Sige, kayo na munang bahala d'yan. Hindi siya pwedeng makatakas." sambit ni Karen.

Makalipas ang sampung minuto, nagkaroon na rin ng malay si Karen. Napagtanto niyang nakatali siya. Hindi niya maalis ang tali dahil sobrang higpit ng pagkakatali sa kaniya.

Lumingon siya sa paligid. Nakita niya si Mystie.

"Mystie, tulungan mo ako! Pakawalan mo ako rito!" sigaw ni Roxanne.

Tumayo si Mystie sa kaniyang kinauupuan. Kinuha niya ang baril na nasa tabi niya.

"Hindi ka na makakatakas dito. Mamamatay ka na. Subukan mo pang ibuking si Roxanne, hindi lang 'yan ang aabutin mo!" sambit ni Mystie.

"Mystie, please! Pakawalan mo ako! Pramis, hindi ko sasabihin ang totoo kay Edward! Kung gusto ninyo, aalis na kami rito!" tugon ni Roxanne.

"Ano sa tingin mo, mauuto mo sila? Hindi. Hindi mo sila mauuto. Kaya kung ako sayo, shut up ka na lang kasi kung hindi, wawasakin ko 'yang pes mo." sambit ni Mystie at itinutok ang baril kay Karen.

Bigla namang dumating si Roxanne. Nadatnan niyang tinututukan ng baril ni Mystie si Karen.

"Hoy, Mystie! Anong ginagawa mo kay Karen?" tanong ni Karen.

"Tinuturuan ko lang naman ng leksyon ang babaeng 'to. Humihingi sa akin ng tulong. Gusto niyang pakawalan ko siya." tugon ni Mystie.

"Gaga ka ba? Eh bakit mo tinutukan ng baril? Eh kung mapatay mo 'yan? Edi, hindi ko mababawi ang katawan ko!" ani Karen.

"Ay, oo nga 'no. Pero hindi ba, sinabi mo na mag-sstay ka na d'yan sa katawan niya forever?" tanong ni Mystie.

"Ano? Anong sinasabi mo, Mystie? Anong balak niyo sa katawan ko?" tanong ni Roxanne.

"Shut up, Karen. Tumigil ka. Hindi kita kinakausap. At ikaw naman Mystie, pwede ba ha? 'Wag mo namang pairalin ang kabobahan mo! Maging matalino ka rin naman paminsan-minsan!" sambit ni Karen.

"Okay, fine." tugon ni Mystie at bumalik siya sa kaniyang kinauupuan.

Tumingin naman si Roxanne kay Karen.

"Ano, Karen? Masaya ba na nakatali ka d'yan? Well, subukan mo pa akong ibuking kay Edward. Hinding-hindi ako papayag na gawin mo 'yun." sambit ni Karen.

"Bakit, Roxanne? Ano bang balak ninyo sa akin? Pwede ba, pakawalan niyo na ako rito!" ani Roxanne.

"Balak? Anong balak namin sayo? Well, balak ka naming patayin. I won't let you na ibuking mo ako kay Edward." tugon ni Karen.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now