Chapter 98: Kasinungalingan

1 0 0
                                    

"A-ano? S-sino si Karen? Alam mo ba kung nasaan siya?" tanong ni Nerissa.

"O-opo. Alam ko po kung saan siya nakatira. Pwede kong ituro sa inyo kung saang lugar siya nakatira. Mahigpit kong karibal si Karen. At noon pa man, ginugulo na niya ang buhay ko." tugon ni Roxanne.

"Pwede mo bang ituro kung saan siya nakatira?" tanong ni Nerissa.

"Sure, tita. Tutulungan ko kayo. Gusto ko ring maipaghiganti ang pagkamatay ni Mystie." tugon ni Roxanne.

"Salamat, Roxanne. Alam kong isa kang mabuting kaibigan." ani Nerissa.

—————

Nang makauwi si Nerissa, sinalubong naman siya ng kaniyang asawa na si Nelson. Napansin niya na parang may iba kay Nerissa.

"Beh, kamusta ang pagdalaw mo sa anak natin? Okay ka lang ba? Bakit ganyan itsura mo?" tanong ni Nelson.

"Beh, may nalaman ako. Alam ko na kung sinong pumatay kay Mystie." tugon ni Nerissa.

"A-ano? Sino?" tanong ni Nelson.

"Si Karen. Mahigpit daw siyang karibal ni Roxanne. At matagal niya na raw ginugulo ang buhay ni Roxanne. Kaya malamang, siya rin ang may kagagawan kung bakit namatay ang anak natin. Malamang nadamay ang anak natin sa mga kalokohan niya." tugon ni Nerissa.

"Sinong nagsabi nyan sayo? Kanino mo nalaman?" tanong ni Nelson.

"Kay Roxanne. Nakita ko rin siyang dumalaw sa puntod ni Mystie. In fact, kasama ko siya ngayon." tugon ni Nerissa.

Dahan-dahang pumasok si Roxanne sa bahay nina Nerissa.

"H-hello po, tito Nelson. Kamusta na po kayo?" sambit ni Roxanne.

"Roxanne? Long time no see! Okay naman kami. Pero, 'di kasi namin mapigilang mag-alala kay Mystie. Nami-miss na namin ang anak namin." tugon ni Nelson.

"'Wag po kayong mag-alala, tutulungan ko po kayong hanapin ang pumatay sa anak ninyo. Kilalang-kilala ko po si Karen. Kahit pa po noon, ginugulo na niya ang buhay ko. Sinusubukan niyang sirain. Pero, hindi siya nagtatagumpay." sambit ni Roxanne.

—————

"Arghhh! Bwisit! Bwisit talaga 'yang Leslie na 'yan! Bakit ba parati na lang pumapanig sa kaniya ang mundo? Bakit ba parati na lang siya?" inis na sigaw ni Joana nang makauwi siya ng bahay.

"Oh, ano na naman 'yang pinuputok ng buchi mo? Ano na naman 'yang iniinit ng ulo mo?" tanong ni Olivia.

"Kasi naman Nay, sinugod ko kanina si Leslie. Tinakot ko siya sa hand grenade na dinala ko. Pero inawat ako nung mga taong nandun! Ayun tuloy, hindi ko napatay 'yung bruhang 'yun!" tugon ni Joana.

"H-hand grenade? Saan ka nakakuha ng hand grenade?" tanong ni Olivia.

"Sa akin." kaagad na sambit ni Vicky nang bigla siyang pumasok ng pinto sa bahay nina Joana.

"T-tita Vicky?" sambit ni Joana.

"Yes, Olivia. Tama ang narinig mo. Ako ang nagbigay ng hand grenade sa anak mo. Nabalitaan ko kasi ang nangyari sa kaniya sa beauty pageant. Kalaban niya pala si Leslie. And I also heard na inagaw ni Leslie sa kaniya ang koronang dapat sa kaniya. So, I helped her." tugon ni Vicky.

"Vicky, nababaliw ka ba? Bakit mo naman binigyan ng hand grenade ang anak ko? Eh kung matanggal niya 'yung pin? Edi nasabugan din siya!" sambit ni Olivia.

"Chill, Olivia. Chill ka lang. Pwede ba ha, pakinggan mo muna ako. That hand grenade is fake. Binigay ko lang 'yon kay Joana para takutin si Leslie. But don't worry, it won't explode. Hindi niyan masasaktan ang anak mo." tugon ni Vicky.

"Nakakaloka kayo. Kinabahan naman ako eh. Bakit kasi hindi niyo sinabi agad? Pero anak, alam mo, mabuti 'yan. Sige. Takutin mo lang ng takutin 'yang Leslie na 'yan hanggang sa magtanda siya. Baka akala niya, nakakalimutan ko 'yung ginawa niya sayo sa mall. 'Yung paghulog niya sayo sa second floor." sambit ni Olivia.

"Kaya nga, Olivia. Tutulungan ko kayo ng anak mo na makaganti sa pamilya ni Leslie. Unti-unti natin silang uubusin at papatayin. Hindi nila tayo pwedeng api-apihin ng ganun-ganun na lang." tugon ni Vicky.

"Thank you so much, tita. Thank you for your help. Finally, makakaganti na rin ako sa bwisit na babaeng 'yun. Ang babaeng sumira ng buhay ko. Ang babaeng umagaw sa mahal ko. At ang babaeng umagaw sa korona ko." ani Joana.

—————

"Well, Nay, guess what? I saw someone kanina sa sementeryo." sambit ni Roxanne.

"Huh? Sino naman?" tanong ni Vicky.

"Ang mahaderang mudra ni Mystie. Tinanong niya kung anong nangyari sa anak niya at kung anong kinamatay." tugon ni Roxanne.

"A-ano? Eh anong sinabi mo? Sinabi mo bang ikaw ang nagpapatay sa anak niya?" tanong ni Vicky.

"Nay, siraulo ba kayo? Bakit ko naman ibubuking sarili ko? Ano ako, tanga?" tugon ni Roxanne.

"Medyo. Pero, anong sinabi mo sa kaniya? Sinong sinabi mong pumatay sa kaniya?" tanong ni Vicky.

"Sinabi kong si Karen ang pumatay kay Mystie. And I'm sure na kapag nakilala niya at nakita si Karen, maghihiganti siya. At kapag nangyari 'yon, edi para na rin akong nakaganti." tugon ni Roxanne.

"Matalino ka rin pala kahit papaano. That's good. Sige, ipakilala mo na si Karen sa nanay ni Mystie at nang makaganti ka na sa kanila." sambit ni Vicky.

"Well, ano pa nga ba? I'm so excited na pag-awayin 'yung dalawang 'yon. For sure, mapapatay niya si Karen sa galit niya kapag nakilala niya ang pumatay kuno sa anak niya." tugon ni Roxanne.

—————

"Oh, Roxanne, napadalaw ka?" tanong ni Nerissa.

"Well tita, I told you na ipapakita ko sayo ang pumatay sa anak mo? Well, nandito ako para sunduin ka. Pupunta tayo sa kanila." tugon ni Roxanne.

"Oh my gosh, you know kung sinong pumatay sa insan ko? Oh my! Nakakatakot! Baka pati ako, tigukin niya!" sambit ni April na siyang pamangkin ni Nerissa.

"Ah, nga pala, si April. Pamangkin ko. Dito siya sa amin nakatira. Since, nung namatay ang parents niya, sa amin na siya ibinilin." pagpapakilala ni Nerissa.

"Ah, hello, April. Ako si Roxanne. Kaibigan ni Mystie. Well, tita, ready ka na ba?" sambit ni Roxanne.

"Yes. I am so ready. I want to see that Karen. Hindi na ako makapaghintay na makaganti sa kaniya. I will make sure na pagbabayaran niya ang ginawa niya sa anak ko." tugon ni Nerissa.

Kaagad pinuntahan nina Roxanne at Nerissa ang bahay nina Magda. Itinigil nila ang sasakyan nila sa labas ng bahay.

"Ayan, d'yan ang bahay ng nanay at tatay ni Karen. Pero si Karen, nakatira siya sa mansyon kasama ng asawa niya." sambit ni Roxanne.

"Oh, eh bakit dito tayo pumunta? Eh bakit hindi sa mansyon?" tanong ni Nerissa.

"Nagpunta tayo rito para ipakita ko sayo kung saan nakatira ang pamilya niya. But, don't worry, tita. Pupunta rin tayo sa mansyon." tugon ni Roxanne.

"Oh, tara na." sambit ni Nerissa.

"Wait, may paparating. Sasakyan ba 'yon ni Edward?" tanong ni Roxanne.

"What? Who's Edward?" tanong naman ni Nerissa.

"Asawa ni Karen. Wait lang, tita. Tignan natin kung anong gagawin nila rito." tugon ni Roxanne.

Nagtago sina Roxanne at Nerissa sa sasakyan. Nakita nilang bumaba ng sasakyan sina Karen at Edward upang dumalaw kina Magda. May mga dala rin silang pagkain.

"See that girl, tita? That's Karen! Siya ang pumatay sa anak mo!" sambit ni Roxanne.

"Pagbabayaran niya ang lahat ng ito. Pagbabayaran niya ang pagpatay sa anak ko!" tugon ni Nerissa habang nakatingin kina Karen at Edward.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now