Chapter 129: Pasabog ni Karen

3 0 0
                                    

Napahawak si Roxanne sa kaniyang pisngi nang masampal siya ni Nerissa.

"Hayop ka, Nerissa! Bakit mo 'ko sinampal?" tanong ni Roxanne.

"Bakit kita sinampal? Tinatanong pa ba 'yan, Roxanne?" tugon ni Nerissa.

"Don't you dare hurt my daughter! Wala kang karapatang saktan siya!" sambit ni Vicky.

"Wala akong karapatang saktan siya? Then fine! Ikaw na lang ang sasaktan ko!" tugon ni Vicky at sinampal sa magkabilang pisngi si Vicky.

"Hayop ka! Hindi ako papayag na saktan mo kami! Demonyo ka!" sasampalin na rin sana ni Vicky si Nerissa ngunit kaagad siyang pinigilan ni Karen.

"Don't you dare hurt tita Nerissa. Kayong dalawa ha, pwede ba, tumigil kayong dalawa. Boys, itali ang dalawang 'to!" utos ni Karen.

"Itali? Hoy, anong gagawin niyo sa amin? Mga hayop kayo!" tanong ni Vicky.

"Well, itatali lang naman nila kayo. Sige boys, higpitan niyo." tugon ni Karen.

Hindi makapalag sina Roxanne at Vicky. Itinali sila ng mga tauhan nina Karen at Nerissa sa upuan. Sinusubukan nilang magpumiglas ngunit hindi sila makaalis.

"Hayop ka, Karen! Pakawalan mo kami rito! Pakawalan mo kami!" sigaw ni Roxanne.

"Well, well, well, Roxanne. Hinding-hindi ko gagawin 'yan. Ano ako, tanga? Well, gusto ko munang magdusa kayo!" tugon ni Karen.

"Yes, Karen is right. Dapat kayong magbayad sa lahat ng mga kasalanan ninyo!" dagdag pa ni Nerissa.

"At anong gagawin niyo sa amin? Anong gagawin mo?" tanong ni Vicky.

"Well, it's just simple! Girls, pasok!" sigaw ni Nerissa.

Kaagad pumasok ang tatlong babae. Sina Ariana, Leslie, at Mariel. Bawat isa sa kanila ay may dalang isang kahon na may iba't-ibang kulay.

"Hayop ka, Karen! Ano na naman bang pakulo 'to?" tanong ni Roxanne.

"Nakikita niyo 'yang mga kahon na 'yan? 'Yan ang regalo namin sa inyo! Alam niyo, sayang lang kasi wala rito si Fred. Sayang, hindi man lang siya makakatanggap ng regalo galing sa amin." tugon ni Karen.

"Karen, itigil mo 'yan! Ano bang laman ng kahon?" tanong ni Vicky.

"Well, Vicky. Malalaman niyo rin 'yan mamaya. Malalaman niyo rin kung anong laman ng mga kahon. Pero sa ngayon, eto muna ang sa inyo!" tugon ni Karen at sinampal si Vicky!

Napangiwi sa sakit si Vicky. Tinitigan niya ng masama sina Karen at Nerissa.

"Ano, Vicky, enjoy ba? Enjoy ba ang regalo ni Karen sayo?" tanong ni Nerissa.

"Hayop ka. Hayop kayo! Mga demonyo kayo! Pakawalan niyo kami rito!" tugon ni Vicky.

"Not now, Vicky. Mamaya pa 'yan. Now, it's time to open the presents." sambit ni Nerissa.

"Yes! So Vicky and Roxanne, etong mga box na hawak nila ang regalo namin sa inyo. Bawat isa sa inyo ay mamimili ng isang box. At ang laman ng mga box na ito ay isang weapon. Etong weapon na 'to ang gagamitin namin para patayin kayong dalawa, katulad ng mga ginawa ninyo sa mga taong pinatay ninyo. So, let's open the box A! Ariana, buksan ang box na 'yan!" dagdag pa ni Karen.

"Alright!" tugon ni Ariana at binuksan ang hawak niyang box.

Isang baril ang nilalaman nito.

"Oh, baril! Baril ang laman ng box A! Tama! Baril, ang sandatang ginamit niyo para patayin sina Mystie, tita Amy, at si Janice. Mga wala kayong puso. You two are heartless! Actually, hindi lang pala two, three pala! Alam niyo, sayang talaga eh. Sayang talaga dahil wala si Fred! Sayang, hindi siya makakatanggap ng regalo. But don't worry, nandito naman kayong dalawa." sambit ni Karen.

"Hayop ka, Karen! Sinasabi ko sayo, once na makawala kami rito, ako ang papatay sayo!" sigaw ni Roxanne.

"Oh really, Roxanne? Talaga ba? You think, makakawala pa kayo d'yan? Well, tignan natin!" tugon ni Karen.

"Alright, let's move on! Leslie, open the box B!" sambit ni Nerissa.

Kaagad na sinunod ni Leslie ang sinabi ni Nerissa. Binuksan niya ang box B na kaniyang tangan.

Isang bomba naman ang laman nito.

"Oh, bomba! Bomba, ang ginamit ninyo para sa pagpapasabog sa debut ni Leslie! At ito rin ang dahilan ng pagkawala ni inay! Bomba! So ano, Roxanne at Vicky? Gusto niyo bang pasabugin ko na kayo rito?" sambit ni Karen.

"Pwede ba ha Karen, hanggang ngayon, 'yang debut pa rin ni Leslie ang issue mo? Wala na bang iba?" tanong ni Vicky.

"Don't worry, Vicky! There's more! Sige Mariel, buksan na ang box C!" tugon ni Karen.

Kaagad ding sinunod ni Mariel ang sinabi ni Karen. Kaagad niyang binuksan ang box C.

Isang napakatalim na kutsilyo naman ang nilalaman nito.

"Oh, kutsilyo! Kutsilyo! Ang ginamit niyo sa pagpatay kay Bella! Kutsilyo!" sambit ni Nerissa at lumapit siya kay Mariel at kinuha ang kutsilyong nasa loob ng kahon.

"Nakikita niyo 'to, Vicky and Roxanne? Ito ang sandatang ginamit niyo sa pagpatay kay Bella! Mga wala kayong puso!" dagdag pa ni Nerissa.

"Baliw ka, Nerissa! Baliw ka!" sigaw ni Roxanne.

"Ah, baliw? Then fine! Baliw na kung baliw!" sambit ni Nerissa at lumapit pa ito kay Roxanne.

"Nakikita mo 'to? Gusto mo bang bumaon 'to sa leeg mo? Hahahaha!" dagdag pa ni Nerissa.

"Nerissa, you're crazy! Kayong lahat! You're all crazy!" sigaw ni Vicky.

"Shut up, Vicky! Shut up!" tugon ni Nerissa.

"Ano, Vicky at Roxanne? Ayan oh, ayan ang mga regalo! Pumili na kayo kung anong gusto niyo!" sambit ni Karen.

"No! Never!" tugon ni Roxanne.

"Ah, hindi kayo pipili? Fine! Kung hindi kayo pipili, kami na lang ang pipili!" sambit ni Karen.

"You know what, Karen, parang mas maganda kung ang pipiliin natin ay ang kabaong! I think it's a better idea kung gamitin natin sa kanila ang dalawang kabaong na binili natin!" tugon ni Nerissa.

"Oh, yes, tita. That's right! That's a really great idea! Kabaong! That's a great punishment, right?" sambit ni Karen.

"Oh, yes. That's really great! Sige, gawin na natin 'to. Girls! Gawin niyo na ang dapat ninyong gawin! Now!" utos ni Nerissa.

Kaagad namang binitawan nina Ariana, Leslie, at Mariel ang mga hawak nilang kahon. Kaagad nilang tinanggal ang mga tali nina Vicky at Roxanne.

Nang matanggal ang mga tali, at nang makawala ang mag-ina, kaagad na muling nag-utos si Karen.

"Girls, alam niyo na ang gagawin niyo! Ilibing na sila ng buhay!" sambit ni Karen.

To be continued...

HAPPY NEW YEAR EVERYONE!!!

The SwitchOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz