Chapter 70: Connection

3 2 0
                                    

"What did you say, Edward? Ipinagtatanggol mo etong asawa mo?" tanong ni Rita.

"Mama, I'm just doing what is right! At tama lang na ipagtanggol ko ang asawa ko!" tugon ni Edward.

"Alam mo, nang dahil dito sa babaeng 'to, hindi mo na ako nirerespeto! Nang dahil sa kaniya, nagagawa mo akong suwayin!" sambit ni Rita.

"Mama, hindi. Hindi kita sinusuway. Ginagawa ko lang ang tama. At hindi tamang palayasin mo siya." tugon ni Edward.

"Hindi tamang palayasin 'tong si Karen? So ano, isisiksik mo siya rito sa bahay natin? Ano, dagdag palamunin? Ha? Dagdag gastos?" tanong ni Rita.

"Edward, hayaan nalang natin ang mama mo. Tita, pasensiya na po kayo kung nagiging pabigat ako. I'm sorry." sambit ni Roxanne.

"Mabuti at alam mo. Sige na, lumayas ka na. Hindi ka namin kailangan dito. You can go now." tugon ni Rita.

"Edward, hon, babalikan kita. Don't worry." sambit ni Roxanne.

"Sige na, alis na tama na 'yang drama." tugon ni Rita.

Wala na lamang magawa si Karen kundi ang umalis at iwan si Edward sa kaniyang ina.

—————

"Mommy, I'm bored. Kelan ba ako makakalabas dito sa boring na ospital na 'to?" tanong ni Joana habang nakaupo sa hospital bed.

"Anak, tiis-tiis ka lang. Don't worry, dahil kapag dumating na 'yung pinsan ko, makakakuha tayo ng pera sa kanila. Makakabayad na tayo sa bill mo dito." tugon ni Olivia.

"Alam mo, kasalanan kasi ng walanghiyang Leslie na 'yon e. Kasalanan niya kung bakit nandito ako sa pesteng ospital na 'to. Kung hindi niya sana ako tinulak sa second floor, edi sana wala ako dito." sambit ni Joana.

"Don't worry, anak. Nandyan ang pinsan ko para tulungan tayo. Marami silang koneksiyon. Pwede nating ipapatay si Leslie sa kanila." tugon ni Olivia.

"I like it. Pero, huwag niyo munang patayin si Leslie. Gusto kong magdusa muna siya katulad ng ginawa niya sa akin. I want her to suffer like what happened to me. At dobleng paghihirap ang ibabalik ko sa kaniya." sambit ni Joana.

"Well, galingan mo ha." tugon ni Olivia.

Napalingon sila sa pinto nang biglang may kumatok dito.

"Andyan na yata sila. Kailangan, magmukha kang kaawa-awa para bigyan nila tayo ng pera. Sige na, humiga ka. Higa." sambit ni Olivia.

Kaagad sinunod ni Joana ang sinabi ng kaniyang ina. Nagkunwari siyang hirap na hirap kumilos at masakit ang katawan.

Pagkatapos ay binuksan ni Olivia ang pinto. Dumating na sina Vicky at Fred.

"Victoria, insan!" sambit ni Olivia.

"Ano ka ba, Vicky na lang ang itawag mo sa akin. How are you?" tanong ni Vicky.

"Well, eto, medyo nahihirapan kasi hirap ang anak ko. Alam mo, hindi nga niya masyadong magalaw ang buong katawan niya, e. Naaawa nga ako sa kaniya." tugon ni Olivia.

"Naku, talaga ba? Sana, gumaling na siya kaagad." sambit ni Vicky.

"Oo nga insan eh, alam mo, naaawa nga ako sa anak ko. Hinulog siya nung kaaway niya sa second floor ng mall. Eh, ayun, medyo nagkaroon ng komplikasyon kaya ayan, kinailangan naming mag-stay sa ospital ng matagal-tagal." tugon ni Olivia.

"Naku, ganun ba? O sige, eto, sampung libo, tanggapin mo." sambit ni Vicky.

"Naku insan, maraming salamat. Pero, eto lang? Hindi ba parang ang liit naman nito?" tugon ni Olivia.

"Naku insan, don't worry. Kung gusto mo, kami na ang sumagot ng hospital bills ninyo. If you want. 'Yang sampung libo, pang-gastos niyo na 'yan sa bahay." sambit ni Vicky.

"Naku, insan, maraming salamat talaga ha. Sorry, pero 'di ko na 'yan tatanggihan. Alam mo naman na gipit na gipit talaga kami ngayon." tugon ni Olivia.

"Okay lang 'yun, insan. Eh bakit pa tayo naging magpinsan kung hindi tayo magtutulungan, 'di ba?" sambit ni Vicky.

"Oo nga naman, insan. Siyempre, tayo-tayo na rin lang ang magtutulungan." tugon ni Olivia.

"O siya, insan, napadaan lang naman kami dito kasi kakamustahin lang namin si Joana. Eh sayang, dahil hindi pa siya gising. Pero insan, balitaan mo na lang kami kapag gising na siya." sambit ni Vicky.

"Sige, sige. Babalitaan ko na lang kayo kapag gising na si Joana. Salamat sa pagbisita, insan." tugon ni Olivia.

Nang makaalis ng kwarto ni Joana sina Vicky at Fred, bumangon si Joana sa higaan.

"Wow, mommy, ang galing mo. Nag-work ang plano mo." sambit ni Joana.

"Siyempre, anak. Alam mo naman ang mommy mo, ma-PR. Well, alam mo na, mayaman sila insan at marami silang kwarta." tugon ni Olivia.

"Nice one, mommy. Sige lang, ituloy mo lang 'yang scheme mo. I'm just here by your side to support you. Buti na lang at nakadali ka kaagad ng 10k." sambit ni Joana at nakipag-apir sa kaniyang ina.

—————

"Oh, anak, akala ko ba, kina Edward ka matutulog? Bakit umuwi ka na kaagad?" tanong ni Magda.

"Nay, pinalayas na naman po ako ng nanay ni Edward. 'Di ko nga po alam kung bakit parating mainit ang dugo niya sa akin eh." tugon ni Roxanne.

"Hayaan mo na, anak. Ako na ang bahala kay Rita. Kakausapin ko siya. Para naman, hindi ka na niya palayasin. May karapatan ka kay Edward dahil asawa mo siya. May karapatan kang mag-stay sa mansyon." sambit ni Magda.

"Salamat, Nay. Nga po pala, may lakad kami ulit nina Ariana at Bella. Gusto raw po nilang lumabas kasama ko." tugon ni Roxanne.

"O siya sige, anak. Pero, mag-iingat ka kapag lumabas kayo." sambit ni Magda.

"Opo, Nay. Salamat po."

—————

"Mga bes, buti pumayag kayo ulit na lumabas tayo. Masyado na rin kasing boring sa bahay eh." sambit ni Ariana.

"Oo nga, tsaka, wala rin naman ako masyadong ginagawa kasi day-off. Buti na lang at nagyaya ka, Ariana." tugon ni Bella.

"Oo nga, eh, mag-shoshopping ba tayo?" tanong ni Roxanne.

"Oo. Window shopping. Charot!" tugon ni Ariana.

"Eh, ano nga bang bibilhin natin?" tanong ni Bella.

"Wala naman. Gusto ko lang ulit mag-bonding. Bored na bored kasi talaga ako dito sa quarantine na 'to eh. Buti na lang at 'di na masyadong naghigpit." tugon ni Ariana.

"Uy, insan, balita ko, buhay daw si Edward? Naku, congrats!" sambit ni Bella.

"Talaga, friend? Naku, congratulations!" dagdag pa ni Ariana.

"Oo, buhay siya. Hindi ko nga akalain na nakaligtas siya eh." sambit ni Roxanne.

"Naku, insan. Alam mo, mabait ka kasi kaya pinagpapala ka ng nasa itaas." tugon ni Bella.

"Naku, Bella, salamat talaga sa Kaniya. Kung hindi dahil sa Kaniya, siguro, wala na ang asawa ko ngayon." ani Roxanne.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now