Chapter 89: Kill Karen

3 1 0
                                    

"Magda, nandito ako para humingi ng tawad sa inyo. Nandito ako para humingi ng sorry lalong-lalo na kay Karen. I know that I became a bad mother-in-law. Sana, mapatawad niyo pa ako." sagot ni Rita.

"Edward, anong nangyari sa inyo? Bakit kayo naaksidente?" tanong ni Rico.

"Tito, may sasakyan pong bumangga sa amin. Pamilyar nga po 'yung itsura nung sasakyan eh. Hindi ko lang po alam kung sino." tugon ni Edward.

"Rico, anong gagawin natin?" tanong ni Magda.

"'Wag kayong mag-alala, papa-imbestigahan natin 'yung nangyari sa inyo. Aalamin natin kung kaninong sasakyan ba 'yung nang hit-and-run sa inyo. Nakuha mo ba ang plaka ng sasakyan?" tanong ni Rico.

"H-hindi po. Pero, alam ko po 'yung itsura ng sasakyan. Alam ko po bawat detalye. Pero sana nga po, malaman ko kung sino 'yung may-ari ng sasakyan na 'yon." tugon ni Edward.

—————

"Ano, masaya ka na ba? Nakaganti ka na kina Karen. Kaso sayang lang, wala si Bella." ani Vicky.

"Oh, yes, Nay. Masaya na ako dahil nakaganti na 'ko sa mga pesteng 'yon. But I'm still not contented. Gusto ko pang dagdagan." tugon ni Karen.

"Eh, anong balak mo? Anong gusto mo pang gawin sa kanila? Papahirapan? Papatayin? Totorture-in? Kikidnapin? Ano? Paulit-ulit nalang 'tong ginagawa mo. Wala na bang bago?" tanong ni Vicky.

"Well, this time, iibahin naman natin. Papatayin ko siya sa harapan ng pamilya niya. Para makita nilang lahat kung papaano ko papatayin ang anak nila sa harapan nila mismo." tugon ni Karen.

"Eh papaano mo gagawin 'yang plano mo?" tanong ni Vicky.

"Well, pupuntahan ko sila sa bahay ni Edward. For sure naman, may magsasabi kung nasaang ospital o funeraria sila. And then after that, pupuntahan ko sila kung nasaan mang lupalop sila ng Pilipinas." tugon ni Karen.

"So sa tingin mo naman, may magsasabi sayo kung nasaan sila? Eh papaano kung walang tao sa bahay nila?" tanong ni Vicky.

"Edi pupunta ako sa pinakamalapit na ospital. For sure, nandoon sila." tugon ni Karen.

"Well, I hope na magtagumpay ka sa plano mo." sambit ni Vicky.

"Thank you."

—————

Makalipas ang ilang oras, nagising na rin si Karen. Medyo masakit pa rin ang ulo niya pero hindi na ganong kalala.

"N-nasaan ako?" tanong ni Roxanne nang makita niya si Magda.

"Anak, nandito ka sa ospital. Naaksidente kayo ni Edward." tugon ni Roxanne.

"Nasaan po si Edward, nay?" tanong ni Roxanne.

"Ah, bumili lang sila ng pagkain, 'nak." tugon ni Magda.

"S-sila? Sino pong kasama niya?" tanong ni Roxanne.

"Si Rita. Alam mo, may gusto raw siyang sabihin sayo. Kaya lang, tulog ka pa kanina kaya hindi niya tuloy masabi." tugon ni Magda.

"A-ano raw po 'yun?" tanong ni Roxanne.

Bigla namang bumukas ang pintuan at pumasok sina Edward at Rita. May mga dala itong pagkain.

"Hon, gising ka na pala!" sambit ni Edward.

"Karen, mabuti na lang at nagising ka na. Kanina ka pa namin hinihintay na magising. Heto, may mga dala kaming pagkain, para sayo 'to lahat. Kumain ka na." dagdag pa ni Rita.

"S-salamat po. M-may gusto raw po kayong sabihin sa akin?" tanong ni Roxanne.

"Oo sana, Karen. I just want to apologize sa mga nagawa ko sa iyo noon. I know that I became a bad person. Hindi ako naging mabuting biyenan sa iyo. Pasensiya ka na rin kung kinaladkad kita noon sa pamamahay ko. Pasensiya na rin kung pinagbintangan kitang kriminal dahil sa pagpatay mo sa tita mo. Napatunayan ko kasi noong ma-abswelto ka na isa kang mabuting tao. Nagkamali ako ng paghusga sayo. Kaya sana, I hope na mapatawad mo ako sa lahat-lahat ng mga nagawa ko sayo." tugon ni Rita.

"Ayos lang po 'yun, tita Rita. Pinapatawad ko na po kayo. Pasensiya na rin po sa mga nasabi ko noon sa inyo. Sana po, patawarin niyo na rin po kami." sambit ni Roxanne.

"Oo naman, Karen. Alam kong mga Villanueva ang may kagagawan ng lahat ng ito. Idiniin ka nila sa kaso na hindi mo naman ginawa. At sisiguraduhin ko na magbabayad silang lahat sa kahayupang ginawa nila sa pamilya ninyo." tugon ni Rita.

"Salamat po, tita." sambit ni Roxanne.

"'Wag mo na akong tawaging tita. Tawagin mo na akong mama. At hinihiling ko na sana, bumalik ka na sana sa mansyon. Doon ka na sana ulit tumira kasama namin. Ipinapangako ko sayo, hindi na kita ulit aawayin. Gusto ko lang sanang makabawi sa mga nagawa kong mali sayo noon." tugon ni Rita.

"T-talaga po?" tanong ni Roxanne.

"Oo naman, iha. Pero sana, magpaalam ka na muna sa mga magulang mo na kung pupwede, sa amin ka na ulit tumira." tugon ni Rita.

"Oo, anak. Pumapayag na ako." sambit ni Rico.

"Ako rin, sige. Kung saan ka masaya, susuportahan ka namin, anak." dagdag pa ni Magda.

"Salamat po ng marami, nay at tay. Salamat din po, tita Rita. Ay, mama na nga po pala." nakangiting tugon ni Roxanne.

—————

"Sige na nay, alis na 'ko. May misyon pa 'kong dapat gawin." pagpapaalam ni Karen.

"Well, sige. Gusto mo bang samahan kita?" tanong ni Vicky.

"'Wag na. Kaya ko na 'to. Yakang-yaka ko 'yun si Karen. Goodluck na lang sa kaniya dahil malapit na siyang mamaalam." tugon ni Karen.

"Okay, fine. Ingat ka."

Nang makasakay si Roxanne sa kaniyang sasakyan, napangiti siya.

"Magpaalam ka na sa pamilya mo, Karen. Because today, everything will end. Mamamatay ka na. At ipapakita ko sa kanilang lahat kung papaano kitang papatayin." bulong niya sa sarili.

—————

Makalipas ang isang oras, napagdesisyunan nina Rita at Edward na umuwi muna.

"Karen, uuwi muna kami ng anak ko. Magpapahinga lang kami saglit. Pagkatapos, babalik kami mamaya." sambit ni Rita.

"Sige po, mama. Mag-iingat po kayo." tugon ni Roxanne.

"Hon, babalik ako mamaya. Dito ka na muna." dagdag pa ni Edward.

"Sige, hon. Love you."

Naiwan sina Karen, Leslie, Magda, at Rico sa loob ng kwarto. Medyo nagugutom na rin sila kaya naman ay napagdesisyunan nina Magda at Rico na bumili na muna ng pagkain.

"Anak, dito muna kayo ng ate mo. Bibili lang kami ng tatay niyo ng pagkain. 'Wag kayong lalabas ha." sambit ni Magda.

"Opo, Nay. Dito lang po kami ni ate." tugon ni Leslie.

Lumabas sina Magda at Rico upang bumili ng pagkain. Naiwan naman sina Leslie at Karen sa kwarto. Nanonood sila ng telebisyon.

—————

Nang makarating si Roxanne sa bahay nina Edward, napansin niya na parang walang tao.

"Nasaan naman kaya 'yung mga pesteng 'yun?" tanong niya sa sarili.

Napagdesisyunan ni Roxanne na magpunta sa pinakamalapit na ospital. Maaaring nandoon si Karen.

Kaagad siyang sumakay sa kaniyang sasakyan at kaagad na nagpunta sa ospital. Nang makarating siya sa ospital, kaagad niyang tinanong kung nasaan si Karen.

"Miss, may pasyente ba kayong Roxanne Villanueva?" tanong niya sa nurse.

"Meron po, ma'am. Nasa room 314 po siya." tugon ng nurse.

"Sige miss, salamat."

Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Roxanne. Kaagad niyang pinuntahan si Karen sa kaniyang kwarto.

"Room 314. Humanda ka sa 'king peste ka. Magiging katapusan mo nang hayop ka. Once na makarating ako d'yan, magiging magulo ulit ang buhay mo. Hindi ako titigil hangga't sa hindi ka namamatay, peste ka." bulong niya sa sarili.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now